Chapter II - Finding Luck

92 5 0
                                    

Chapter II - Finding Luck

Sumakay ako sa bus na biyaheng Maynila. Maganda ang palabas, Be Careful With My Heart, yun yung first kiss ni Maya from Ser Chief. Hay. Nakakakilig talaga. Ang ganda ni Maya sa little black dress niya. Ako kaya kailan ulit makakapagsuot ng ganun? Ay! Di ko pala na-describe ang sarili ko. Hmmmn, pa'no ba? Sabi nila cute daw ako eh, nung high school days pa nga lang yun.

Ngayon? I have a rebond short hair, hanggang batok tapos sa side ay hanggang balikat. Medyo malapad yung noo ko na natatakpan ng aking mahiwagang bangs. My eyes are unique, medyo singkit tapos may taguan ng muta. Katamtaman lang naman ang ilong ko. My lips, not so small nor big, okay lang, pero sabi ni Josh next to Anne Curtis na daw. Hmmp! My skin is not so white pero maputla. Kaya my ex-boyfriend used to tell me to put makeup whenever we're going out para magmukha akong may buhay. Minsan daw kasi para na 'kong bangkay sa putla. Iniisip ko nga baka ikinakahiya niya lang ako eh. Pero di naman siguro. Ang ganda ko kaya! Chos! Maganda nga ako, maganda lang. Not much. (Ouch!) Pero I have a gorgeous body. Ako na'ng conceited. Para nga daw akong dalaga eh. ^_^

Natapos na yung BCWMH nandito pa rin ako sa bus. Traffic na naman dito sa papasok ng Imus. Hay.

*Baby I love you I never want to let you go, the more I think about the more I want to let you know...*

Calling... Babe I love you

Naputol ang aking pagmumuni-muni nang tumunog ang aking cellphone. Hay, di ko pa pala napalitan 'tong ringtone at contact name ni Josh. Tsk, napaghahalata eh.

Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot, "Hello". Narinig kong huminga siya sa kabilang linya.

"Ah, h-hello, 'mmy, ay este, Chesk, k-kamusta?" wow, stuttering ang drama ni ex. Napangiti tuloy ako. I missed his voice. Hindi ko kasi siya tinatawagan eh. Siya lang tumatawag para kamustahin si Zach.

"Okay naman, heto, on my way to Imus. Job hunt. Ikaw? Tinatanong ka na nga pala ni Zach. Sinabi ko na lang na may inaasikaso ka pa kaya di ka makauwi." Dire-diretso kong sabi. Kailangan di niya mahalata na affected pa rin ako sa boses niya. *-*

"Ah, ganun ba? Pwede ba ulit kitang tawagan mamaya pag nakauwi ka na para makausap ko din si Zach? Naisip ko din sanang dumalaw. Miss na miss ko na siya eh, pati ikaw." Mahina yung pagkakasabi niya nung huli. Ano daw? o_O

"H-Ha? A-ano ulit yung huling s-sinabi mo?" Ano ba yan ako naman nautal ngayon? Tsk, obvious ba?

"H-ha? A-ah... w-wala! Sabi ko kung pwede d-dumalaw ako sa inyo. Pwede ba Chesk?" Tss, di na inulit. Kainis!

"Uhm, oo naman. Hindi ko naman ipinagdadamot sa'yo si Zach eh. Alam ko namang miss na miss mo na siya" Ipinagdiinan ko talaga, di naman bitter di ba? ^_•

"Ikaw din 'mmy. Miss na kita."

O_O

Okay, di na ko nakakibo. I just hanged up, then smiled. +_+

"Ma para na po!" Hay, nandito na pala 'ko. Buti mabagal lang yung andar nung bus at di ako nakalampas.

Tiningnan ko muna mula sa labas ang building ng target kong company. 'MSP Company'. Engaged sila sa Supermarkets and Malls all over Asia.

Sana okay ako dito. Aja!

"Good morning ma'am, what can I do for you?" wow ingglisero si manong guard. Hmmn...

"Ah, good morning to you too, Manong. I heard na you were looking for a new office staff. Magpapasa lang po sana 'ko ng resumé." I'm using my ever-so-famous smiles ^_^

"Ah ganun po ba ma'am, sige po dito po kayo sa reception area. Ms. Jane, magpapasa daw si ma'am ng resume. Paki-assist mo na lang ha." Bilin ni manong guard kay ate pretty receptionist.

"Yes ma'am, good morning." Lalong pretty si ate pag ngumingiti.

"Hello Ms. Jane. I'm Franczeska Martinez. I'm aware that your company were looking for office staff and I'm here to apply. Here's my resume." I said while staring at her. Aish, baka akalain lesbian ako.

