Chapter X - He's Back with His POV

72 1 0
                                    

Chapter X - He's Back with His POV

*Josh's POV

Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito. She's finally here.

Kahapon pa ako dumating dito sa bahay nila. Hindi sana ako dito tutulog kaso nagrequest si Zach kasi hindi pala makakauwi ang Mommy niya. At ngayon nga hinintay ko na din siya. After all, magkaibigan naman kami. Kamustahin ko man lang siya. Para makapagpaalam na din.

"Josh, kanina ka pa?" tanong niya sa kin.

"Nope, kahapon pa ko dito. Nabanggit kasi ni Zach na hindi ka makakauwi kagabi kaya naglambing na tabihan ko daw siya matulog."

Lumapit si Zach sa kaniya at humalik.

"Wow Mom! Is this for me?" tanong ni Zach referring sa Dunkin Donuts na uwi ng mom niya.

"Of course baby. But you can share it to your Dad and the others. Go Zach, bigyan mo sina Nanay ha?"

"Yes Mom, thank you po!" And he ran out of the door.

Awkward. =_=

"Ahm... kamusta ang trabaho mo? Okay naman ba?" tanong ko sa kaniya. Nagkakailangan pa rin kami eh.

"Uhm.. Okay naman. Mabait yung boss at mga kasama ko."

"Pero bakit sobrang pinagod ka naman yata? Overtime pero hapon ka na nakauwi?" Err... mukha yata akong asawang nagbubunganga ah?

"Ang totoo niyan, yesterday, I was brought to the hospital by my boss kasi inatake ako ng allergy after having lunch..." O_O

"Allergy? Kumain ka na naman ng seafood? Ano ka ba naman Cheska? Alam mo namang bawal sayo yun eh!"

"I'm sorry! Hindi ko naman kasi mautusan yung boss ko na palitan yung inorder niya. Hindi ko akalain na malala na pala yung allergic reaction ng katawan ko. Muntik na akong..." she bowed her head. "But my boss managed to bring me to the hospital. He even took me to his unit para dun magpahinga. I was very weak and he didn't bother to take me home kasi alam niyang ayokong mag-alala dito sa bahay." Parang ang daming alam ng boss nito ah!

"So you're from his unit kaya hapon ka na nakauwi?" Bakit ba yun ang tanong ko?

"Yeah. Tanghali na ko nagising due to drug effects. Medyo nahihilo pa nga talaga ako, pinilit ko lang umuwi."

I sighed. "Ayoko nang pangaralan ka. Di ka rin naman nakikinig eh."

"Okay." tss, okay lang sa kaniya?

"Nga pala, I'll be leaving this Sunday. Napaaga ang schedule ng alis ko. Ikaw na muna sana ang bahala kay Zach."

"G-Ganun ba? S-sige, mag-ingat ka ha. B-Balitaan na lang kita tungkol kay Zach." Iniisip kong nalungkot siya sa sinabi ko. Alam kong mahal niya pa rin ako. At mahal na mahal ko pa rin siya. Hay... Kung sana ganun lang kadali ang lahat...

"Sige. Asahan ko yan. Pano, alis na rin ako. Hinintay lang talaga kita para makapagpaalam."

"Anong oras ba ang flight mo? Gusto mo ihatid ka namin?"

"Huwag na. Baka umiyak ka pa dun sa airport nakakahiya. Saka baka may trabaho ka pa. Kung wala maggala na lang kayo ni Zach. Ayokong malungkot siya. Pati ikaw." ~_^

"Psh, ang hangin mo pa rin eh no!?" sabay irap sa kin. Hehe. Mas okay na ganitong usapan kaysa iyakan.

"Haha, so, I'll be going then. Ingat kayo lagi ha. At wag masyado mataray sa jeep at bus. Hehe. Bye taba!!!" Pinisil ko ilong niya.

"Araaaaayy!! Tsk! Ilong ko na naman ang nakita mo!" Hinimas niya yung nasaktang ilong.

"Siyempre, ang laki kasi! Haha!" tumakbo na ko palabas ng bahay.

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon