~Kath's POV~
Nandito ako ngayon sa mall. Magsa-shopping lang ako. Stressed ako e.Nandito ako sa parking lot. Tumingin-tingin muna ako sa paligid.
Si-Si Ja-Jake ba 'yon?!
Tumibok naman ng napakabilis yung puso ko. Papalapit siya sakin. Grabe. Na-miss ko siya. Napaka-pogi niya pa rin.
Hindi! Kath ano ba? Gumising ka nga! Sinaktan ka ng lalaking yan! Si Luhan ang gusto mo diba?
Oo si Luhan ang gusto ko. Pero si Jake ang mahal ko. Pero sinaktan niya ako!
Tumakbo ako para makalayo sa kanya. Naalala ko na naman yung panlolokong ginawa niya sakin.
Takbo lang ako ng takbo pero nahabol niya ako. Naiyak nalang ako bigla.
Bumalik na naman sakin yung sakit. Yung sakit na naramdaman ko nung nakita ko siyang may kasamang ibang babae.
Niyakap niya ako. Ano ba 'tong ginagawa niya? Gusto ko na nga siyang kalimutan e!
Kumawala ako sa yakap niya at hinampas-hampas siya.
Naiinis ako sakanya! Bakit pa ba siya bumalik! Kung kelan kinakalimutan ko na siya tsaka siya magpapakita! Nakakainis! Bumabalik na naman yung sakit!
"Bakit ka pa bumalik? Nakakainis ka!" Hindi pa rin ako tumitigil sa paghahampas sa kanya.
"Ano? Sasaktan mo ulit ako?" Pinapaiyak na naman niya ako!
Hinawakan niya yung kamay ko at niyakap niya ako. Hindi ko mapigilan umiyak. Ayoko! Ayokong mahalin siya ulit kahit mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon.
Pilit akong nagpu-pumiglas sa pagkakayakap niya pero hindi ko magawa dahil mas hinihigpitan niya pa.
"Sorry. I'm very sorry. I'm very very sorry, Kath." Nakayakap pa rin siya sakin.
"Please. Let me explain everything to you. Please." Umiiyak na din siya. Ugh! Nasasaktan ako! Ayoko siyang makitang umiiyak pero galit pa rin ako sakanya.
"Explain what, Jake?! So, ano? Kayo na ba ng babae mo?" Hindi ko na mapigilan yung galit ko.
"Hindi, Kath. Hindi mo ba namumukhaan si Kim?" At bakit naman nasama sa usapan namin yung Kim na yun? Bakit kilala niya yung babaeng yun?
"What do you mean? Bakit kilala mo si Kim?" Nagtataka na talaga ako. Isa ba siya sa mga babae niya?
"Pinsan ko si Kim. Siya yung babaeng nakita mong kasama ko sa amusement park sa Korea." To-totoo ba yung narinig ko? Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapaniwala.
"Kaya pala nung nakita ko si Kim parang familiar siya at parang galit na galit na ako sakanya. Siya pala may dahilan kung bakit tayo naghiwalay." Hindi pa rin ako makapaniwala.
"Siya pala yung pinsan mo." Ang tanga ko.
"Hiniwalayan kita agad." Hindi ko muna siya pinag-explain.
"Ni hindi ko man lang inalam kung sino yung kasama mo." Inuna ko yung galit at selos.
"Inuna ko yung galit." Ang tanga ko.
"Ang tanga ko!"
"Ang tanga tanga tanga tanga tanga ko!" Nasaktan ko si Kim. Jinudge ko siya. Napakatanga ko.
Hindi ko mapigilan maiyak at hampasin ang sarili ko. Ang tanga ko. Ang dami kong dinamay dahil sa katangahan ko. Nakasira ako ng mga relasyon dahil mali ang akala ko.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
RomancePano makakamit ng dalawang taong nagmamahalan ang kanilang "Happy Ending"?