Chapter XXX - Having Fun

37 1 0
                                    

Chapter XXX - Having Fun

"Whaaaat?!!" sigaw ni Winston. . sabay linga sa paligid na akala mo'y may makakarinig sa kaniya. . Psh. .

Nandito kami sa kabina ko at ikinuwento ko sa kaniya yung nangyari kaninang umaga. Kung paanong pinilit akong i-seduce ng isang pasahero.

"Pare, no offense meant ha. . Pero bakit ba ayaw mo kay Eunice ha? Pre ubod ng ganda! Modelo. Mayaman. Sikat. At ang katawan pre! Lakad pa lang napapaikit na ko sa upuan!!! Bakit ayaw mo!?!"

Hindi ko siya sinagot. Simple lang naman yun eh. At alam na niya dapat ang sagot ko dun.

Dinampot ko ang phone ko na nasa mesa..Magka chat kami ni Zach. Hindi pa pala umuuwi ang Mom niya. At naiwan siya sa mansion. Kahit papano ay okay na rin dahil pareho silang nag-eenjoy. May playmates na daw siya sa bahay dahil pinasundo ni Ma'am Laura yung anak ng maid nila. Mababait nga ang pamilya ni Jake.

"Pre, pwede bang makita kung anong hitsura ng ex mo?"

Nagulat ako sa tanong na yun ni Winston. Hindi ko kasi ipinapakita sa kaniya dahil alam kong magugulat siya. Pero para na rin siguro hindi ako kulitin nito sa kung sinu-sinong babae, tama nga lang na makita na niya.

Tumayo ako at kinuha ang Sony Digital Frame ko. May naka-save na photo clips dito, photos simula nung okay pa kami, pati na rin yung last family date namin.

Ini-on ko at nagplay ang background music. Now and Forever by Richard Marx.

Umpisa pa lang, napansin ko nang napanganga si Winston. Psh. Sabi ko na eh. . .

Kahit ilang ulit kong panoorin ang slideshow na yun, nadadala pa rin ako. It still makes me sad, thinking na nagkaganito na kami ngayon ni Cheska. Pero everytime I watch it, there's still a living hope within me.

"O, nakita mo na. Alam mo na siguro ngayon kung bakit..." sabi ko sa tulalang si Winston. Tss. Ano ka ngayon?

"Tol!" Aray! Bigla ba naman akong sinuntok sa braso... "Bat di mo naman agad sinabi na mala-Diyosa pala yung ex mo! Eh walang wala nga talaga yung si Eunice diyan eh!!! Pare, paano mo nakuha yun??? Bilib na ko sayo!!!"

O.A. nga talaga, pero ganun talaga kaganda si Franczeska eh. . . Kaya problemado talaga ako lagi sa mga admirers niya. . .

"Pre, uwi ka na! Aba! Baka may makaagaw pa sayo diyan, sige ka!" Tignan mo to, nanakot pa. . . Tsk!

Huwag naman sana...

-----

"San ba talaga tayo pupunta?" pangwalong tanong ko na yun kay Franczeska. Tsk. Ngayon pa niya naisipang gumala eh gusto ko na ngang umuwi at maligo. Nakakahiya kaya, ang baho ko na siguro... =_=

"Haaaaay. . Basta! Stay put ka lang diyan..." 'tss, as if naman makakababa ako sa bilis mong mag-drive. .' bulong ko sa sarili ko. .

Nang tumigil kami sa tapat ng mall. Mall namin. Ano kayang gagawin namin dito eh malapit na magsara? 8:30 na kaya!

"Halika na!" Masayang sabi niya. .

Haaaaaay. .

Kapag ganyan ang hitsura ng maglalambing sayo, magagawa mo pa bang tumanggi?

Kaya kahit kinakabahan ako sa kung anumang plano niya, heto ako, parang batang nagpahila sa nanay ko...

Fourth floor.

Nandito ang Movie World - hindi naman siguro kami manonood ng movie dahil patapos na ang last show. Hmmmm.. Lumampas kami.

Mobile Shops - Kabibili ko lang ng iPhone 5 eh. Ooops. Lampas ulit.

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon