Chapter XXXVIII - Party Night

22 0 0
                                    

Chapter XXXVIII - Party Night

"Nakatulog na pala ang birthday boy."

"Opo nga po ina, napagod nang husto. Maghapon kasi siyang nag-intindi ng bisita niya."

Lumapit sa akin si ina at hinawakan ang kamay ko. "Maraming salamat hijo sa kabutihan mo sa anak at apo ko. Hindi maikakailang ikaw ang dahilan kung bakit nagagawa nilang maging masaya sa kabila ng sitwasyon nila ngayon. Kaya salamat."

"Ina, lahat naman po ng ginagawa ko ay nakakapagpasaya din sa akin. Sobra sobra pa. Ako nga po ang dapat magpasalamat kasi nabibigyan ako ng pagkakataong makasama sila. Kung alam niyo lang po. . ."

She smiled at me. "Napakaswerte ng babaeng makakatuluyan mo. Alam kong magiging mabuti kang asawa at ama pagdating ng araw."

"Mas magiging maswerte po ako kung ako ang asawa at ama nina Cheska at Zach."

"Ikaw talagang bata ka. Bilib din ako sa lakas ng loob mo."

"Ganun po talaga, in love eh." Napatawa tuloy kaming dalawa.

Lumabas na ako sa garden kung saan nag-uumpisa nang tumugtog ang banda. Noong una ay lalaki ang bokalista. Nasaan na kaya si Cheska?

Dumating nga pala sina Mama at Papa kanina. Kahit sandali lang ay nag-enjoy din naman sila. Kung hindi lang dahil sa importanteng meeting eh hindi pa sila aalis.

Napadako sa may gate ang mata ko kaya nakita kong papasok si Liam kasama ang isang babae. Sinalubong ko na agad sila dahil medyo marami pa ring tao na nag-aabang ng libreng banda ni 'France'.

"Liam!"

"Pare!"

"Bakit ngayon lang kayo?"

"May pinuntahan akong meetings kanina eh. Bigla kasing pina-set ni Papa. Oh by the way, si Grace..."

"Hi!" We shook hands. "Your?" tanong ko kay Liam.

Hindi nakasagot si Liam kaya "His friend. Childhood friend." sagot ni Grace with a smile. Pero di nakalampas sa akin yung lungkot sa mata niya. Hmmm. . .

"Pasok na tayo. Nag-start na yung banda. Pero mag-dinner muna kayo."

Sakto namang nakasalubong namin si Cheska kaya...

"Liam!" sabay yakap niya. "Bakit ngayon ka lang? Akala ko di na pupunta eh, magagalit na talaga ako sayo!"

"Pwede ba naman yun? Takot ko na lang sayo."

"Naku!!! O, lika na, kain ka mun- teka." Saka niya lang napansin yung babaeng nasa likod ni Liam.

Tinitigan niya ito nang malapitan. Tapos ngumiti.

"Hi! Di ba ikaw si Ms. Grace Shang? Yung sa Focus Company?" Huh? Siya ba yung sikat na photographer? Kaya pala pamilyar siya!

Alanganing tumango si Grace sabay napangiti.

"Wow!!! Ang ganda ganda mo naman Ms. Shang! Alam mo bang inaabangan ko lahat ng features mo sa Fame Mag?" she said while holding Grace's hand. Nakakatuwang makita si Cheska na ganito. May hinahangaan pa pala siya. hehe.

"Talaga? Naku salamat. Pero pwede bang Grace na lang?" Mukhang gumaan na ang pakiramdam niya.

"Oo naman! Friends na tayo ah!" Ganun kabilis? Ayos din tong mga babaeng to eh. .

"Haha! Oo ba!" nagkwentuhan na sila agad.

Siniko ko si Liam kaya napatingin siya sa akin.

"Patay ka ngayon. May pagsusumbungan na si Grace pag pinaiyak mo."

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon