Chapter 17 - Jessy's Problem

127 5 0
                                    

Gravehhhhh!! Tagal kong hindi nakapag-UD!! Tamad na tamad na talaga ako!! Ito na... Sana magustuhan niyo. Pasensyana kung hindi maganda.
--------------------------------------------------------------
~Kim's POV~~
Nakaalis na ako sa ospital. Wala naman problema sa akin eh. Stress lang talaga at gutom. Nandito pala ako sa ilalim ng puno sa Field ng school. Inaantay ko kasi yung mga besprends ko. Tagal nila! Nakakinip na. Sinuksok ko nalang sa tenga ko yung ear phones ko at nakinig ng mga songs. Nakapikit ako at tahimik na nakikinig ng music ng biglang may humila ng earphones ko at hinagis ang phone ko. Dinampot ko yung phone ko at pinunasan sabay lagay sa bulsa ko. Kala ko sila bitchy girls yun pero nagkamali ako, Si Kath yung nakita ko. Tinignan ko siya ng masama.

"Ano bang problema mo ha? FC ka ah!" Sigaw ko sa kanya.
"Napakalandi ko kasi!" Galit niyang sigaw sa akin. 
"Ako malandi?? Ano na namang ginawa ko?" Mahinahon kong tanong sa kanya.
"Dahil sayo, nilalayuan na ako ni Luhan! Siguro sinabi mo sa kanya na layuan ako noh? Sabihin mo nga!! Sabihin mo!" Sigaw niyang sabi. Tapos bigla niya akong tinulak. tinignan ko siya ng masama sabay tulak din sa kanya.
"Ang lakas ng loob mong pagbintangan ako ah? Diba nga, ikaw ang dahilan kung bakit hindi na kami nag-uusap ni Luhan? Dahil sayo, muntikan na kaming hindi magkabati ng mga besprends ko! Dahil sayo, nalayo sa akin si Luhan! Pero salamat ah? Buti nalang sinira mo ang 'relasyon' namin ni Luhan. Muntik na kasing mahulog ang loob ko sa kanya. Alam mo? I DON'T CARE. Kuhanin mo na si Luhan! Wala akong pakielam sa kanya, wala akong pakielam sayo, wala akong pakielam sa inyong dalawa! Sayo na siya! tutal malandi ka naman eh! Slut ka! Napakalandi mo! Napakaplastic mo!" Galit na galit kong sabi sa kanya. Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin.
"Hah! Ang lakas ng loob mong sabihan ako ng malandi ah! Wag mo akong igaya sayo! For your imformation, hindi ako malandi!" Sabi niya sa akin.
"Ha? Talaga? Ako pang ginawa mong sinungaling ah? Baka nakakalimutan mo yung ginawa mo? Hinalikan mo lang naman ang 'boyfriend' ko! Ikaw ang malandi at hindi ako!" Ganti kong sabi sa kanya. Bigla niya ulit akong sinampal at nagulat ako ng sikmurahan niya ako. Sinampal niya ako ng paulit-ulit ng magulat ako ng bigla siyang tumigil. Inangat ko yung ulo ko at nakita ko si Luhan na hawak-hawak yung kamay ni Kath. Nakatingin siya ng masama kay Kath.
"Lu-luhan! A-anong ginagawa m-mo dito??" Nanginginig niyang tanong.
"Pwede ba kath?! Tigilan mo na si Kim! Wala kang karapatan na saktan siya! At wala ka ring karapatan na angkinin ako! Mahal ko si Kim! Mahal ko siya! Siya lang ang may karapatang umangkin sa akin! Siya ang nagmamay-ari ng puso ko!" Galit na sigaw ni Luhan. Wait?? Ako?? Mahal niya?? 
"A-ano?? Nagbibiro ka lang diba? Tell me! Nagbibiro ka lang diba?!?!" Di makapaniwalang tanong ni Kath.
"Sorry, Kath.. Pero mahal ko si Kim. Mahal ko na talaga siya. Kaya layuan mo na siya! Layuan mo na kami!" Sigaw ulit ni Luhan. 
"Di pa tayo tapos! Magsisisi kayo!" Sigaw ni Kath. Oh talaga? tsupe ka nalang! At umalis na nga si Kath. Naiwan kami ni Luhan. Tumingin sa akin si Luhan. Ako, di pa rin makapaniwala sa mga pinagsasabi niya.
"Diba hindi totoo yung mga sinabi mo? Para lang layuan tayo ni Kath, kaya sinabi mo yun diba?" Tanong ko sa kanya. Tumahimik siya saglit at tumungo at nagsalita na.
"Lahat ng sinabi ko kay Kath ay totoo, Kim. I really love you. Na-realize ko lang yun nung nilayuan mo ako. Hindi ako maka-tulog sa gabi sa kaiisip sayo. Please, Kim. Give me one more chance, i promise, mamahalin kita. Totoo na 'to." Pagmamaka-awa niya.Tumahimik lang ako. HIndi ko alam ang isasagot ko. Pero, gusto ko rin si Luhan.
"Please let me court you, Kim."Pagmamaka-awa niya ulit. Ano ba?? Oo ba o Hindi?? Woooo! Intense! Nag-isip ako ng malalim hanggang sa malaman ko na ang isasagot ko. Hm....
"Fine. Pero, i-promise mo na gagawin mo ang lahat? Okay?" Tanong ko sa kanya. Bigla siyang ngumiti at niyakap ako.
"Yes! Yes! Thank you talaga Kim!! Di mo alam kung gaano ako kasaya ngayun!! Yes!" Sobrang saya niyang sabi habang nakayakap pa rin sa akin.
"Oy! alisin mo na yung kamay mo sa bewang ko! Sinabi ko ba na pwede ka nang yumakap?" Mataray kong sabi.Bigla naman niyang tinanggal yung pagkakayakap niya sakin.
"Sorry.. Masaya lang!" Sabi niya.
"Hep Hep..." Seryosong sabi ni Angel.
"Hooray!!!!!!" Singit naman ni Christian. Yan binatukan tuloy ni Angel.
"Bakit ba? Masaya lang ako at magkakabati na tayo.. Wag na natin isama si Kath! Malandi naman yun eh!" Sabi ni Christian. Bigla kaming napatingin kay Patrick tapos isa-isa naming binatukan si Christian. Bunganga talaga nitong lalaking 'to!! 
"Sorry, Patrick." Pagso-sorry ko kay Patrick. Ngumiti naman siya sa akin.
"Hindi.. Okay lang.." Sabi naman ni Patrick. Biglang nag-sigh si Jessy at napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"O? Ano problema mo? Parang ang lalim ah?" Tanong ni Bryan.
"Oo nga.. Ano ba problema? Sabihin mo na." Sabi ko naman kay Jessy. Tiningnan niya kami at nagsalita.
"Kasi......" Pabitin niyang sabi.
"Kasi.. Ano??" Tanong ni Angel.
"Aalis na kasi ako eh.. Papuntang states." Sabi niya.
"Ano?!?!" Gulat kong tanong.
"Sus! Atleast hindi naman bukas!" Sabi ni Christian.
"Ehhh.. Yun na nga yung problema eh... Bukas na alis namin." Sabi ni Jessy. What Da?!?! Di 'to pwede!!
"Ano?!?! Di yan pwede!!! Dito ka lang!!" Sigaw ni Angel.
"Eh kailangan nila Mama pumunta sa states eh.. At gusto daw nila akong kasama." Pagpapaliwanag ni Jessy.
"Aish!!! Anubayan!!" Badtrip naming sabi.
"Tara! Pasok na tayo!" Sabi ni Jessy. Pumunta na kami sa classroom namin at sakto nandun na din yung Prof namin. 

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon