Chapter 30

37 3 2
                                    

~Kim's POV~

"Hahahaha! Sige, picture-an mo pa! Hahahaha" Ano ba yun? Aga-aga  ka-ingay.

"Ito na nga diba? Puro ka utos, ikaw naman kaya!" Dahil sa ingay, napadilat naman ako. 

Nagulat ako pagka-dilat ko. Kasi naman yung pagmumukha nung apat, sobrang lapit sakin. Problema ng mga 'to. Nagpipigil pa sila ng tawa. Mukha tuloy silang natatawa na natatae na ewan.

"Goodmorning, Kim!" Sabay-sabay nilang bati tapos nagtawanan.

"Anong nakakatawa?" Tanong ko sakanila. 

Bigla namang may hinarap na maliit na salamin si Jessy sa mukha ko. Omyghad! Binaboy nila ang maganda kong mukha! 

Tinignan ko silang lahat ng masama, ayun, nagsitakbuhan ang mga baliw. Dahil su-shunga-shunga si Angel, nahabol ko agad tapos kiniliti ko. Akala nila ah! Yari sila sakin!

"HAHAHAHAHA! TA-TAMA N-HAHAHAHAHA! SORR-HAHAHAHAHA! TAMA NA, KI-HAHAHAHAHA" Halos maiyak na sa kakatawa si Angel. Ilang minuto din bago ko siya tinigilan. Hingal na hingal si Angel. Nag-stay lang siya sa kama ko, nire-recover pa sarili niya. 

Hinanap ko naman si Jessy. Lagot yun sakin! Lakad-lakad lang ako hanggang sa napunta ako sa kwarto niya. Sakto naman hindi niya nasara pinto niya. Hahaha! Siguro dahil sa sobrang takot sakin, nakalimutan na niya isara pinto niya. 

Lakad-lakad lang ako sa kwarto niya. Naisip ko tignan sa ilalim ng kama niya. At,  pak! Nandito nga siya. 

Lumabas naman agad siya sa kabilang dulo at naghabulan kami sa kwarto niya. Dahil maganda ako(konek?), nahabol ko siya. Nagpupumiglas pa nga siya sakin kaya tinawag ko si Angel. 

Pagkadating ni Angel, kiniliti na namin si Jessy. 

"BWAHAHAHAHAHA! TAMA-HAHAHAHAHAHA! AYOKO NA! HAHAHAHAHAHAHA!" Tinigil na namin ni Angel ang pangingiliti kay Jessy. Hinintay naming maka-recover siya at nagkasundo kaming hanapin sila Lee at Kuya Jake.

Ilang oras din nahanap namin sila at kiniliti din. Para kaming tanga dito, tawa pa rin ng tawa. Nandito kami sa sala. Narinig ko naman na parang may bumababa sa hagdan. Napatingin kami at nakita namin sila Papa at Mama. Binati namin sila. 

"O, baby, ano nangyare sa mukha mo?" Sabi ni Papa na natatawa. Ganun din si Mama. 

Oo nga pala! Hindi ko pa natatanggal yung mga drinawing nila sa mukha ko. Nagtawanan naman silang lahat dun. 

Pumunta ako sa kwarto ko at naghilamos at ginawa ko na ang ritual ko. Bumaba na din ako pagkatapos. Nakita ko sila, naghahanda ng breakfast. 

"O, tapos ka na pala. Kain na." Sabi ni Mama. 

Pumunta naman ako sa hapag-kainan at nagsimula na kaming kumain. Nagtawanan lang kami. Walang pasok ngayon. Malamang sabado e. 

Pero si Kuya Jake, umalis. Para daw sa work niya. Sayang naman. Gusto ko pa naman maka-bonding pa si Oppa. Wala na din pala sila Lee at Angel. Umuwi na. Si Jessy naman, pinuntahan ni Bryan. Gusto daw mag-usap sila tungkol dun sa sinabi ni Jessy kagabi. Natatawa nga ako e. 

Nandito na ako ngayon sa kwarto. Grabe. Wala akong magawa. Alone na naman ako. Bigla tuloy ako nag-isip ng malalim.

Ano na kayang gagawin ko kay Pat at Luhan. Mahal ko na si Luhan at siya ang gusto kong makasama pero ayokong saktan si Pat. Nakokonsensya ako. Mahal ko din naman si Pat e. Kaso bilang kaibigan. Ayoko na siyang paasahin pa. Naiinis ako sa sarili ko! Ayoko nang masaktan si Pat. Pano ko ba sasabihin sa kanya na si Luhan ang mahal ko at ang gusto ko makasama kaya itigil na niya ang panliligaw niya sa way na hindi siya masasaktan? Hay. Anong gagawin ko? 

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon