Chapter 32

55 4 2
                                    

Gusto ko na tapusin 'tong story kaso mahaba pa hahaha baka umabot ng 70+ chapter nito hahaha jokee pero iiklian ko nalang. Gusto ko na din matapos e para masimulan ko na yung iba. Woo! So, support niyo 'to please hahaha.

Naguguluhan na ako sa story ko. Hahahaha. Guyth. Kung may nasabi man ako sa previous chapters na magkakaiba sila ng course, kalimutan niyo na yun hahaha. Magkakaparehas silang business and management ang course, okay? Magulo? Ganyan talaga hahaha pasensya na. Love youuu~

---------------------------------------------------------------------------

~Kim's POV~

"Everyone, the teachers and faculty members decided to have a trip just for the graduating students. Gusto kasi namin na bago kayo grumaduate, makakapag-bonding muna kayo. So, hindi muna namin ipapakita ang results ng inyong examination. After the trip nalang. The trip will be this friday so prepare, okay? We'll be there for a week. Okay, class dismissed." Sabi ni prof at umalis na kasi may meeting pa daw sila.

Yes, tapos na ang aming final examination. Grabe, tapos graduation na susunod. Bilis naman. Magta-trabaho na kami after namin grumaduate. Kami na magpapatakbo ng mga business namin.

"Kim. Sa field daw tayo." Sabi ni Luhan.

"Ahh, o sige. Susunod na ako. Bibili lang ako ng pagkain natin." Sabi ko. Nag-nod lang si Luhan.

"Samahan na kita, bes." Sabi ni Lee.

Lumabas na kami ni Lee at pumunta ng canteen. Pagkatapos namin bumili ng pagkain namin, umalis na din kami agad.

Habang naglalakad kami, nagsalita bigla si Lee.

"Ano nang balak mo dun sa mga manliligaw mo?" Tanong niya.

"Di ko nga alam, bes, e." Hindi ko nga alam gagawin ko.

"Payag ka ba talaga dun sa kung sino makakataas sayo sa math, yun ang sasagutin mo? Parang walang kwentang deal yun." Sabi niya.

"Oo nga e. Hindi ko alam. Naguguluhan pa rin ako." Sabi ko.

"Sino ba mahal mo?" Tanong niya.

"Si Luhan." Agad naman akong napatakip sa bibig ko. Ambilis kasi ng pagsagot ko.

Tumawa lang si Lee at inakbayan ako.

"Yun naman pala e. Edi siya ang sagutin mo." Sabi niya.

"Hindi naman ganun kadali yun bes e." Sabi ko. Ginulo niya naman yung buhok ko.

"Alam mo, bes? Mag gugulo pag pinatagal mo pa. Alam mo? Alam kong alam ni Pat na si Luhan talaga ang mahal mo. Sa tingin ko maiintindihan ka niya. Mahal ka naman niya e. Handa siyang isuko ka, kung dun ka sasaya. Ganyan naman kaming mga lalake e. Pag mahal namin ang isang babae, gagawin namin lahat para lang sumaya siya." Sabi niya.

Ngumiti lang ako. Tama naman siya e. Mas gugulo pag pinatagal ko pa. Mas masasaktan si Pat pag pinaasa ko pa siya. Mabait na tao naman si Pat e. Alam kong maiintindihan niya ako.

"O! Antagal niyo ah!" Inip na sabi ni Jessy.

"Sorry na ha? Kayo na nga binilhan ng pagkain, kayo pa mareklamo." Hmp. Nakakatampo siya hahaha.

"Ito naman, seryoso much? Joke lang. Sorry na. Hehe. Peace na tayo?" Sabi ni Jessy sabay hug sakin.

"May choice pa ba ako?" Sabi ko at ngumiti sakanya.

Nagkuwentuhan lang kami.

Pinauwi na din kami agad kasi busy daw ang mga teachers dahil sa upcoming trip namin.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon