Chapter 33

10 0 0
                                    

~Kim's POV~

Today's Friday. Oo. Ngayon na ang trip namin. Kahapon lang kami nag-impake. Nandito ako sa sala at hinihintay si Jessy. Ang bagal talaga kumilos ng babaeng yun!

"Jessy! Pakibilis naman ng konti!" Sigaw ko.

Bumaba naman siya agad at nag-peace sign.

"Sorry, bes. Ready na ako. Let's go?" Nag-nod lang ako sa sinabi niya.

"Tara na, hatid ko na kayo. Didiretso din ako sa office e." Sabi ni Kuya Jake.

Lumabas na kami at sumakay sa kotse ni Kuya Jake. Mabilis lang naman kaya nakarating na kami agad sa school.

Nakasalubong naman namin dito sa parking silang lahat. Wow. Sabay-sabay. Pinagusapan? Haha.

Kasama naming bumaba ng kotse si Kuya jake. Lumapit siya kay Kath. Nag-usap sila.

"O, Kim. Ako na magdadala ng gamit mo." Si Luhan.

"Nako, hindi na noh. Kaya ko na 'to. Salamat!" Sabi ko at nginitian din siya.

Lumapit na din samin sila Kuya at Kath.

"O, mag-ingat kayo dun ah? Luhan, Pat, ibalik niyo ng buhay 'tong pinsan kong maganda tsaka 'tong asawa ko. Humanda kayo sakin pag may nangyaring masama sa kanila." Banta ni Kuya Jake. Sira talaga 'to.

"Yes, boss!" Sabay na sabi nila Luhan at Pat.

"O siya, sigi na. Nandun na batchmates niyo. Enjoy your trip, guys! Mag-ingat kayo!" Paalam ni Kuya Jake.

Bago siya umalis, hinalikan niya muna sa cheeks si Kath at hinalikan niya naman ako sa noo. Sweet talaga ng kuya ko.

"Bye, kuya! Mag-ingat ka din ah? Love youu~" Paalam ko.

Nginitian niya lang ako at umalis na din siya. Nagpuntahan naman na kami sa bus. Kanya-kanyang bus ang gamit. Per course. O diba? Yaman ng school. Haha.

Pumasok na kami sa bus. Kaming magkakaibigan, sa bandang likod kami umupo. Magkatabi kami ni Luhan. Sa likod namin si Pat at Kath. Tapos yung iba nasa gilid at likod na.

Nagsimula ng umandar yung bus.

"Kim. Ayos ka lang ba diyan sa pwesto mo?" Tanong sakin ni Luhan.

"A-ahh. Oo. Ayos na ako." Nginitian ko nalang siya para tumigil na siya kaka-worry sakin.

Mga ilang oras din, wala ng nagsalita sa amin. Isinalpak ko nalang yung earphones ko sa tenga ko at nakinig sa music at pumikit. Tahimik yung bus. Tulog na halos lahat.Tulog na nga din 'tong katabi ko e. Actually, inaantok na nga din ako e.

Makatulog nga muna.

~Luhan's POV~

Ang saya ko ngayon. Katabi ko si Kim.

Dahil wala naman kaming mapagusapan ni Kim, natulog na lang ako. Inaantok na din ako e.

-----

Mga ilang oras, medyo nagising ako. Chineck ko kung nasan na kami. Buma-byahe pa rin pala kami. Mukhang medyo malayo pa ah.

Napatingin naman ako sa katabi ko. Mukhang nahihirapan siya sa pwesto niya. Baka mangalay yung leeg nito.

Unti-unti kong pinatong ang ulo niya sa balikat ko. Dahan-dahan din akong gumalaw para kunin yung jacket sa bag ko. Tinaklob ko iyon sa kanya. Halata kasing giniginaw na siya e.

Dahil sa lamig, nakatulog na din ako.

-------------

"Ang cute nila tignan o!" Ano ba yun? Ang ingay!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon