SP: Crosoft's Confession (Part 18)

23.6K 664 25
                                    

"Crosoft picture nga tayo!" hinila ako ni Cam palapit sa kanya.

Itinaas niya ang Iphone ko at nakita ko ang mukha naming dalawa sa screen ng phone ko dahil naka front cam 'yon. Ahem, mayaman ako kaya laging naambunan ng selfie 'tong si Cam. Anong konek? Tsaka na.

Ang ginawa ko ay pumwesto ako sa likod niya at niyakap ko siya mula doon. I rested my head on her shoulder as I hugged her tight from behind. Panay lang ang capture ni Cam. Ako naman, inilapit ko ang bibig sa tainga niya sabay bulong.

"Umamin ka na kasi..."

"Huh?" natigilan bigla si Cam at pilit na nilingon ako mula sa balikat niya. "Anong aaminin ko?"

"Na inlove ka saken?"

"In love?" kumunot ang noo niya. "Kadiri ka! Hindi ako in love sayong bakla ka!" itinulak niya ako bigla.

Natawa lang ako. "Umamin ka na kasi."

Nameywang sa harap ko si Cam. "Oh sige, aamin na ako."

Piste naman oh! Tinotoo naman agad ng babaeng 'to. Gusto ko din naman marinig 'yon sa bibig ni Cam. Hindi ko nga lang alam ang gagawin kapag nag-confess na siya saken. Langya! Tinukso ko pa kasi eh!

"Oh, na tameme ka na diyan? Ito na, magko-confess na ako. Crosoft –"

"Pack juice! Naiwan ko ang sukli ko sa canteen!" mabilis na lumabas ako ng classroom at nagtatakbo sa lobby. Peste talaga eh!

"Hoy CROSOFT!" narinig ko pang sigaw ni Cam.


. . . .


"Tulala ka na naman diyan?" basag ni Jeymes.

"Huh?"

"Sabi ko, tulala ka na naman. May problema ka ba Crosoft? Sa tuwing magkasama tayo lagi kang lutang. I know you're busy in your other subjects... I just don't know if you have other things in mind that is bothering you."

"Sorry,"

"You know what, you can talk to me."

"Really, it's nothing. I just need some sleep, I guess. After this theatre play makakapahinga na rin ako."

"Speaking of that, kailan nga ba ang theatre play n'yo?"

"Next week na." I reached for his hand and smile. "Pupunta ka, diba?"

"Of course," he smiled back. "Ikaw pa. I'll be there to support my baby."

"Yiee! Sweet mo talaga."

"Ikaw pa, halika na nga, umuwi na tayo."

Ngiti lang ang naitugon ko kay Jeymes.

Nahulog ulit ako sa malalim na pag-iisip.Paano ko ba sasabihin kay Jeymes na iba na talaga ang nararamdaman ko kay Cam? I don't know where to start? Hindi ko alam kung BI ba ako o bakla lang talaga. I don't want to label myself pero... walangya talaga eh! Iba na talaga ang malisya ko kay Cam.

I prefer Cam over Jeymes sometimes – No! Truth, nagiging madalas na. Nagi-guilty na ako pero ano bang magagawa ko? Hindi naman ako pwedeng mamangka sa dalawang ilog. Bad 'yon. Pero hindi ko talaga alam. Naguguluhan na ako.

Ano bang dapat kong gawin?


. . . .


Buong araw na kaming nagpa-practice sa CFPA. Bukas general rehearsal, then play na. Nakakapagod rin. Kung bakit kasi nag-volunteer pa ako eh. Pasikat rin ako minsan eh. Buhis buhay din pala.

MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon