Chapter 24 - Truth.

94 7 0
                                    

~Kim's POV~

Tuesday ngayon at nandito ako sa upuan ko katabi ang lalaking ayaw na ayaw ko nang makita dahil mas nahihirapan ako. Nakikinig lang kami ngayon sa subject na english at hindi nagpapansinan. Ikaw ba naman? Mag-away kayo ng taong mahal mo tapos magpansinan kayo agad-agad! Tignan lang natin ang maayos niyong pag-usap!

"Okay class. I have your scripts here. Be quiet and Ms. Gomez will distribute this." Sabi ni maam. Tumayo na si Angel at dinistribute na yung mga script.

"Lahat na ba meron na?" Tanong ni maam.

"Opo!!" Sigaw namin.

"Mag-practice na kayo. Yung iba sa field nalang. Magiging extra nalang sa bawat story ang mga classmates niyo. Manghingi nalang kayo ng pabor sa iba. Iba't-ibang story yan. Romance kaya may partner. Sige.. Class, magpractice na kayo." Bilin ni maam

Pumunta kaming magbe-bestfriend sa field at naghiwa-hiwalay kami ng pagpapraktisan. Wooooo~ Awkward! Walang nag-uusap sa amin ni Luhan. Ako na nga magsisimula!

"Ah.. Umm... Ito yung isang script. Basahin mo yung mga lines mo tapos magsisimula na tayong mag-praktis." Wooo~! Success! Kinuha yun ni Luhan ng walang sabi-sabi at hindi nakatingin at nagsimula nang magbasa.

-------------+++------

Isang oras at natapos na namin basahin yung story.

"Uhmmm.. Magsimula na tayo?" Yaya ko. Tumayo siya ng walang sabi. Galit nga siya. Well, ito naman gusto mong mangyari diba? Yung magalit siya sayo? Diba!

"Ano? Tutulala ka nalang diyan? Bilisan mo na nga!" Galit niyang sabi. Lumapit na ako sa kanya.

Andito na kami sa part kung saan sasayaw kami ng sweet dance. Yung magkahawak yung isang kamay namin tapos yung isang kamay niya, nasa bewang ko tapos yung sakin naman nasa balikat niya. Sayaw lang kami ng sayaw hanggang nasa part na kami kung saan sumasandal na yung babae sa dibdib nung lalaki habang nasayaw. Habang ganon ang posisyon namin, hindi ko na napigilang maiyak. Sobrang na-miss ko yung yakap niya, yung kamay niya na sobrang higpit ang hawak sa kamay ko. Ayaw tumigil ng luha ko. Biglang inangat ni Luhan yung ulo ko at nakita ko yung mukha niya na worried.

"Ba't ka naiyak? Tumahan ka na.." Sabi ni Luhan. Inalis ko yung kamay niya sa mukha ko at tumakbo paalis.

~Luhan's POV~

Nagsasayaw kami ni Kim habang ang ulo niya ay nakapatong sa dibdib ko. Grabe! Na-miss ko yung amoy ng buhok niya, yung yakap niya sa akin at yung paghawak-kamay namin. How I miss her. Naramdaman ko nalang na parang may basa sa bandang dibdib ko. Inangat ko yung ulo niya at tinignan ko siya with worried face.

"Ba't ka naiyak? Tumahan ka na..." Wow Luhan! Ang galing mo magpatahan ha! Hindi siya sumagot at tinaboy niya yung kamay ko na nakahawak sa mukha niya at tumakbo papalayo. Triny ko siyang sundan pero pinigilan ako nila Jessy na nakita ang lahat ng pangyayari

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon