~Kim's POV~
Nandito ako sa field at hindi makapaniwala sa nakikita ko. Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko. Lumapit ako kila Luhan at Kath na naghahalikan. Napakawalanghiya nila!! Pangalawang beses na nila akong niloko at sinaktan. Nanggigigil ako! Parang gusto kong pumatay. Gusto kong manapak! Pinagahiwalay ko silang dalawa at sinapak ko silang dalawa sa mukha. Hindi ako makokontento kung sampal lang ang gagawin ko. Sa sobrang inis ko, sinuntok ko ulit sila sa mukha. Nagdugo yung labi nilang dalawa. Lumapit naman agad sa akin si Patrick at pinigilan ako.
"Bitawan mo nga ako Pat!" Galit kong sigaw sa kanya at binitawan niya naman ako.
"Napakalandi niyo!! Napakawalanghiya niyo! Ikaw Kath, malandi ka! Slut ka! Bitch! Wag na wag kang magkakamaling lumapit o mag pakita sakin dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo! At ikaw Luhan! Wala kang kwenta! Pangalawang beses mo na akong sinaktan at niloko! Binigyan kita ng isa pang pagkakataon pero ano? Wala! Sinayang mo ang chance na binigay ko sayo! At ang lakas ng loob mong tanungin ako kung tayo na ba ulit? Pwes, ito ang sagot ko sayo, HINDI na tayo ulit! HINDI na magiging tayo kahit kelan! Tandaan mo yan! Sinaktan at niloko mo lang ulit ako! Sinadya mo bang dito makipaglandian sa babaeng yan dahil alam mong dito tayo magkikita?!? Dahil dito ko MAKIKITA!!?! Dahil dito ako masasaktan?!? Pwes, success ang plano mo! Nakita ko! NASAKTAN ako! Congrats ha? sinaktan mo ulit ako! Wag na wag mo akong kakausapin at lalapitan kasi hindi ko alam kung kaya ko.." Sabi ko at tumulo na ang luha ko. Ang sakit! Tatakbo na sana ako pero hinawakan ni Luhan yung braso ko at hinarap niya ako sa kanya.
"Kim, I can explai-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at sinampal ko na siya.
"Hindi mo na kelangan mag-explain dahil kahit anong sabihin mo, hindi na kita mapapatawad! Hindi ko na kelangan ang mga palusot mo! Wala kang kwenta! Pare-parehas lang kayong mga lalaki na manloloko! Nandidiri ako sayo! I hate you!! Hindi na kita mahal! At.. HINDI NA KITA MAMAHALIN PA!" Sabi ko at tuluyan na akong umalis sa impyernong yun.~Luhan's POV~
Pinigilan ko si Kim na umalis pero sinampal niya ako.
"Kim, I can explai-" Sinampal niya ako
"Hindi mo na kelangan mag-explain dahil kahit anong sabihin mo, hindi na kita mapapatawad! Hindi ko na kelangan ang mga palusot mo! Wala kang kwenta! Pare-parehas lang kayong mga lalake na manloloko! Nandidiri ako sayo! I hate you! Hindi na kita mahal!! At... HINDI NA KITA MAMAHALIN PA!!" Sabi niya at umalis na. Ang sakit! Parang sinasaksak yung puso ko!! Napakg*g* ko kasi! Yun na ang huling chance ko pero sinayang ko lang!! Ang tanga ko! Wala talaga akong kwenta! Sinaktan ko nanaman si Kim! Biglang lumapit sa akin si Kath at yumakap sa braso ko.
"Hayaan mo na siya, Luhan. Masyado siyang maarte. Nandito naman ako eh. Ako nalang.. mas sasaya ka sa akin." Ano bang problema ng babaeng 'to?!?! Baliw na ba talaga siya?!?!
"Bitawan mo nga ako, Kath! Bakit ba hindi mo nalang ako tigilan?!? Bakit ba hindi mo nalang kami tigilan?!? Ilang beses ko nang sinabi sayo na layuan mo na kami at tigilan pero parang ni isa sa mga word na sinabi ko, wala kang naintindihan?!?! Ilan beses ba bago ko ipaintindi sayo na HINDI KITA MAMAHALIN KAHIT KELAN?!? Si KIM lang ang nag-iisa sa puso ko!!!!" Galit kong sigaw sa kanya. Nakakainis siya!
"Ano bang problema sakin?? Ha, Luhan? Ano? Maganda ako at matalino kagaya ni Kim pero bakit ba hindi mo magawang mahalin ako! Ikaw nalang ulit ang lalaking minahal ko! Ayokong maging kayo ni Kim kasimahal kita! Hindi ko kayang makita kayong masaya! Nasasaktan ako!! Please Luhan! Ako nalang! Ako nalang mahalin mo!" Sabi niya habang umiiyak. Niyakap ko siya saglit ako kumawala na.
"Kath.. mahal din naman kita eh pero bilang kaibigan lang. Kahit anong gawin mo, hindi mawawala sa puso ko si Kim. Sana maintindihan mo yun. Sana maging masaya ka na sa buhay mo. Madami pang lalaki diyan na magmamahal sayo.. magmamahal sayo ng tunay. Yung rerespetuhin ka at tanggap ka kahit anong mangyari. Hindi ako yung tamang lalaki para sayo. Sana mahanap mo ang taong para sayo. I'm really sorry, Kath. Si Kim lang talaga ang mahal ko." Sabi ko at umalis na.Nasan na kaya si Kim? Baka kung nasan na siya?. Baka may mangyaring masama sa kanya. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya. Nasan na ba siya? Nilubot ko yung buong school pero hindi ko siya makita. Wala na ata siya sa school. Lumabas na ako ng school at nag-drive ng kotse ko. Habang nasa kotse ako, naisipan kong tawagan si Jessy. Baka sakaling alam niya. Mga tatlong ring sinagot na din niya.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
RomancePano makakamit ng dalawang taong nagmamahalan ang kanilang "Happy Ending"?