Chapter 25 - Chance.

107 5 3
                                    

~KIM'S POV~
Hay! Nasan ba ako? Bakit may nakayakap sakin? At bakit din ako may yakap?
(-_-)
(°•°)

OMG! Magkayakap kami ni Luhan?!? Sheyt! Lumayo agad ako sa kanya. Ang higpit kaya ng yakap namin sa isa't-isa. Aba't anong nakain ko at niyakap ko din siya? Malapit pa rin kami sa isa't-isa. Kung ako gising na gising na dahil sa gulat, siya naman tulog na tulog pa. Saglit ko siyang pinagmasdan. Ang amo pala talaga ng mukha niya. Pababa ng pababa yung tingin ko sa mukha niya hanggang sa napako na yung tingin ko sa labi niya. Ang pula. Mukhang malambot. Sa sobrang titig ko sa labi niya di ko na napigilan yung sarili ko na hawakan yung lips niya. Mahinhin lang ang paghawak ko sa lips niya. Ang lambot. Nagulat ako ng bigla siyang gumalaw. Sheyt! Gising na siya. Nung nakita ko na imumulat na niya yung mata niya, pumikit agad ako at nagpanggap na natutulog. Narinig ko naman siyang humikab. Wag kang gigising. Wag kang gigising Kim. Bigla akong may naramdaman na humawak sa buhok ko.

"Ang ganda mo talaga, Kim. Ang amo ng mukha mo." Bigla naman niyang hinawakan yung labi ko. 
"Gusto kitang halikan. Pwede ba? Kahit ngayong tulog ka, hayaan mo kong halikan ka. Na-miss kita ng sobra." Ramdam ko naman na papalapit na ng papalapit yung mukha niya. Nararamdaman ko na yung hininga niya sa lips ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero ayaw gumalaw ng katawan ko. Parang gusto ko ring mahalikan niya ako. Unti-unti kong naramdaman yung labi niya sa labi ko.


Hinalikan niya na ako. 

Dumilat ako at nakita kong nakatitig rin siya sa mata ko. Nakita ko sa mata niya yung gulat kaya napaatras siya agad. Parehas kaming napaupo agad dahil sa pangyayari na yun. Hindi kami makatingin sa isa't-isa. Ang awkward. Nakakabingi yung katahimikan. 

"So-sorry. Di ko sinasadya na halikan ka. Ka-kala ko kasi tu-tulog ka eh." Pagbasag niya sa katahimikan.
"O-okay lang." Gahhhhhd! Ang awkward! 

Limang minuto na ang nakalipas, wala pa ring nagsasalita saming dalawa. Magsasalita na sana ako ng bumukas yung automatic na pinto ng library at nakita namin yung janitor na gulat na gulat. Syempre kami nagulat din.

"Hoy mga bata! Anong ginagawa niyo dito? Aba! Iho, binagito mo ba si Ineng?" Tengene. Mga iniisip nito ni manong eh! Ginamit pa si bagito!
"Kuya! Grabe naman! Bagito agad? Di ba pwedeng na-lock kami dito?" Ako yan.
"Oo nga naman kuya! Di ako ganung lalaki noh! Matino ho ako." Asus! Matino daw! Nakipaghalikan nga sa Kath na yun! Tss.
"Osya, osya, pasensya na kayo. Lumabas na kayo at baka hinahanap na kayo ng mga magulang niyo." Nag-sorry na si kuya. 
"Okay lang po. Mauna na ho kami. Pasensya din po. Bye kuya!" Pagpapaalam namin at lumabas na at nagpunta ng Parking Lot. Pagdating sa parking lot, nagsalita ulit si Luhan.
"Kim, gusto mo ba ihatid na kita?" Aya niya.
"Ahh. Hindi na. Nandito naman yung kotse ko. Salamat nalang. Tsaka salamat nga pala dahil di mo ko pinabayaan sa library." Sabi ko.
"Wala yun." -Siya. Papasok na sana ako sa kotse ko ng magsalita siya ulit.
"Kim. Pwede bang bigyan mo ako ulit ng chance? Chance para mapatunayan ko ang sarili ko sayo? Please, Kim." Mga ilang minuto din akong hindi nagsalita.
"Sige. Dahil nasabi na natin ang totoo. Pero, once na saktan mo ulit ako, kalimutan mo nang nakilala mo ko." Sabi ko at pumasok na sa kotse ko.

Habang nagda-drive ako pauwi, napaisip ako. Tama ba yung desisyon ko na bigyan ulit ng pagkakataon si Luhan? Wala naman sigurong masama dun. Mahal ko pa rin siya eh. Nang makadating ako sa bahay, nakita ko naman sila Mama na mukhang alalang-alala sakin. Nandito din sila Jessy. 

"Jusko anak! Sa'n ka ba nanggaling? Nag-alala kami sayo! Bakit di mo man lang kami sinabihan kung nasaan ka?" Bungad agad sakin ni Mama.
"Ma, ayos lang po ako. Na-lock lang po ako sa library. Eh walang signal, kaya yun, di ko kayo nasabihan." Pagpapaliwanag ko.
"Na-lock?! Ayos ka lang ba? Wala bang nangyari sayo huh?" Si Mama talaga. Ang OA.
"May kasama naman po ako dun kaya walang nangyari sakin eh." Nakita ko namang gulat silang lahat sa sinabi ko.
"Sinong kasama mo ha?!?" Tanong ni Angel.
"Si-si Luhan." Mas nagulat sila sa sinabi ko.
"Lalaki kasama mo?! Ginalaw ka ba nun? Uupakan ko yun!" Si Papa yan.
"Pa! Hindi po. Mabuti nga po sinamahan niya ko eh. Kung hindi namatay na ko sa takot." Tumahimik na silang lahat.
"Osya! Magpahinga ka na. Kayo naman Jessy, magsi-uwi na muna kayo. Pasensya sa abala." Sabi ni Papa.
"Wala po yun, tito. Bestfriend po namin yan eh! Sige po. Mauna na po kami. Bye po, bye Kim." Pagpapaalam nila Jessy.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon