Chapter XVIII - What Makes You Beautiful

55 2 0
                                    

Chapter XVIII - What Makes You Beautiful

*Laura's POV

"Sigurado ka ba sa ginagawa mo Laura?" tanong ni Sandra sa akin.

Kasalukuyan kaming nanonood sa magkasayaw na sina Jake at Cheska. Nahikayat ko ang dalaga na magsuot ng dress para sa party. Sinabi kong palabas lang ang lahat ng ito dahil may isang babaeng matagal nang naghahabol kay Jake, at ayaw kong tuluyang umasa ang babaeng iyon. Maimpluwensiya ang pamilya ng babae at desperadang makuha si Jake. Agad namang pumayag ito alang-alang sa binata.

"Ngayon lang ako napagtaasan ng boses ng anak ko. Nung muntik nang madapa si Cheska kanina. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong hinampo sa kaniya pero ramdam ko, mahal na niya si Cheska. Hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis, pero masaya ako para sa kaniya." sagot ko habang nakatutok ang mga mata sa dalawa. Nandito kami sa ikalawang palapag ng mansion.

"Pero mababaw pa lang naman siguro ang pagmamahal na iyon. Maaari pang pigilan. Hihintayin mo pa bang lumalim yun?" tanong niya ulit.

"Sandra, walang mababaw o malalim na pagmamahal sa taong totoo kung magmahal. Kilala ko ang anak ko. He suffered a lot nung iwan siya ni Abby, he became miserable. At ngayong nakita na niya ang magpapasaya sa kaniya, pipigilan ko pa ba?" I told her back.

"Eh paano kung hindi siya kayang mahalin ni Cheska? Paano kung masaktan lang siya ulit? Kakayanin mo bang makitang maging miserable siyang muli?" Yun din ang iniisip ko.

"I still hope that she would choose my son. But if not, saka ako aaksyon." She is shocked sa sinabi ko.

"What do you mean?" she asked.

"I'll have her marry Jake, for real."

-------------------------------------------------

*Chesk's POV

Nandito kami sa gitna ng hall, nagsasayaw. Hindi na kumikirot ang paa ko kasi may itinurok na gamot yung family doctor nina Mama. Yun nga lang, temporary lang ang effect. Mamaya sasakit na ulit to.

Nakasuot ako ng isang eleganteng damit. Emerald green, full length, nakahakab sa katawan ko, halter style, revealing my shoulders, at may butas yung kaliwang baywang kaya kita yung skin ko. Nakakahiya nga kasi baka makita yung stretchmarks ko. Pero sabi naman nung bakla na nag-ayos sa akin ang ganda-ganda ko daw. Mala-Diyosa pa nga daw eh. Pero nung tumingin ako sa salamin, akala ko ibang tao ang kaharap ko. Sobrang ganda ng repleksyon ko!!!!!!

At ito namang kasayaw ko, hindi ko alam kung ano bang problema. Kanina pa walang kibo. Nakatingin lang siya sa akin. No. Nakatitig pala.

Ang huling sinabi nga niya eh "May I have this dance?" and that was, I think, five minutes ago. Tapos nun, wala na! Ano kayang problema nito. Siguro iniisip niya yung setup na party na ito. Pero sabi ni Mama Laura huwag ko daw babanggitin kay Jake ang tungkol dun kaya hindi ko tuloy siya matanong kung sino ba sa mga babaeng nandito ang tinutukoy ng Mama niya. Para kasing lahat naman ng dalaga dito eh masama ang tingin sa kin. =_=

Creepy ha. . . .

"Excuse me." Napapitlag ako nang may magsalita sa tabi namin ni Jake. "Can we exchange partners?" tanong niya sa amin.

Tumingin ako kay Jake pero blangko lang ang mukha niya. Nang biglang lumuwag ang pagkakahawak sa akin. I gave him a 'Don't tell me papayag ka?-look'. . .

Kaya naman. . . .

Heto ako ngayon, kaharap ang isang total stranger.

He opened his arms and asked, "Shall we?"

Tumango ako at kumapit sa kamay niya. Hinawakan naman niya yung isang baywang ko since yung isang kamay niya ay hawak ang kamay ko. At buti na lang yung may tela ang nakapitan niya. Whew!

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon