SP: Crosoft's Confession (Part 8)

26.2K 796 59
                                    

You can play the song if you like. 'Yan kasi pinakinggan ko habang isinusulat ko 'tong chap na 'to. Sige, basa na kayo. :D

VIII

Hindi na ako mapakali sa taxi pa lang. Every seconds of it were hell. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Cam. Hindi ko alam kung ano pang kahayopan ang ginawa ng lalaking 'yon.

"Manong, pakibilisan lang. Please lang po."

"Pasensiya na talaga hijo, masyadong malakas ang ulan. Baka ma-aksidente pa tayo."

Itinuon kong muli ang atensyon sa cell phone. Ilang ulit ko nang tinatawagan ang number ni Cam pero wala na talagang sumasagot. Peste! Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Kasanalan ko 'to eh! Langya naman kasi!

Biglang huminto ang taxi.

"Manong bakit po tayo huminto?"

"Naku, baha na ang daan. Sorry hijo, pero hanggang dito lang ako pwede. Pasensiya na."

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Inabot ko ang bayad saka mabalis na lumabas ng taxi. Basa agad ako ng ulan. May namataan akong waiting shed sa tabi. Tinakbo ko 'yon bago paman mabasa ng tuluyan ang cell phone ko. I still need my phone to locate Cam. Busit namang baha! Bakit ngayon pa umulan.

Nagpasilong ako.

I check my phone. Buti na lang at naka-on ang GPS ni Cam. Kaya na locate ko agad kung na saan siya. Saan ba 'to? Iginala ko ang tingin sa buong paligid. Masyadong malakas ang ulan na mahirap nang makita ang daan. Tignan ko muli ang map ng GPS. Malapit lang ako sa Motel na tinutukoy sa Map.

"Shit!" deadbat na ako. "Aish! Bahala na nga."

Sumulong ako sa malakas na ulan. Lakad-takbo ang ginawa ko habang tinitignan ang mga establishments na nadadaanan ko. Sa bawat segundo at minuto na 'yon ay na kay Cam ang isip ko. Sana talaga ligtas siya. Oh God!

"Cam!" sigaw ko. Kahit na malabong marinig niya ako. "Cam!"

Naiiyak ako na iwan. Natatakot akong 'di siya makita. Langya ka naman kasi Crosoft! Ang OA mo kasi. Bakit ba kasi big deal sayo na mahal ka ni Cam? Wala naman siyang hinihinging kapalit sayo. Kasalanan mo 'to!

"C-Cam?" natigilan ako.

That motel. S-Si Cam. Hindi na ako nagdalawang isip na pasukin ang motel na 'yon. Mabilis na lumapit ako sa counter pagkapasok ko pa lang. Hindi ko alintana ang basang-basang ayos. Tumutulo na ang damit at buhok ko sa sahig. But didn't matter to me anymore.

"Miss, nandito ba si Cam?"

"S-Sir..." Pero hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ng babae. Dumiretso na ako sa elevator. "Sir! Bawal po kayong umakyat! Guard!"

Nahawakan agad ako ng isang guard. I was furious enough to jerked away from his grasp. Malakas na itinulak ko ang guard. Mabilis na pumasok ako sa elevator. Bago paman makatayo ang guard ay sumara na ang elevator.

Maliit lang ang motel na 'yon. Pero wala rin akong idea kung saan sa mga kwartong 'yon si Cam. Lakad-takbo ang ginawa ko sa mga palapag. Binubuksan ko ang mga pinto.

"Cam! Cam si Crosoft 'to!" sigaw ko. Binuksan ko ang isang pinto.

"Shit! Ano ba?!"

"Sorry." Isinara ko ulit.

"Cambria na saan ka na ba?!"

Paakyat na ako ng third floor. Mabilis parin ang mga kilos ko. May napansin akong kakaibang ingay sa isa sa mga kwarto na nadoon.

MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon