Chapter 27 - Meet My Cousin

56 5 1
                                    

~Kim's POV~ 

Nandito kami sa field lahat kasi walang klase. May meeting yung mga teachers. Nagkwe-kwentuhan lang kami. 

Pagkatapos ng kwentuhan, pinauwi na rin kaming lahat dahil mapapatagal pa daw yung meeting nila. 

Habang nasa parking lot kaming lahat, may nabuo na namang tensyon sa pagitan nila Luhan at Patrick. Ano ba naman 'tong dalawang 'to! Hanggnang dito ba naman.

"Ako naman mag-uuwi sayo, Kim. Tutal si Pat naman nagsundo sayo kanina. Halika na!" Di pa ako nakakasagot pero hinila na ni Luhan yung kamay ko at pinapasok ako sa kotse niya. Pumasok naman din agad ako at umalis na kami at hinatid na niya ako sa bahay.

Inimbitahan ko muna siya sa loob tsaka sinabi ko na rin sa kanya na magpaalam siya kila Mama tungkol sa panliligaw niya sakin. Pumasok naman siya agad sa loob at umupo sa sofa sa sala. 

"Ma, Pa! I'm home!" Sigaw ko.

Pagbaba nila Mama at Papa, may isa pa silang kasama. Matangkad, gwapo. Si- Si Kuya Jake!

Nakangiti siya sa akin kaya tumakbo agad ako papalapit sa kanya. Niyakap namin ang isa't-isa ng napakahigpit. Na-miss ko siya! Sobra!

"Hi Kim. Missed me?" Tanong ni Kuya Jake. Niyakap ko siya ulit ng mahigpit at siya naman tumatawa.

"Tinatanong pa ba yan, Kuya Jake? Of course!" Sabi ko at kumawala na sa yakap namin.

"Ba't di mo sinabi na uuwi ka pala! Sana sinundo na kita sa airport!" Sabi ko sakanya habang naka-pout. Kimurot niya naman yung pisngi ko.

"Ang cute-cute mo talaga! 'Di mo na naman ako kailangang sunduin e. Mas gusto ko i-surprise ka." Sabi niya habang naka-ngiti pa rin sakin.

"Ehem." Si Papa.

"Di mo man lang ba ipapakilala itong gwapong lalaki dito." Sabi naman ni Mama. Ay! Muntik ko nang makalimutan si Luhan!

"Oh~ Sorry. Ma, kilala mo naman siya diba? Si Luhan. Dad, Kuya Jake, si Luhan, manliligaw ko. Luhan, si Dad, then this guy is my cousin-slash-big brother." Nakipag-shakehands naman si Kuya Jake kay Luhan.

"You look nice. Take care of this precious girl of mine. Hurt her and I'll make sure di ka na masisikatan ng araw." -Kuya Jake.

"Kuya!" Sabi ko sabay hampas sa braso niya. 

"Ahh, mukha pong nakakaistorbo pa ako. Mauna na po ako? Salamat po sa pagpasok sakin." Sabi ni Luhan. Alis na siya agad?

"Alis ka na agad? O sige, next time ulit iho. Mag-iingat ka ha?" Si Mama. 

Nginitian lang siya ni Luhan at umalis na din. Nakaupo lang kaming apat sa sofa. Nagkakamustahan, nagkwe-kwentuhan, hanggang sa dumating si Jessy. Napatingin naman agad siya kay Kuya Jake at nagulat. 

"Kuya Jake?!" Gulat niyang tanong. Yeah~ Kilala din niya si Kuya Jake. Actually, close din sila. Sa tagal ba naman naming magkakaibigan e! 

Nginitian sa ni Kuya Jake at nagyakapan silang dalawa. Siblings na din kasi ang tingin ni Kuya Jake sa mga bestfriends ko. 

"Hi Jessy. Nice to see you again! Long time no see ha!" Sabi ni Kuya Jake.

"Nice to see you too, Kuya Jake. Grabe ha. Ampogi mo pa rin! Walang kupas! Pasalubong ko?" Gaga talaga 'to si Jessy. Tumawa naman si Kuya Jake. 


Mas matanda si Kuya Jake sakanya ng 8 months. Tapos mas matanda sakin si Kuya Jake ng 9 months. 

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon