Chapter XV - Wake UP

64 1 0
                                    

Chapter XV - Wake UP

*JAKE'S POV

Masakit na ang likod ko sa dami ng hampas na ibinigay nila sa akin. Pero hindi ako makalaban dahil natatakot akong baka masaktan si Cheska. Di baleng ako na lang, huwag lang siya.

But when the devil's about to kiss her neck, the heck! Hindi ako papayag na dumampi ang nguso niya sa babaeng mahal ko! May nadampot akong bato at pinatamaan siya sa noo. Sapul ang loko! Nakita kong napaupo si Cheska, pero inuna ko na munang gulpihin yung dalawa sa likod ko. Palapit na ako kay Cheska nang mawalan siya ng malay.

Dali-dali kong tinawagan si Marian at sinabing magpadala ng mga pulis dito sa Sky Cliff. Hindi na siya nagtanong kung bakit dahil alam niyang nagmamadali ako. Pinahanda ko na rin ang medics na gagamot kay Cheska.

Pinulot ko muna ang tsinelas niya na naihagis ko kanina nung makita kong pinaglalaruan siya ng mga hayop. Baka hanapin niya to. Havaiianas pa naman. Kaya pala matigas nung tumama sa mukha ko eh. . Psh!

Binuhat ko na siya. Malamang natakot siya nang husto. Nung dumating ako hindi naman siya mukhang natatakot kasi lumalaban pa siya. Mukha siyang galit.

Pero nung binubugbog na ako sa harapan niya, noon ko lang siya nakitang natakot. Umiiyak siya habang nakikiusap na lumaban ako. Pero hindi ko naman pwedeng sundin siya dahil siya naman ang mapapahamak.

"You're so fragile, and yet so strong. You never fail to amaze me, woman." Sabi ko sa walang-malay na si Cheska. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hindi ko na nararamdaman ang sugat at pasa sa likod ko habang buhat at yakap ko siya. Kung hindi lang kami galing sa masamang pangyayari, masaya na sana ko sa ganitong pwesto.

---

Nakarating kami sa resort at agad siyang inasikaso ng medical team. Ayoko sanang umalis sa tabi niya pero pinagamot na din ni Marian yung galos ko. Nabigla ang nurses nang makita ang likod ko. May pako pala yung kahoy na inihampas sa akin kaya nagkabutas-butas iyon. Agad nilagyan ng anti-tetanus. Habang ginagamot nila ako ay naiisip ko kung ano nang nangyari kay Cheska. Nagising na kaya siya? Ang dami niyang sugat, sana gumaling na kaagad. Nag-aalala ako sa kaniya dahil baka ma-trauma siya. Pero nandun naman si Joshua hindi naman siya iiwan nun.

Bigla akong nakaramdam ng antok dahil sa itinurok sa akin na gamot. Padapa ako natulog dahil inaayos pa ng doktor yung benda sa likod ko.

Paggising ko, pupuntahan kita agad Cheska...

---

*Joshua's POV

"Daddy, is Mom going to be okay?" Zach asked.

"Yes baby. Mommy's a tough girl. She will wake up soon." Sagot ko sa kaniya. Nandito kami sa private room niya. Nagamot na yung mga sugat niya. Limang oras na siyang walang malay.

Ikinwento ni Jake ang nangyari. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang siya naipagtanggol. Pero nagpapasalamat na rin ako dahil sinundan siya ni Jake. Kahit naman magkaaway kami, pareho lang naman naming gusto na maging ligtas si Cheska.

Nalaman ko din na malala pala yung tinamo niyang sugat sa likod. Mabuti napilit siyang magpagamot. Mukha kasing wala siyang balak umalis sa tabi ni Cheska.

"Dad, she moved her fingers! I'll call the doctor." Tumakbo na palabas si Zach. Mas matino pa mag-isip sa kin yung anak ko eh. Samantalang ako natataranta dito.

Dahan-dahang dumilat si Cheska. Parang nakikiramdam, tapos iginala ang paningin sa buong kwarto.

"Where am I?" Tanong niya.

"Nandito ka sa hospital. Dinala ka ni Jake dito."

Bigla siyang natigilan, tapos biglang bumangon.

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon