Yes naman! Bumabawi si Author! Wala eh. Love na love ko kayo eh. Yieee! Kilig ang pwet! Haha! Sige! Enjoy!
——————————————————
~Kim's POV~
Monday na ulit at makikita ko nanaman yung Luhan na yun. Gusto kong makalipat sa ibang section at lumayo sa kanya. Para bawas hirap. Last subject na namin at English ang subject ngayon. Nakikinig lang kami sa teacher naming dada ng dada.
"Okay class, you guys have to do a roleplay. Your partner will be your seatmate. I'll give the stories you have to act, okay?" Sabi ni prof.Lahat ng classmates ko nag-yehey at ako lang hindi.
"But maam, Can't we pick our partners?" Tanong ko.
"No, Ms. Dela Cruz. What I said is final. Goodluck, class! Class dismissed." Sabi ni maam at lumayas na. Aba't mapaglaro nga naman ang kapalaran oh! Talaga bang ayaw ni lord na magkahiwalay kami ni Luhan? Parang imbis na paghiwalayin kami, mas pinaglalapit pa kami ng tadhana. Wahhhh! Mukhang china-challenge ako ng kapalaran ah? Bakit ganon? Imbis na yung nangloko at nanakit sa akin ang malasin mukhang ako pa ata ang mamalasin ah! Nakakinis talaga! Kelangan ko nang lumipat ng section!
"Ahh, Kim? Okay ka lang?" Tanong ni Luhan
"Oo." Matipid kong sagot at lumabas na ng classroom at dumiretso sa field. Pinagsisisipa ko yung puno ng biglang may nagsalita.
"Hoy! Ano bang problema mo?" Tanong nung lalaki na naka-upo sa tangkay ng puno at mukhang nakikinig pa sa music. Di ko sya masyadong makita. Nanlalabo na ata yung mata ko! Wait! Si...
"Patrick?" Si Patrick nga!
"Kim?" Bumaba agad siya ng puno at tinignan ako sabay yakap.
"Uy! Anong problema mo at nangyayakap ka? Hug day ba ngayon?" Tanong ko sa kanya. Inalis niya yung pagkakayakap niya sa akin sabay tawa at gulo sa buhok ko.
"Hoy! Hindi ako aso!" Sigaw ko sa kanya. Tumawa ulit siya at umupo sa ilalim ng puno at pinaupo niya rin ako kaya umupo na ako sa tabi niya.
"May kausap ba ako? Kanina pa ako tanong ng tanong wala namang sumasagot." Tanong ko sa kanya at tumawa lang ulit siya.
"Saya mo noh? Tawa ka ng tawa eh! Makaalis na nga!" Sabi ko. Tatayo na sana ako pero hinigit niya yung kamay ko pababa kaya napaupo ulit ako sa tabi niya. Mukha kasing shunga kausap eh!
"'To naman! Ambilis mapikon. Sorry na!" Sabi niya.
"Wala akong nararamdaman na sincerity." Mataray kong sabi.
"Oo na. Sorry na kung tinatawanan lang kita kanina. Happy?" Yan! Marunong naman pala mag-sorry ng maayos eh!
"Okay na. Ba't ka nga pala nandito? Tsaka bakit mo ko niyakap kanina?" Tanong ko sa kanya.
"Wala na namang magawa sa classroom kaya tumambay nalang ako dito tapos nakita kitang pinagsisisipa yung puno tapos niyakap kita kasi one week na kitang hindi nakikita at na-miss kasi kita eh. Nasagot ko na PO ba yung mga tanong niyo?" Ay ganon? Haba ng explenation ni kuya!
"Opo! Haba ng explenation eh! Kamusta naman yung NAPAKABAIT*sarcastic yan syempre* mong kambal? Masaya ba siya na nasira na naman niya ang relasyon namin ni Luhan?" Sarcastic kong tanong. Biglang naging malungkot yung mukha niya kaya nagsisi ako sa sinabi ko. Kahit naman napakamaldita at napakalandi ng kakambal nun, kapatid niya pa rin yun. Tanga ka talaga Kim!
"Sorry.. Wag mo nalang pansinin yung sinabi ko. Ngiti ka nalang ulit!" Baka kasi damdamin niya pa yung sinabi ko eh. Konsensya ko pa! Bigla nalang siya ngumiti ng malungkot.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
Storie d'amorePano makakamit ng dalawang taong nagmamahalan ang kanilang "Happy Ending"?