Chapter XXIII - It's A Shoot!

43 0 0
                                    

Chapter XXIII - It's A Shoot!

two months later. . .

"Sweety, nasaan na yung pinagawa ko sayo na presentation for the board meeting?" tanong ko kay Cheska habang naghahanap sa drawer ng table ko. Ano nga ulit ang hinahanap ko? Aysh! Daming kalat. . .

"Ibinigay ko na po sa inyo boss two days ago." Napatigil ako sa pagkalkal ng gamit ko. Tiningnan ko siya at nagtatakang napatitig ako sa kaniya.

Nakahalukipkip siya, nakasandal sa mesa niya, at pinapanood ako sa katarantahan ko. Ewan ko ba! Kung bakit sa tuwing pinapanood ako ni Franczeska ay nawawala ako sa konsentrasyon. Nakakainis!

"Cheska, please, not now." Inis na sabi ko sa kaniya. Siguro may magical powers din to. Sinasadya niya kasing asarin ako eh. At laging effective iyon.

"What? I'm not doing anything, Jake." Psh, defensive.

"Saan ko inilagay yung flash drive?" tanong ko sa kaniya. Tss. Oo na, ako nang makakalimutin.

Narinig ko siyang tumawa. Noong una mahina, tapos medyo lumakas na. Kapag ganyan, sasakit na ang tiyan niya. Hahawakan ang tiyan at uuko nang kaunti. See? Saulado ko na ang gestures niya. Halos araw araw din kasi kaming magkasama dahil sa deadline ng board meeting, at ngayon nga mangyayari yun. 30 minutes. Oo, 30 minutes na lang at di pa ko mapakali dahil naiwala ko yung presentation ko! The hell!!! <(`^')>

Hindi ako nakitawa sa kaniya. Seryoso lang akong nakatingin sa kaniya habang siya ay nagpupunas ng luha sa gilid ng mata niya. Ilang beses na rin akong pinagtawanan ng babaeng to eh. Nakakaasar na nga minsan. Haaay. <(ˍ ˍ*)>

"Ahem. . Ahem. ." she cleared her throat at tumawa ulit sandali. "Eh bakit ka ba kasi natataranta diyan ha? Ilang beses ka na ba nakaattend ng board meeting? First timer ang peg? Ahaha" tawa na naman. Di na makahinga eh.

Maraming beses na rin nga akong nakaattend ng board meeting, but this will be the first time na ako ang magpepresent. Medyo maselan kasi yung target investors kaya nirequest ng board na ako ang magrepresent.

Hindi naman talaga ako dating ganito eh. I always know how to handle things, mayabang ako at hindi mahiyain. Pero with Franczeska around, nag-iiba talaga ang mood ko. Like I'm being stupid at all times.

Hindi na ako sumagot sa kaniya. Ipinagpatuloy ko ang paghahanap.

Narinig ko siyang nag 'tsk', tapos lumapit sa akin.

Nagulat na lang ako nang hilahin niya ang braso ko at pilit akong iniharap sa kaniya.

God! She's looking at me intently. Kapag ganito, parang tumitigil ang mundo ko. Hindi nakakasawang titigan ang maganda niyang mukha. ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡

"Christian Jake Aquino, hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang magpakahirap sa kahahanap ng flash drive na yun kung may spare copy naman ako ng presentation mo."

o.o

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. ╰_╯

"Hindi mo man lang ---"

"Hindi ka nagtanong." Di na ko pinatapos sa linya ko. "Halika na. Baka ikaw na lang ang wala sa conference room."

Inayos niya ang necktie ko na nagulo dahil sa sobrang inis ko kanina. Bakit kasi di niya agad sinabi, di sana di na ko nahirapan. Naman oh! (-_-)/~~~ピシー!ピシー!

"Smile Sweetie. You can win it." ginagaya na niya yung tawag ko sa kaniya. . at ayan na naman ang nakakatunaw niyang ngiti . . .

At nagulat na naman ako sa halik niya. (⊙o⊙)

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon