Woooo~ Ako ata ang pinakatamad na author sa wattpad! Antagal ko mag-UD ehh.. Nag-UD na ako kasi malapit na pasukan, mas hindi na ako magiging active dito :( Try ko nalang best ko.
-------------------------------------------------------------------------------
~Kim's POV~
Nandito na ako sa bahay. Kakadating ko lang galing dun sa bahay nung Luhan na yon. Iniwan ko agad sa dun sa bahay niya. Ayoko muna siyang makita o makausap. Magmo-move on nalang muna ako. Pagpasok na pagpasok ko, nakita ko agad sila Jessy, Angel at Lee na nasa sofa at mukhang naghi-hintay. Nilapitan agad nila ako at kinamusta. Sinabi ko naman sa kanila na okay lang ako at umakyat na sa kwarto ko agad-agad. Wala pa akong gana makipag-usap sa mga tao. Humiga ako sa kama ko at niyakap ang malaking stuff toy na aso. Oo, lagi kong yakap yung bigay sa akin ni Pat na stuff toy. Niyakap ko yun ng mahigpit at tumingin sa ceiling. Bigla kong naalala yung nangyare kahapon. Sinayang lang ng Luhan na yon ang chance na maging kami ulit. Niloko lang ulit ako ng Luhan at malanding Kath na yun. Napakasama nila. Ang lakas ng loob nilang ulitin ang ginawa nila dati. Galit na galit ako sa kanila. Hindi ko alam kung kaya ko pang mapatawad yung mga manlolokong yun. Pinakita pa talaga nila sakin ang paghahalikan nila! Napakalandi!! Nakakagigil sila! Ang sarap basagin ng bungo nila! Sa sobrang gigil ko, hindi ko napansin na malapit na matanggal yung kamay nung stuff toy. Hindi ko rin napansin na tumutulo na pala yung luha ko. Niyakap ko yung stuff toy at tinakip ko sa mukha ko at dun ako humagulgol. Ang sakit! Ang sakit ng ginawa nila. Iyak lang ako ng iyak, namamaga na ata yung mga mata ko kaka-iyak eh. Iyak lang ako ng iyak ng marinig ko na bumukas yung pinto ng kwarto ko. Hindi ko inalis yung pagkaka-yakap ko sa stuff toy at umupo ako sa kama ko at pinunasan yung mga luha ko at tinignan ko kung sino yung pumasok sa kwarto ko. Nakita ko sila Jessy na ang lungkot at worrying-worry yung mukha habang naka-tingin sa akin. Binigyan ko lang sila ng pilit na ngiti.
"Bakit ka-kayo nandito?" Tanong ko sakanila at suot-suot ko pa rin ang pekeng ngiti ko.
"Tss. Pwede bang wag ka nalang ngumiti kung pilit ka? Halatang-halata eh!" Sabi ni Jessy at medyo natawa naman kami sa sinabi niya.
"Halinga kayo dito!" Sabi ko at pumunta naman sila sa kama ko at nagyakapan kami. Ang drama naman namin!
"Nage-emote ako dito eh! Nakikisama pa kayo!" Biro ko sa kanila at nagtawanan naman kami. Kumalas na kami sa pagkakayakap namin sa isa't-isa.
"Kasi naman ikaw eh! Ang lungkot-lungkot mo eh!" Sabi ni Lee.
"Psh. Sino ba namang matutuwa kapag niloko ka ng taong mahal mo?" Sabi ko habang naka-ngiti ng malungkot(gets niyo? alam niyo na yan!) Bigla namang lumungkot ang atmosphere sa kwarto ko.
"Sorry sa nangyari sayo. Sa inyo." Sabi naman ni Angel. Ngitinitian ko lang siya.
"Ayos lang yun. Tulungan niyo nalang akong makapag-move-on, Okay?" Sabi ko.
"Pwede pa rin ba kami magkita ng mga BF/GF namin? Kasi kaibigan nila si Luhan eh. Baka magkita kayo at mahirapan ka pang makapag-move-on." Malungkot na tanong ni Jessy.
"Ano ba namang klaseng tanong yan? Pwedeng-pwede kayo magkita ng mga syota niyo noh! Hindi ko naman gustong mag-away-away pa kayo ng dahil lang sa amin ni Luhan. Problema namin 'to. Hindi dapat kayo madamay. Magsaya kayo at wag niyo sayangin ang pagkakataon habang nandiyan pa yung mga taong mahal niyo." Sabi ko sa kanila. Hindi naman pwedeng magkalayo sila ng mga boyprend nila ng dahil lang sa problema namin ni Luhan.
"Sure ka, bes? Maiintindihan naman ng mga syota namin yun eh." Sabi ni Lee.
"Oo nga. Ayoko namang hindi kayo magkausap ng mga boyfriend at girlfriend niyo noh! Ayokong matulad kayo sa amin ni Luhan. So, bahala na bukas, okay?" Paliwanag ko sa kanila. Nag-nod nalang sila sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
Roman d'amourPano makakamit ng dalawang taong nagmamahalan ang kanilang "Happy Ending"?