"Oh, tamang-tama po urgent po kasi yung position eh. Inform ko lang po yung Personnel Department. For a while ma'am." Then she picked the phone and dialed.

While waiting, I checked the surroundings. Modern ang style. Very accommodating. Nakakarelaks dito at....

"Aaaaahhhh!"

May nakabunggo sa 'kin, hinintay kong lumagpak yung likod ko sa sahig pero hindi ako nasaktan. Kaya pala, nasalo ako ni kuya.

Kyaaaah!!

Ang gwapo niya! Ang ganda ng mata niya, kung tumingin nakakatunaw, yung ilong niya perfectly shaped, lalo na yung lips niya so kissable! Nakahawak pa 'ko sa malabato niyang dibdib.

"Ehem!" the other guy faked his cough.

"Ah, e-eh s-sorry sir, n-na out of balance lang po. S-sorry." I said while stuttering. Hindi pa rin niya ko binibitiwan. Gawd! Di naman halatang ninerbiyos ako ha. Ikaw ba namang mapalapit nang ganito sa mala-anghel na mukha, pag di ka matulala. Aish ano ba yan!?

"Did you enjoy the view?" He said then smirked? Huh!

"Excuse me?" Medyo mataray kong tanong.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito kagwapo kaya hindi mo napigilang magpapansin ha?" O_o Seriously? Sinadya ko ba yun? Hinahamon ako nitong unggoy na 'to ah!

Tumayo ako at dinuro siya, "Hoy lalaki! Ikaw na nga ang nakabangga, ikaw pa'ng may ganang manisi!?! Siguro nga nakaharang ako sa daanan mo, pero ikaw ang nakakita sa 'kin kaya ikaw ang dapat umiwas! Magpapasalamat pa naman sana ako kasi sinalo mo 'ko, pero I don't think someone as conceited as you deserve such acknowledgment!" Tss, ginalit mo 'ko, sayang ang effort kong mag-smile dito kanina ah! Mawawalan pa yata ako ng chance makapagtrabaho dito, tsk! Bwisit kasi 'tong lalaking 'to! +_+---

Hindi siya sumagot. Ang sama ng tingin niya sa 'kin. Nakakatakot. Teka, bakit ako matatakot? Eh siya nga 'tong may kasalanan!

Tumingin siya sa katabi niyang lalaki na naka-formal. "Let's go. We shouldn't be wasting our time with worthless bitch." o_O Ako ba yung tinutukoy niya?

Nandito na 'ko sa bus pauwi ng Tagaytay. Oo, hindi ako natanggap. Bakit? Kasi pagkasabi nung unggoy na yun na bitch ako, ibinato ko sa kaniya yung sapatos ko! Huh! Six-inch heel lang naman yun! Sapul sa ulo ang loko! Pihadong bubukol yun! Buti nga nadampot ko pa yung sapatos ko bago tumakbo eh. Ang galing ko talaga!

Umuwi na lang ako. Nawalan ako ng ganang maghanap ng trabaho dahil sa bwisit na yun. Baka malasin lang ako lalo. Bukas na lang ako ulit maghahanap.

"San ka miss?" tanong ni manong konduktor.

"Olivarez po manong." Bibili muna 'ko ng pasalubong kay Zach.

I checked my phone, may missed calls. Hmmn, from Maureen, my friend since high school. Actually College days na nung maging close kami. Magkaribal kasi kami nung High School days. Kasi pagdating sa klase, number one na siya. Pero we had a hard time pagdating sa boys. Selosan ek-ek. Anyway, that was too long ago at naka-move on na kami pare-pareho. May magandang love life na din naman siya ngayon. ^_^

I dialed her number.

(Hello. Chesk! Asan ka?)

"Hey, I'm on my way to Tagaytay. Galing akong Imus, job hunt. Why did you call?"

(Eh pa'no nandito kami kina Marcy, biglang nagyakag si Czarina na bisitahin natin si buntis kaya ayun.)

I checked my Unisilver watch, it's only 12:30 pm.

(Hey Chesk! Still there? We're heading to Robinson's. Starbucks. Just text me if you're coming, 'kay?)

I hanged up. Maingay na, siguro nasa jeep na 'yung mga 'yun.

Hmmnn...

I think I need this to freshen up my mind.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Author's Note:

Nambalibang ng sapatos si Chesky! Ahaha!

Warning: Huwag gagalitin si Franczeska kasi namamato! ;-p

Hi kay RJ ^_^

¡Gracias!

cheb27

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon