~~Luhan's POV~~
Sure na nga talaga ako. Inlove na ko kay Kim. Simula nung hi-nug niya si Patrick. Di ko alam! Basta sure na ako, Inlove na talaga ako sa kanya. Nandito nga pala kami nila Kim, Angel at Christian. Hinihintay namin dito sa Field yung iba. Nag-kwentuhan nalang kami hanggang sa dumating sila.
"O? Kanina pa kayo??" Tanong ni Jessy.
"Ay hindi, kahapon pa." Pamimilosopo ko kay Jessy.
"Ha. Ha. Ha. Nakakatawa." Sabi niya kasama ang pekeng tawa.
"Aish! Tumigil na nga kayo!" Sabi naman ni Angel.
"Ang aga-aga away agad?" Sabi ni Kim.
"Oo na! Sorry na!" Sabi ko.
"Tara na nga sa Room! Tsaka Sigawan tayo ng sigawan!" Sabi ni Jessy.
"Hahaha! Tara na nga! baka mauwi sa suntukan 'to!" Sabi ni Lee.
Sabay-sabay na kaming pumunta sa room namin. Medyo madami na rin yung clasmates namin na nandito.Umupo na kami sa mga seats namin. Nag-kwentuhan kami hanggang sa dumating na yung Prof.
"Good Morning ma'am!" Bati namin sa Prof.
"Good Morning Class." Bati rin ni ma'am.
"Ahh, all classes are dismissed today." Biglang sabi ni ma'am.
"Bakit ma'am?" Tanong ni Jessy.
"Cause all the teachers will be having a meeting.. so, enjoy! Bye class!" Sabi sa amin ni ma'am.
"Thanks ma'am! Bye po!" sabi namin.
~~Kim's POV~~
Nagsilayasan na agad yung mga classmates ko. Excited lahat eh! Natira nalang kaming magbabarkada. Lumapit agad silang lahat sa akin.
"Problema niyo?" Tanong ko agad sa kanila.
"Wala.. tara! gala tayo!" Sabi ni Luhan.
"Game kami dyan!" sabi ni Lee at Abby.
"Kami rin!" Sabi naman ni Angel at Christian.
"Ge! Sama rin kami!" sabi naman nila Jessy at Bryan.
"So? Tara na!" sabi ni Patrick.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko naman.
"Sa Mall naman! Puro tayo Park eh!" sabi ni Kath.
"Sige! Tara na!" sabi ko naman.
Lumabas na agad kami ng school at dumiretso sa Mall. Naghiwa-hiwalay kami. As usual, magkasama si Christian at Angel, Lee at Abby at Bryan at Jessy. Close na close na kaya sila Jessy at Bryan. Tapos kami magkasama kami nila Luhan at yung magkambal. naggala-gala lang kami at bumili ng mga gamit na nagustuhan namin. Bigla kaming napadaan sa isang stuff toys na store. WAHHHH!!! Ang laki nung stuff toy na aso! I super duper love dogs!!!!
"Luhan!! Bili mo para sakin yung Stuff toy na yun!" Sabi ko kay Luhan habang tinuturo yung stuff toy.
"Ayoko! Wala na akong pera." sabi niya sa akin.
"Eh? Ano ba yan! Ang damot!" sabi ko habang nakatitig sa stuff toy.
"Ako nalang bibili para sayo, Kim." Sabi ni Patrick. Bigla akong ngumiti ng napaka-lapad.
"Talaga??" hindi naniniwalang tanong ko sakanya.
"Oo nga! Tara! Sama ka sa akin!" Sabi niya sakin.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
RomansaPano makakamit ng dalawang taong nagmamahalan ang kanilang "Happy Ending"?