Salamat po sa mga Readers, Voters and Commenters(?) xD Keep Supporting this story! Kamsahamnida!!
----------------------------------------------------------------------
~~Kim's POV~~
Mga one week na ring galit sa akin yung mga besprends ko. Ang lungkot ko. Wala akong inaasar, wala akong kausap, wala akong kakwentuhan, wala akong KAIBIGAN. Kumalat na agad-agad yung dito sa school. Madami na akong natatanggap na mga masasakit na salita simula nung mag-away-away kami. Lagi nila akong tinitingnan ng masama at sila Angel laging umiiirap sa akin pagka-nakikita nila ako. Sobrang tamlay ko na. Hindi na kasi ako kumakain kasi lagi akong walang gana kaya alalang-alala na sa akin sila Mama. I feel so lonely. Para ko na kayang kapatid yung mga besprends ko. Kaya napakahirap mag-move on. Nandito nga pala ako sa tapat ng gate ng school. Pagkapasok ko, nagsimula na naman ang bulungan here, bulungan there, bulungan everywhere."Yan kasi! Slut! Yan ang bagay sa mga katulad niya!" bulong ni bitchy girl 1.
"Tama ka diyan ,sis! Ang landi! Pati tuloy mga 'bestfriends' niya galit sa kanya. Haha! Buti nga!" sabi naman ni bitchy girl 2. Araw-araw na akong nakakarinig ng ganyan pero ang sakit-sakit pa rin.
"Check kayo diyan mga sis! Gusto niya lang matikman si Papa Luhan eh! What a bitch!" sabi ni bitchy girl 3. Aba! Sumosobra na sila ha! Hindi ko na natiis at hinila ko yung kamay ni bitchy girl 1.
"Hey! Get you hands off me!" sabi ni bitchy girl habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ko sa kanya. Sasampalin na sana ako ni bitchy girl 2 pero nahawak ko yung kamay niya at binigyan siya ng try-mo-lang-at-mamamatay-ka look. Mukha namang natakot siya.
"Hey! I said get your dirty hands off me!" sigaw ulit ni bitchy girl 1. Ang dami nang nakatingin sa amin. Pero wala akong pakielam sa kanila.
"Wow~ Naging dirty lang naman yung kamay ko kasi hinawakan ko ang kamay ng isang bitch na tulad mo!" Sabi ko. Nanghihina na ako.
"What?!?! Ang kapal ng mukha mo ah! Get your hands off me!" sabi ni bitchy girl 1.
"Makapal? Mukha ko? Pano pa kaya yung sayo?" Sabi ko sa kanya. Bigla siyang nakawala sa pagkakahawak ko at aakma na sana akong sampalin siya pero napigilan ako ni bitchy girl 2.
"It's time for revenge." sabi ni bitchy girl 1. Bigla akong sinampal ni bitchy girl one at sumunod naman sila bitchy girl 2 at 3. Hindi ako makapalag sa kanila. May sugat na ako sa kamay. Pulang-pula na yung pisngi ko. Natumba na ako. Sobrang nanghihina na talaga ako! sinasaktan parin nila ako ng magulat ako ng bigla silang tumigil. Inangat ko yung ulo ko at nakita ko si Luhan na hawak-hawak yung kamay ni bitchy girl 1.
"Pa-Papa Luhan? What are you doing here?" Tanong ni bitchy girl 1.
"Wag mo nga akong tawagin na 'Papa Luhan'! Nakakadiri! At tigilan niyo na si Kim!" Sigaw ni Luhan sa tatlong bitchy girls.
"What?!! How could you! Lets go girls!" sabi ni bitchy girl 1 at sumunod naman sila 2 at 3. Biglang hinawakan ni Luhan yung balikat ko at tinulungan akong tumayo. Nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap, lalo tuloy akong naiyak!
"I'm really sorry Kim, This is all my fault." Sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin. Tinulak ko siya palayo sa akin kahit hinang-hina na talaga ako at tumakbo papalayo sa kanya. Tumakbo ako hanggang sa makapunta ako sa Restroom. Ni-lock ko yung cubicle at doon ako umiyak. mga one minute akong umiiyak doon hanggang sa may marinig akong mga babaeng papasok. Binuksan ko yung cubicle at nakita ko sila Angel at Jessy. Sobrang na-miss ko na sila. Bigla akong tumakbo papunta sa kanila at niyakap sila pero tinulak nila ako ng malakas. Hindi ako nasaktan sa pagtulak nila sa akin pero nasaktan ako sa pagtrato nila sa akin.
"Ahh, sorry miss, but, do we know you?" Tanong ni Angel sa akin na-freeze ako sa sinabi niya.
"Ahh, we gotta go now miss." sabi nila at iniwan na akong mag-isa. Inayos ko agad ang sarili ko at pumunta sa classroom. Umupo agad ako sa upuan ko at saktong dumating na yung Prof namin. Nakinig nalang ako sa Prof para alisin yung sakit sa dibdib ko.--Pagkatapos ng klase--
Friday ngayon at ibig sabihin isa lang ang klase namin. Lumayo muna ako sa mga tao sa paligid ko at umakyat ako sa third floor. Wala masyadong pumupunta dito, Kaya mag-isa lang ako dito. Pumunta ako sa malapit sa bintana at tumingin lang sa malayo. Grabe, ang sakit talaga ng sinabi ni Jessy at Angel. Hindi ko na napigilang umiyak at umiyak na ako. Hindi ko na matigil yung pag-iyak ko, ang sakit talaga. Sila yung kasama ko for almost 11 years. Iyak lang ako ng iyak nang biglang may panyo na sa gilid ko. Tiningnan ko kung kaninong kamay yun at nakita ko si Patrick.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
RomancePano makakamit ng dalawang taong nagmamahalan ang kanilang "Happy Ending"?