Chapter 13 - Plastic Ka!

187 8 7
                                    

So.. Ahhh.. Salamat talaga ng marami!!!! 900+ na reads nito!!! Wahhhhhh!! i Labyu all!!! Wooooo!! Ginaganahan talaga akong ipagpatuloy 'tong story ko dahil sa mga nagco-comment!!! Wiiiii!! Salamuch talaga!!!! Mwahhhh!!

-----------------------------------------------------------------------------------------------

~~Patricks POV~~

Gusto ko sabihin 'to nang diretsuhan.. Mahal ko na si Kim.... Oo, mahal na.. simula ng makita ko siya, nagkagusto agad ako sa kanya... Ganon na rin yung kambal ko. Kaming dalawa lang ang nakaka-alam ng feelings namin para kay Luhan at Kim. Parang hindi nga totoo na sila na eh.. Hindi ko man lang mapansin na ang sweet-sweet nila sa isa't-isa. Nagpapanggap lang ata 'tong mga 'to ehh. Tignan lang natin Luhan, aagawin ko sayo si Kim. May the best man wins! 

Nandito nga pala kami ngayon sa Park... Kakatapos lang ng klase namin. Ako at si Kambal, nakatingin lang sa kanila.. Pero nakikitawa at nakikipag-kwentuhan din naman kami. 

Si Kambal ehh.. Makatitig kay Luhan, wagas!

~~Kath's POV~~

Ahhh! Naiinis ako kay Kim! Ibigay mo na kasi sa akin si Luhan! Akin na lang siya! Di naman kayo bagay eh! Hindi ko masabi kay Kim lahat ng nasa isip ko kasi baka magalit sila.. Di na kami kaibiganin ni Kambal.. Malalayo pa ako kay Luhan ko! Ah! Nakakainis ka Kim! Di ka naman kasi para kay Luhan ehh!! Plano ko kasi, Makikipag-close ako sa kanila at lalo na kay Luhan, at unti-unti siyang agawin kay Kim.. So.. PLASTIC MODE: ON.. Bwahahaha! Di mo mamalayan na unti-unti ko nang inaagaw sayo si Luhan, Kim! Sige tawa pa! Sulitin mo na habang may time ka pa.

~~Kim's POV~~

May napapansin talaga ako sa mag-kambal na 'to! Kanina pa kasi nakatitig sa amin ni Luhan ehh.. Kanina pa nakatingin ng masama sa aming dalawa eh! Ano ba kasing ginawa namin. Lalo na 'to si Kath! Kung makatitig sa akin eh, parang unti-unti na akong pinapatay sa isipan niya! 

"Luhan, may napapansin ka ba sa magkambal?" Pabulong kong tanong kay Luhan.

"Oo, kanina ko pa napapansin yung mga matatatalas na tingin nila sa atin eh! Ano bang ginawa natin?" Pabulong na tanong niya sa akin. 

"Oo nga! Kausapin kaya natin? Mag-sorry tayo kung may nagawa tayo sa kanila!" Bulong ko kay Luhan.

Nag-nod siya at sabay kami tumayo. Nakita namin na nagulat silang lahat. 

"Oh! San kayo pupunta??" Tanong ni Jessy.

"Oo nga! Sama kami!" Sabi naman ni Christian.

"Tse! Manahimik nga kayo! May pupuntahan lang kami ni Luhan. Kasama sila Kath at Patrick." Sabi ko sa kanila. Nagulat yung mag-kambal sa sinabi namin ahh..

"H-ha? Sa-saan?" Nauutal na tong nila.

"Basta. Tara!" Sabi ko.

Hinila ko yung kamay ni Patrick, ganon din naman yung ginawa ni Luhan kay Kath. Pumunta kami sa isang malaking puno dito sa Park at Nagsi-upuan na kaming apat.

"So, Ba't niyo kami sinama dito?" Tanong ni Kath. Medyo ramdam ko na may halong inis sa boses niya.

"Ahh.. Gusto sana namin mag-sorry." Sabi ko habang naka-tungo.

"Oo nga! Sorry talaga!" Sabi ni Luhan na naka-tungo din.

"Ha? Para saan??" Sabay na tanong nila.

"Eh kasi, napansin namin na lagi kayo naka-tingin ng masama sa amin. Ano bang ginawa namin?" Tanong ko.

"Ah-ahh.. ano ba kayo?? hindi naman masama tingin namin sainyo ehh.." Tss. Palusot pa si Patrick.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon