Naks! Yung title nang chapter na 'to! XD Chos lang! Since tinatamad ako at walang magawa, magU-UD nalang ako. Para makabawi. Sige, masyado na akong madaldal. Bye!
------------------------------------
~Kim's POV~
From, Kim
Bahala ka. Ako na nagsasabi sayo namadami kang pagdadaanan para makuha ang Oo ko :) Goodluck nalang sayo.To, Luhan
Yan ang sinulat ko sa likod ng papel at nilagay ko sa desk niya. Umupo na ako sa upuan ko at bakita ko siya na papalapit sa upuan ko.
"Nabasa mo ba yung sulat? Tsaka nasan na yung flowers na binigay ko sayo?" Takang tanong niya. Aba! Ang kapal ng mukha niyang kausapin ako ah! Kasing kapal ng libag ni mirabela sa buong katawan niya!
"Oo. Nabasa ko. At wala ka nang pake kung nasan yung flowers." Mataray kong sabi at nakatingin lang sa blackboard.
"So-sorry, mahal" Pabulong niyang sabi. Kala niya ba hindi ko narinig yon? Tsaka mahal? Di ako na-inform na Mura na pala ang pangalan niya.
"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya. Magsasalita na sana siya pero biglang dumating na yung prof at pinaupo na lahat.-----After Classes-----
"Bes, mauna ka na umuwi. May pupuntahan lang kami." Excuse ni Jessy.
"Kami rin. Na-miss ko kasi 'tong honeypie ko eh!" Sabi naman ni Angel sabay pisil sa pisngi ni Christian.
"Same here. Nagpapasama kasi mag-shopping 'tong si Abby eh. Mianhe.." Isa pa 'tong lalaking 'to!
"Hala sige! Magsilayas kayo sa paningin ko. Mga bata talaga ngayun! Puro date!" Sabi ko na parang lola diyan sa kanto.
"Hahaha! Sorry po, lola! Alis na po kami." Sabi ni Lee.
"Osige mga apo. Mag-ingat kayo ha? Wag muna buntis, okay? Gumora na kayo bago pa ako atakihin ng Athritis ko!" Biro kong sabi habang ginagaya yung boses ng mga lola. Nagtawanan muna sila at nagsi-alisan na ang mga apo ko! Hayy.. Mag-isa na naman ako. Naglalakad ako papunta sa pinagpark-an ko ng kotse ko ng may nagsalita.
"Gusto mo ba sumabay sakin?" Tanong ni Luhan. Tss. Di ba niya ako titigilan?
"Nabasa ko yung sinulat mo sa papel. Gagawin ko talaga ang lahat para mapatawad mo ko. Sana hayaan mo ko na ihatid ka." Pagmamaka-awa niya.
"No thanks. May kotse naman ako at marunong naman akong mag-drive." Mataray kong sabi. Mukhang di ako titigilan nito ah! Pumasok na ako aa kotse ko at ini-start na yung makina pero ayaw mag-start. Kung sinuswerte ka nga naman oh! Wala ng gas! Arghhh! Malas naman oh! Pilit ko inii-start yung makina pero ayaw talaga. Biglang may kumatok sa bintana ng kotse ko. Inis kong binuksan yung bintana.
"Ano pa bang kelangan mo?!?!" Inis kong tanong.
"Ako walang kelangan, pero ikaw, mukhang meron. Dun ka nalang muna sa kotse ko sumakay. Bahala ka, baka may magmulto sayo dito." Sabi niya. Kinilabutan ako sa sinabi niya. Tss. Porke alam niya yung kinatatakutan ko eh! Paalis na sana siya ng bumaba ako sa kotse ko at ni-lock ko yun.
"Ho-hoy! Sa-sabay na ako sayo!" Nahihiya kong sabi pero hindi ako nakatingin sa kanya. Nakita ko siyang nag-smirk. Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to! Mas pinapahirap niya ang pagmo-move on ko sa kanya! Kelangan kong sumabay sa kanya dahil wala na masyadong taxi na dumadaan dito sa school.
"Tara na. Pasok ka na sa kotse." Sabi niya.
"Tss. Wateber! Bilisan mo nalang ng maka-uwi na ako!" Mataray kong sabi. Badtrip 'tong araw na 'to! Ang malas-malas ko!Pinagbuksan ako ni Luhan ng pinto pero hindi ako nag-thank you. Wala kasi ako sa mood eh. Nandito ako ngayon sa kotse ng lalaking ayaw na ayaw kong makita at pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya. Ang awkward sobra! Ba't kasi.. Argh! Wala na naman akong choice kundi sumabay sa kanya para maka-uwi ako at hindi mag-alala.
"Kim?" Biglang tanong ni Luhan.
"Ano?!" Medyo irita kong tanong.
"Sorry. Kala ko kasi tulog ka. Kanina ka pa kasi hindi umiimik eh." Slow ba siya? At ba't naman ako makikipag-usap sa kanya?
"Bakit? Gusto mo makipag-usap ako sa sarili ko kasi hindi ko naman kayang kausapin ang lalaking dalawang beses akong niloko at sinaktan, ganun ba?" Hindi ko alam. Parang naiiyak ako. Ba't kasi kelangan ko pang sumabay sa kanya eh! Hindi ko na napigilang maiyak dahil sa sitwasyon ko ngayon. Biglang hininto ni Luhan yung kotse niya.
"Kim, wag ka nang umiyak please. Sorry talaga. Please wag ka ng umiyak." Worried na sabi niya. Tanga ba siya?! Panong hindi ako iiyak kung ganito ang sitwasyon ko?!
"Wag mo na akong pakielaman! Tutal, wala na rin naman akong pakielam sayo eh! Mag-drive ka nalang!" Galit kong sigaw sa kanya.
"Pe-pero-" Di ko na siya pinatapos at sinigawan ko ulit siya.
"Sabi ko, Mag-drive ka nalang!" Galit kong sigaw. Wala na siyang sinabi pa at nag-drive nalang hanggang sa makarating kami sa bahay. Agad-agad akong bumaba at pumasok sa bahay ng walang sinasabi kay Luhan. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ako umakyat sa kwarto ko. Wala pa rin sila Mama at Papa. 3 months pa bago sila umuwi. Mag-isa na naman ako sa bahay. Wala pa rin si Jessy. Naligo ako at nagbihis muna bago ako humiga sa kama. Inisip ko na naman yung mga nangyari kanina. Bakit ba kasi nireply-an ko pa yung letter niya?! Parang binigyan ko pa siya ng isa pang chance para saktan ako! Ang tanga ko talaga kahit kelan. Basta kelangan ko ng mag-move on! Para rin sakin 'tong gagawin ko!------------------------------------
Sabado ngayon at wala akong magawa sa bahay. Si Jessy kasama ulit si Bryan Yung iba naman, may kanya-kanyang ginagawa. Forever alone na naman ako.
------After One Hour------
WAHHHH! Ang boring! Andami ko nang binasang books pero mas nakadagdag lang yon sa boredom ko! Ano bang pwedeng gawin? Ah! Tatawagan ko nalang si Luhan! NO! Ano ba, Kim?! Diba magmo-move on ka na?! Diba?! Kalimutan mo na siya, okay! Okay! Woo! Ano ba yan! Sa sobrang bored ko, kinakausap ko nalang ang sarili ko. Alam ko na! Dun na lang ako sa park! Gusto kong makalanghap ng fresh air at makakita ng mga batang naglalaro. Naligo na ako at nagbihis ng simpleang damit at simpleng ayos sa mukha tapos gumora na ako sa park. Agad akong umupo dun sa ilalim ng puno. Buti nalang wala pang nakapwesto dito! Nilabas ko yung cellphone ko at earphones at nakinig ng mga music habang pinapanuod yung mga ginagawa ng mga tao dito sa park. Now, this is life! Fresh air, beautiful music, a nice place and a peaceful place. Busy ako sa pakikinig sa music nang biglang may lumapit sa akin na lalaki at babae na cute na bata.
"Hi babies! Bakit kayo nandito?" Masaya kong tanong sa cuties. Nginitian nila ako at may binigay na flowers, chocolate at letter.
"Bakit niyo ko binigyan ng ganito?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi po kami nagbigay niyan. May nagpapabigay po sa inyo na lalaki. Sorry daw po. Sana daw po kausapin niyo na daw po siya." Cute na sabi ng mga babies.
"Ahh.. Okay. Sige babies. Maglaro na ulit kayo." Sabi ko sa kanila. Sumunod naman sila at naglaro na ulit. At talagang gumamit pa si Luhan ng mga cute na babies para lang makausap ko siya! Sorry siya! Hindi ko pa siya kayang patawarin. Hinanap ko siya pero mukhanf umalis na siya. Kinuha ko yung letter at binasa.To, Kim
Kim. Sorry sa nangyari kagabi. Hindi ko sinasyadang paiyakin ka at sirain ang araw mo. Sana magkausap na tayo. Sana kausapin mo na ako. Mahal na mahal kita, Kim. Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako napapatawad. Gagawa ako ng paraan para magkausap tayong dalawa. Miss na miss na kita.
Love, LuhanYan na naman siya. Mukhang wala talaga siyang balak sumuko ah! Bahala siya sa buhay niya. Goodluck nalang sa kanya!
Bumalik na ako ng bahay at umakyat agad sa kwarto ko. Nilagay ko sa secret box ko yung letter ni Luhan, tinapon ko naman ulit yung flowers niya at kinain ko yung chocolates. Sayang naman yun noh! Chocolate din 'to!
———————————————————
Yan lang muna!!! Vote and Conment sana kayo!! Maikli lang muna kasi mahirap mag-isip eh.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
RomancePano makakamit ng dalawang taong nagmamahalan ang kanilang "Happy Ending"?