Chapter 19 - Their Plan

119 5 0
                                    

~Kim's POV~

*Kring* *Kring*

Hayyyyyy... Monday pala ngayun may pasok pala. Bumaba na ako at nagluto na ako ng pancake at nagtimpla na ng choco na gatas. Pagkatapos ko maghanda ng pagkain, umakyat na ako at ginising ko na si Jessy. Bumaba na kaming dalawa. Bago kami kumain, binuksan ko muna yung TV at nagpatugtog. Kakain na sana kami ng biglang nagplay yung song na 'Talk dirty to me'. Isa na rin to sa mga paborito naming sayawin ni Jessy dahil lagi naming napapanuod kay Vice Ganda. Nagtinginan kami tapos hinila ko siya sa gitna. Meron kasing space dun na malaki. Tumatawa kami habang sumasayaw. Nang matapos kaming sumayaw ng kung ano-anong step namin dun sa music, biglang may tumawa. Sabay kaming napatingin ni Jessy kung sino yung tumatawa at nakita namin sila Luhan at Bryan na tawa ng tawa. Sus sila lang pal-WAT DA?!?! Pano sila nakapasok dito?!?!

"Hoy!! Bakit kayo nandito?!?! Pano kayo naka pasok dito?!?" Galit kong tanong.
"Oo nga!! Ngayon ko lang nalaman na akyat bahay na pala kayo!! Ano taghirap na kayo?? Nabankrupt ba kayo??" Abnormal na tanong ni Jessy. Nabatukan ko tuloy! Sira talaga tong babaeng ‛to! Hindi sumagot yung dalawang mokong at patuloy paring tumatawa.
"Sasagot kayo o babasagin ko bungo niyo?" Sabi ko at tumigil naman sila sa pagtawa. Epektib!
"Ano? Nga-nga nalang tayo?? Bakit ba kayo nandito? Tsaka pano kayo nakapasok dito?" Tanong ko ulit sakanilang dalawa.
"Bukas kasi yung pinto niyo eh.. Kanina pa kami kumakatok wala namang sumasagot, sakto bukas yung pinto kaya pumasok na kami tapos naabutan naming kayong *tawa* sumasayaw." Sabi ni Luhan habang pinipigil yung tawa niya. Ganon din si Bryan. Shete!! Nakakahiya!
"Bakit ba kasi kayo nandito?" Tanong ni Jessy.
"Susunduin kayo. Tara na!" Sabi ni Bryan.
"Bulag ka ba? Mukha ba kaming ready na pumasok. Ni hindi pa nga kami nakakakain ehh.." Sabi ko.
"Hehe. Sorry.." Sabi ni Bryan.
"Tss. Wateber! Kumain na ba kayo?" Tanong ni Jessy. Sabay naman silang humindi.
"Tara..Kain na tayo." Yaya ko sa kanila. Umupo na kaming apat at nagsimula na kaming kumain. Buti nalang medyo madami akong nilutong pancake.
"Gusto niyo din ba ng choco na gatas?" Tanong ko kila Luhan. Um-oo naman silang dalawa kaya pinagtimpla ko sila. Sabay-sabay na kaming uminom ng gatas.
"Maligo na kayo, kami na bahalang maglinis dito." Sabi ni Luhan.
"Oo nga. Bilisan niyo ha? Wag na masyadong magpaganda. Maganda na kayo." Sabi naman ni Bryan. Hay.. Bagay nga sila ni Jessy, parehas loko-loko.
"Haha! Sira! Sige, ligo na kami." Sabi ni Jessy at umakyat na kami sa kwarto namin at naligo na.

~Luhan's POV~

Tapos na kami maghugas at maglinis ni Bryan. Medyo pawis kami pero mabango pa rin kami. Naggala muna kami ni Bryan sa bahay nila Kim kasi wala pa sila. Bigla akong may napansin sa ilalim ng TV. Kinuha ko yun at may nakasulat dun na "Me and My Besprends" album. Umupo ako dun sa sofa nila at tinawag ko si Bryan na tinitignan yung mga picture frame. Lumapit naman siya at tiningnan namin yung album. Pagkabukas ko nung album, nakita agad namin ni Bryan yung picture nilang apat na magkakasama. Mga 1st year college na sila dito sa pic na 'to. Ang ganda nilang tatlo pero wala eh, nangingibabaw yung kagandahan ni Kim eh. Pero ang ganda nila. Si Lee naman, maliit pala talaga siya. Haha! Ni-next ko na tapos nakita ko mga pic ni Kim nung baby pa siya. Shet! Hindi ako bakla ha? Pero napaka-cute niya! Nakakagigil! Tumigil ka Luhan! Mukha ka nang bakla! Next naman yung baby pic ni Lee nung baby pa siya. Ang chubby ng cheeks niya tapos ang laki ng mata katulad ngayun. Next naman mga baby pics ni Angel. Cute naman pero mas cute si Kim. Hehe. Next naman mga baby pics ni Jessy. Cute chubby ang cheeks. Tingnan namin lahat at nasa bandang dulo na kami ng biglang..
"Hoy!! Ba't niyo tinitignan yan!!" Sigaw ni Kim sabay takbo papunta samin at kinuha yung album. Si Jessy naman nakatingin lang.
"Na-nakita niyo ba lahat?" Nahihiyang tanong ni Kim.
"Hindi naman. Malapit palang kami sa dulo." Sabi ko habang naka-smirk. Tumungo nalang siya.
"Hayaan mo na yun, Bes. Cute at maganda naman tayo sa mga pictures diyan ehhh. Tara na. Male-late na tayo." Sabi ni Jessy at nagsilabasan na kami. Syempre si Kim sa kotse ko at Si Jessy naman sa kotse ni Bryan.
"Ang cute mo pala nung baby. Di na ako magtataka. Sa ganda mo ba naman ngayun ehh.. " Nakangiti kong sabi pero hindi ako nakatingin sa kanya.

~Kim's POV~

Nandito ako sa kwarto ko.. Kakatapos ko lang maligo at nagaayus na ng sarili ko ng biglang pumasok si Jessy. Mukhang tapos na siya. Ba't naman siya nandito?

"Jessy! Ba't ka nandito?" Tanong ko sa kanya
"May tatanong lang ako.." Sabi niya.
"Ano?" Tanong ko ulit.
"Bakit bukas yung pinto kanina? Napasukan ba tayo? Kaya ba hindi mo sinabi sa akin na napasukan tayo dahil nag-aalala ka sa akin. Na baka isipin ko na masama kang kaibigan dahil pinapalayas mo ko dahil ako yung nagsarado ng pinto kagabi. Sorryyyyy..." Sabi niya ng may luha epek pa. Abnormal talaga 'tong besprend ko. Binatukan ko naman siya dahil sa ka-abnormalan niya.
"Loka-loka ka talagang babae ka! Lab kaya kita kaya kung may manakaw man dito sa bahay hindi kita papalayasin..." Sabi ko.
"Talaga, bes?!? Dabest ka talaga!" Yayakap na sana siya sa akin pero tinulak ko yung noo niya ng mahina.
"As I was saying, kung may manakaw man dito sa bahay hindi kita papalayasin.. Papatayin kita!!! Pinaghirapan kaya ng parents ko lahat ng nandito sa bahay! Tapos mawawala lang yun dahil sa lampa kong besprend? Aba! Hindi ako ganun kabaiit noh!" Sigaw ko sa kanya. Nalungkot naman ang loka.
"Ayyy.. So.. Bakit bukas yung pinto kanina?" Sabi niya habang nakapout.
"Ah yun ba? Nagtapon kasi ako ng basura kanina. Nakalimutan kong isara.." Sabi ko naman sa kanya.
"Oo nga pala, Kim. Nakita ko sila Bryan at Luhan na tinitignan yung album mo na 'Me and My Besprends'.. Hihihi" Sabi ni loka ng may kasama pang tawa.
"Ba't di mo sinita?!?" Baliw talaga 'tong babaitang 'to! Lumabas na kaming dalawa sa kwarto ko at nakita ko nga yung dalawa na tinitingnan yung album namin. Ahhhh!! Nakakahiya!
"Hoy!! Ba't niyo tinitingnan yan?!?" Sigaw ko sabay punta sa kanila.
"Na-nakita niyo ba lahat??" Nahihiya kong tanong.
"Hindi naman. Malapit palang kami sa dulo." Sabi niya sabay smirk. Tumungo nalang ako sa kahihiyan.
"Hayaan mo na yun, Bes. Cute at maganda naman tayo sa mga pictures diyan eh. Tara na. Male-late na tayo." Sabi ni Jessy kaya umalis na kami. Habang nasa kotse, biglang nagsalita si Luhan.
"Ang cute mo pala nung baby. Di na ako magtataka, sa ganda mo ba naman ngayun ehh.." Nakangiti niyang sabi pero hindi siya nakatingin sa akin. Hindi na ako nagsalita kasi nahihiya ako. Malapit na kami sa school ng biglang nagsalita ulit si Luhan.
"Kim.. Tayo na ba ulit? For real?" Sa sobrang gulat ko hindi muna ako nagsalita at ganun din siya. Hinihintay niya yung sagot ko.
"Pag-iisipan ko pa. Pero mamayang uwian, magkita tayo sa field. Dun ko na sasabihin sayo." Sabi ko.

Nakarating na kami sa school at nagklase na.

----After Classes----

Nag-ring na yung bell at nagsi-alisan na yung nga classmate ko. Oo, pati yung magagaling kong besprend iniwan ako, magde-date ata yung mga yun ehh. Inayos ko na yung mga gamit ko at lumabas na. Pagkalabas ko, biglang bumungad si Patrick sa harapan ko.
"Uy.. Pat?? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Samahan mo naman ako sa field oh..wala na kasing tao tsaka medyo madilim na. Pleaseee." Pagmamaka-awa niya. Ahhhh!! Ba't kasi napaka-cute nitong lalaking 'to!! Um-oo ako sa kanya at pumunta na kami sa field ng bigla siyang tumigil. Tiningnan ko kung anong tinitingnan niya. Ang dilim.... Di ko makita! Tinitigan ko ng mabuti at nagulat ako sa nakita ko.

-------------------

Yan lang muna ngayun. PLEASE Comment and Vote po kayu. Nalulungkot kasi ako ehh.. Wala nang sumusuporta sa story ko.  Please... Kamsahamnida! Saranghae!!

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon