~Kim's POV~
"Princess. Princess gising na. Baka ma-late ka pa."
"Hmm.. 5 more minutes, please." Inaantok pa ko! Ang aga naman mangistorbo!
"Princess. Come on. Wake up already." Si Kuya Jake?!
Dinilat ko agad yung mata ko at nakita ko si Kuya Jake na niyuyugyog yung balikat ko. Ngumiti naman agad siya sakin.
"Good Morning, Princess. Halika na. Nakahanda na yung pagkain natin sa baba. Nandun na sila Tita at Jessy sa baba." Sabi ni Kuya Jake.
"Okay, Kuya. Sige mauna ka na sa baba. Susunod na ako." Paalam ko sa kanya.
"Okay. Bilisan mo ha?" Nag-nod nalang ako at umalis na siya sa kwarto ko.
January na pala. malapit na exam. Malapit na din kaming grumaduate. Friday nga pala ngayon.
Tumayo na ako sa kama ko at nag-stretching ng konti. Naghilamos na ako at bumaba na.
Nakita ko naman sila sa hapag-kainan. Halatang hinihintay na ako e.
Nagsimula na din kaming kumain at nag-ayos na kami ni Jessy dahil may pasok pa kami. Nung narinig namin yung honk sa labas, lumabas na din kami ni Jessy.
"Kim. Halika, hatid na kita." Yaya ni Luhan.
"Wag na. Ako na, Luhan. Tara, Kim." Yaya naman ni Patrick.
Binigyan ko naman si Jessy ng help-me-look, pero ang gaga, tumawa lang at lumapit sa boyfriend lang. Argh! Babaita talagang yon! Ano nang gagawin ko?
"Hep. Sorry, pero ako ang maghahatid at magsusundo sakanya, so, back off. Akin ang princess ko ngayon." Nagulat naman ako ng may nagsalita sa likod ko.
"Kuya Jakeeee!!" Sigaw ni Angel at tumakbo kay Kuya Jake.
Niyakap niya si Kuya Jake at niyakap din siya ni Kuya Jake. Nakita ko namang nangasim yung mukha ni Christian. Haha! Seloso e!
Lumapit na din si Lee at niyakap ng boy style(alam niyo yun? basta yun na yon!) si Kuya Jake at bumalik na din agad kay Abby.
"Kelan ka pa dumating, Kuya? Na-miss ka namin ha!" Tanong ni Angel.
"Kahapon lang, Angel. Na-miss ko din kayo. May pasalubong nga pala ako sa inyo. Mamaya ko na ibibigay." Sabi ni Kuya Jake.
"Sige, Kuya." Sabi ni Angel at bumalik na dun sa seloso niyang boyfriend. Nakita ko naman silang parang nag-aaway. Hahaha!
Nakita ko namang nagkatinginan si Kuya Jake at si Pat. Nawala yung ngiti ni Kuya Jake. Anong nangyayare?
"Jake?"
"Patrick?" sabay na sabi nilang dalawa.
"Magkakilala kayo? Pano?" Tanong ko naman.
"A-ahh.. Junior ko siya dati sa school sa Korea. So, tara na? Male-late na kayo." Junior? Wala naman naku-kwento sakin si Kuya Jake. Hmm. Whatever.
Sumakay na kami sa sasakyan namin, pero ako nakasakay sa kotse ni Kuya Jake. Hatid-sundo niya daw ako ngayon e. Sweet ~ ♥
Nagpaalam na kami kay Kuya Jake at nauna na sa clasroom namin. Napansin ko naman na parang tahimik si Pat.
Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Pero hindi niya ata ako napansin na tumabi sa kanya.
"Pat. Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Mukha naman siyang natauhan na.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
RomantizmPano makakamit ng dalawang taong nagmamahalan ang kanilang "Happy Ending"?