Chapter I - The Heartbreak

266 7 0
                                    

The names of the persons, place, and events that appear herein were solely a product of the author's wild imagination.

Any consanguinity of such information from series of events were merely coincidental.

All rights reserved © 2013

Now And Forever, I Will Be Yours

By: Cheb27

Enjoy Reading!

Cheb27

Chapter I - The Heartbreak

"You heard it right. I'm breaking up with you." I said in a low voice, na para bang hindi ko gustong marinig niya ang sinasabi ko.

Mahabang katahimikan ang nagdaan, bago siya sumagot, "Kung yan ang desisyon mo, igagalang ko. Huwag mo lang sanang ipagdadamot sa akin si Zach."

I sighed, "Of course not. You're always welcome to visit him. After all, magkaibigan pa rin naman tayo, hindi ba? Might as well ipakita muna natin sa kaniya na we're okay. Hindi na muna natin sasabihin sa kaniya na wala na tayo."

Kunot-noong tumingin siya sa'kin. "Ayoko lang na pag-isipan niya ang isa man sa 'tin na may ginawang kasalanan kaya tayo naghiwalay. Isa pa, ayokong ma-stress siya sa mga magulang niya na parang aso't pusa kung mag-away. Kaya I suggest na everytime we're together, let's pretend to be a happy couple."

"Until he's ready to understand these things?" tanong niya bago tumingin siya sa labas ng bintana ng kotse. Napahawak ako nang mahigpit sa manibela, then nodded. He sighed, pagtingin niya sa 'kin, "Sige, payag ako."

____________________________________

Tatlong linggo na ang nakaraan matapos ang usapan namin. Tatlong linggo na mula nung huli kaming magkita. Nakakamiss din pala.

"Mommy kailan po uuwi dito si Daddy?" tanong ni Zach. He's asking the same question for weeks.

"Baby di ba nag-aayos pa si daddy ng requirements for his job? Baka matagalan pa yun. Pero malay mo isang araw i-surprise niya tayo. Wait na lang natin baby ha?" I said while hugging him.

He just nodded, at sandali lang ay tumatawa na siya sa Oggy and the cockroaches. Mga bata talaga. Walang pinoproblema.

"Hindi na po ako baby, Mommy. Big boy na po ako, di ba?" He looked at me and smiled widely. ^___^

"Hmmmn oo nga pala. O siya kung big boy ka na, iligpit mo na yang gamit mo, ikinalat mo na naman lahat eh."

"Yes Mommy. Pag patalastas na po."

I patted his head, and smiled. Ang bilis ng panahon. Five years old na siya. Parang kailan lang nung high school pa ko at medyo boyish. Parang kailan lang nililigawan pa ko ng daddy niya. Pero ngayon...hay.

Ako nga pala si Franczeska Martinez, 25, Graduate of BS in Commerce major in Management. Bunso sa apat na magkakapatid. Si Justine Zachariah de la Cruz o "Zach" ay anak ko, anak namin ni Joshua de la Cruz.

Yeah, siya yung kausap ko three weeks ago. We agreed to end our relationship since we often argue at talaga namang nakakasawa na. Ten years kami naging mag-on. We love each other. Pero it came into a point na parang mas mahalaga pa sa 'min yung ego kaysa sa feelings. Ganun yata talaga pag sinusubok kayo, o kami lang ang ganun? Ay ewan!

"Zach, dito ka muna kay Nanay ah? Aalis muna si Mommy. Mag-aapply lang ako ng trabaho. Be good, okay?"

"Sige po mommy. Ingat." nakatutok pa rin siya sa tv.

"Eh yung kiss ko?" Naka-pout kong sabi.

Saka lang siya tumingin sa kin then kiss and hug me. Sarap naman. Parang ayoko na umalis ah. Kaso di pwede. Kailangan kong gawin to para sa sarili ko. Masyadong matagal ko nang binuburo yung pinag-aralan ko. Seven months na since I resigned sa dati kong trabaho.

"Thanks baby. Anong gusto mong pasalubong?"

He put his index finger to his chin at umakto na nag-iisip. Ang cute ng anak ko! Oh, well kanino pa ba magmamana? "Fries and Catsup po Mommy." *-* at parang nag-twinkle pa yung mga mata niya? Tss, favorite niya talaga.

"Okay baby. I'll be home before you notice at may dala na akong malaking Jollibee French fries for my baby. Bye Zach. Makikinig kay Nanay ha?"

"Opo." Palibhasa bakasyon na kaya tv marathon ang drama. He graduated pre-school two weeks ago sa International School dito sa Tagaytay. Bago pa lang yung school kaya medyo mura pa. Isang reason din yun kaya kailangan ko talagang magtrabaho. Ayoko namang iasa lahat kay Josh.

Then I went out sa tindahan ni ina at nagpaalam. "Ina kayo na muna bahala kay Zach maghahanap lang po ako ng trabaho."

"O siya sige, mag-ingat ka."

"Opo." bait ko 'no? haha.

Naglakad na ako papunta sa kanto para dun maghintay ng tricycle. Byahe lang ako, sayang ang gas eh. hehe.

"Chesk, sakay na!" ayun buti pinasakay ako ni Luis, kababata ko, libre na ko paglabas. Medyo malayo din kasi kung lalakarin, papawisan pa 'ko. Minsan naman walang dumadaan na tricycle, kaya swerte talaga pag may nagpasakay sa'yo.

"Wuy, sige thank you! habang sumasakay ako sa owner-type jeep niya.

"Saan ba punta mo? Pormal na pormal ka ah!"

"Mag-aapply ako ng trabaho."

"Magtatrabaho ka pa eh laki naman ng kinikita ni Josh as seaman di ba?"

"Naku hindi rin ganun kalaki sahod niya, saka di ba ang tagal na rin niyang nakapahinga? Wala nang ipon." Totoo yun. Eleven months na siyang hindi nakakasampa. Baka by May pa siya makaalis.

"Ah. Eh san mo ba planong mag-apply? May target company ka na ba?"

"Hmmm, oo meron na. Sa Imus ako pupunta ngayon."

"Ah, o siya sige, at ako'y pailaya."

"Sige salamat ha? Ingat." Bumaba na ako ng sasakyan niya.

"Sige, ikaw din. Good luck!"

Nginitian ko na lamang siya bago siya umalis. I sighed. Yeah, good luck to me!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Author's Note:

This is my first story. ^_^

Kaya please bear with me. You're free to correct me kung may mistakes ako, huwag niyo lang ako gagamitan ng harsh words dahil maldita din ako. Ayan ah! May warning???? Ahaha. Naniniwala kasi ako na "you need to respect other person in order to be worthy of their respect." So maging mapanuri tayo nang hindi nakakasakit ng damdamin, okay?

Na-inspire akong magsulat dahil kay Ms. Alesana_Marie. (Hi idol!) Check her works especially yung Talk Back and You're Dead Series. Sobrang galing niya!

No soft copies po.

Vote, Comment, and Become a Fan.

¡Gracias!

chebong

Now and Forever, I Will Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon