In Their Room
"Cam huwag ka munang matulog."
"Matutulog na ako," nakapikit na sagot niya saken. "Bahala ka sa buhay mo."
"Hindi ako makatulog... baka magaya tayo doon sa Long Weekend na palabas. Baka masapian ka na lang diyan bigla at umala-balerina na naka-drugs." Tinalikuran niya ako bigla. "Cam naman harapin mo 'ko."
"Matulog ka na Crosoft. At saka, 'di ako marunong mag-ballet."
"Hindi nga ako makatulog."
Hindi rin nakatiis sa akin si Cam. Bumaling siya muli sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa. Kahit na madilim ang buong paligid kitang-kita ko parin ang pag-shift ng annoyance sa mga mata niya. Hindi na gaanong annoyed sa akin. Pero bakas parin ang antok na may halong asar sa mga mata niya.
Itinaas ko ang isang kamay at nag-peace sign. "Peace."
She crossed her arms over her chest. Nakahiga kami patagilid. Magkaharap sa isa't isa. In the end, natawa lang din sa akin si Cam. Galing ko talaga.
"Buong gabi lang ba tayo magtititigan?" she asked.
"Bukas hubad na ako." Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Iba kasi titig mo. Parang hinuhubaran mo ako. Ang intense."
"Ha-Ha," she laughed sarcastically. But, bigla namang nagbago ang mood na naman niya. Inilapit ni Cam ang mukha saken. "Pero 'di nga, may sasabihin ako sayo." Kinabahan naman ako bigla. Nakakatakot kasi ang pabulong na pag-sasalita niya.
"What?"
"Alam mo ba kung bakit 'dito ko napiling pumunta?"
"Magtatanong ba ako kung alam ko. Bangs gusto mo?"
"Aish, basta, gusto ko ang feels ng kwarto at lugar na 'to."
"Bakit nga ba?"
"Alam mo kasi Crosoft... sabi nila haunted daw ang room na 'to -"
"Peste! Mag-impake na tayo." Pero bago paman ako makatayo ay nahawakan na agad ni Cam ang paa ko. Namudmod tuloy ang mukha ko sa kama. Sh*t my precious face. "Cambria Velasco!"
"Ano ba Crosoft!" pabulong na sigaw niya. "Huwag ka ngang magpahalata. Baka mapansin ka pa ng babaeng nagpapakita sa kwartong 'to."
"Sh*t Cam! Bakit dito pa tayo nag-check-in?" nanginginig na ang tuhod ko dito. 'Langya! Nagsimula namang kumabog ng malakas ang puso ko sa kaba. Baka nagtatago lang sa kung saan ang babaeng sinasabi nitong si Cam. Damn it! Naalala ko na naman 'yong babaeng nasapian. Di nato maganda.
Kumulog. Kasabay nun ang pagpatay ng kuryente. 'Langya! Ang ganda-ganda ng panahon kanina pero talo pang may bagyo.
"Kasi gusto kong i-check kung totoo nga. Ang gandang experience kaya nun."
"Sayo, oo. Sa akin, hindi -" nagulat naman kaming pareho nang biglang bumukas ang down to ceiling na bintana. Mas nakakatakot 'yon dahil nililipad na nang malakas na hangin ang puting kurtina. Peste! 'Di na talaga 'to maganda.
"Teka lang, isasara ko - " napatili naman si Cam nang bigla ko siyang daganan. Kung mamatay kami ngayong gabi mas mabuti pang magpakalalaki na ako. Este, mali. Sa mga ganitong eksena isa lang sa amin ang mabubuhay ni Cambria. I have a feeling na 'di ako 'yon. "Crosoft!" tili niya.
"Cam..." seryosong tawag ko sa kanya. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya sa itaas ng ulo niya. "Gawin na natin."
"Ang ano?!" hysterical na tanong niya. Pilit na kumakawala sa hawak ko. "Crosoft, ha? 'Di ka na nakakatuwa? Nasasanabin ka ba?" Hindi ako sumagot. Seryoso talaga ako. "Shokoy ba? Lalaki? Gwapo?"
BINABASA MO ANG
MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOM
ChickLitAVAILABLE NOW AT SHOPEE/LAZADA. JUST GO TO PSICOM ACCOUNT, ADD TO CART, AND CHECKOUT N'YO NA DALI. IF YOU'RE LUCKY, IN SOME OF THE BOOKSTORES. 💙 Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay best friend Crosoft D'Cruze. One drunken night, th...