Chapter 29 - Bonding

54 2 0
                                    

~Kim's POV~

Nagpunta kami sa nuvali. Nag-bike kami dun. Nagkuwentuhan at nagtawanan.

Kaso, bigla kaming nagutom at nagdecide nalang kami na sa mall na kami kakain. Arte noh? May mga kainan naman sa nuvali. Pagbigyan nalang.

Nang makarating kami sa mall, kumain na kami agad. Pumunta muna kami sa isang restaurant. Pagkatapos, di pa kami nakuntento, nag-starbucks pa kami.

Napagisipan naming mag-arcade nalang muna. Laro kami ng laro hanggang sa mapagod kami. Then, nag-aya naman si Jessy na mag-ice skating kami. Go naman kami agad.

Actually, hindi ako marunong mag-skating e. Kinakabahan nga ako e. Baka mamaya madulas ako tapos malaglag ako nakakahiya yun! >//< Naiisip ko palang mangyayari sakin, parang ayaw ko na ituloy 'to.

Pumasok na kami at agad naman silang nag-skating. Ako? Ito, nakatingin lang sa kanila. Napansin naman ni Luhan na hindi ako nakasunod sa kanila kaya nilapitan niya ako.

"Kim, bakit ayaw mo mag-skating? Ang saya o! Tignan mo sila." Sabi niya sabay turo kila Angel.

"Gusto ko sana kaso.." Hindi ko matuloy. Nahihiya ako e.

"Kaso hindi ka marunong?" Tanong niya. Nag-nod ako sa tanong niya. Tumawa naman siya sakin. Bwisit 'to! Nahihiya na nga ako tinatawanan pa ako! Hmp!

"Sige. Tawanan mo pa ako." Sarkastiko kong sabi. Tumigil naman siya agad at ngumiti nalang sakin.

"Ba't naman di mo sinabi sakin agad? Edi sana naturuan kita. Halika." Sabi niya sabay abot ng kamay ko.

Hinila niya ako dun at nagpahila nalang ako. Medyo gumegewang-gewang pa ako. Mas humigpit pa ng sobra pagkakahawak ko sa kamay niya. Ngumiti naman ang loko.

"Dapat pala lagi kitang dinadala dito para lagi mong hinahawakan kamay ko ng mahigpit." Sabi niya na nangingiti pa rin.

"He-heh. Manahimik ka nga diyan! Napipilitan lang naman ak--ho-hoy! Wag mo ko iwa-ahhh!" Sigaw ko. Pano ba naman binitawan bigla kamay ko muntik na tuloy ako ma-out of balance pero nasalo niya ako. Ang awkward ng position namin. Yung mga kamay niya nakaalalay sa bewang ko at yung mga kamay ako naman kapit na kapit sa leeg niya. Anlapit tuloy ng mukha niya sakin dahil nahila ko leeg niya.

Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Naka-ngiti siya sakin habang ako naman nakatitig lang. How I miss those eyes. How I miss his arms around me. How I miss him. Dun ko napagtanto na this guy staring at me. This guy staring at me and expressing how much he loves me. Napagtanto ko na

Mahal na mahal ko pa rin siya.

Miss na miss ko na siya.

Siya pa rin ang laman ng puso ko sa simula pa lang.

Palapit na ng palapit ang mukha niya ng biglang ----

"Hoy! Lovebirds! Wag kayong maglandian dito. Mamaya na yan." Sigaw ni Christian.

"Walang forever!" Sigaw naman ni Kuya Jake.

Napatayo naman kami agad ng ayos ni Luhan. At naalala kong hindi nga pala ako marunong mag-skating kaya muntik na ulit akong mahulog pero nahawakan agad ni Luhan ang kamay ko.

*Badump* *Badump* *Badump*

Bumilis naman bigla ang tibok ng puso ko. Tumingin siya sakin.

"Mag-ingat ka nga. Pano nalang pag wala ako sa tabi mo. Baka kung kani-kanino ka pa MA-FALL." Sabi niya habang nakangiti.

"Tss. Oo na. Mag-iingat na po. Salamat nga pala." Err~ awkward.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon