Chapter XXI - Mysterious Identity

47 1 0
                                    

Chapter XXI - Mysterious Identity

*Chesk's POV

"Kyaaaah! Girl he's so pogi! Saan mo nabingwit yun???" si Liam, and yes, he's a gay. A super gwapo na gay.

"Anong nabingwit? Boss ko nga yun. And eventually naging kaibigan ko na din." Tss. Kaibigan nga lang ba? Tuwing maaalala ko yung nangyari nung party, hindi ko alam kung anong dapat kong isipin. A part of me says na wala lang yun. But then may times na nabobother talaga ako. Ano na nga ba kami? Tsk.

"Talaga???? So friend, pwede mo ba akong i-reto sa kaniya? Pretty please???" hay naku!

"Ano ka ba? Huwag na si Jake, iba na lang. May... May girlfriend na yun. Oo tama! Meron na." Sorry friend, I lied. Eh pano naman kasi, sino ba namang papatol dito? Eh makalaglag panty sa kagwapuhan. Maiinsecure ang mga boys sa kaniya.

"Bakit ba hindi ka na lang maging straight?" Tanong ko sa kaniya. Nakasimangot na kasi siya. Ang cute talaga. Ang pula ng lips niya. Masarap din sigurong humalik to parang si Josh at Jake. O_O Aysh! Erase erase! Ay! Ano ba Franczeska!?!

"Sinabi ko naman sayo noon di ba? Ayoko nang masaktan. Kaya nga I'm doing my ways para kalimutan yung babaeng may mahal nang iba. Magmahal ng lalaki. Pero still, my heart belongs to her. And sadly, hindi ko magawang iwasan siya. Kahit maging kaibigan na lang, okay na sa akin." He said in a male voice. Yung totoong siya.

Kawawa naman tong baklang to. Nakwento niya yun sa kin dati. First time niya kasi ma in love, sa committed pa. Kaya nga siya umalis kasi gusto niyang magheal ng wounded heart. Pero seems like hindi pa siya nagtagumpay.

I held his hand. Nagulat siya kaya napatingin siya sa mata ko. Hindi ko alam pero bigla, pakiramdam ko... Aysh hindi naman siguro! Ako na nga ang itinuturing niyang bestfriend eh.

"I... I have to go Chesk, b-bye." Nagmamadali siyang tumayo at tumakbo palabas ng coffee shop. Anong nangyari dun?

---

*Someone's POV

Nakita kong tumakbo si Liam palabas ng Starbucks. Dumaan siya sa harap ng kotse ko and I saw a tear in his face.

"So, siya pala yung tinutukoy niya. Maganda nga siya pero simple. Poor Liam. Kung bakit kasi hindi na lang ako eh.."

Umalis na si Liam sakay ng kotse niya.

Nang tumingin ako sa babae, may kasama na siyang isang lalaki at bata. They are happily chatting while the baby's sitting on his father's lap.

Wait?

Is that Jake Aquino???

What the?????

May anak na sila????

Siya ang asawa ng babaeng yun?

Oh boy! Tingnan mo nga naman ang pagkakataon...

I think I've changed my plan.

I'll help Liam have that girl, and Jake will be mine.

All mine.

Mwuahahahahaha!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Author's Note:

The who is that stalker? At totoo nga kaya na si Cheska ang mahal ni Liam???

Hindi pa man, pinaghihiwalay na sila. Ano ba yan Cheska baby? Ang haba ng hair mo. . .

¡Gracias!

CHEB27

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon