Kinagatan ko ang mansanas habang nakabaliktad ng higa sa sahig habang nasa sofa naman ang mga paa. Wala lang trip. Mas dumadaloy daw ng maayos ang dugo sa utak kapag nasa ganoong position ka. Nakatingala sa kisame na nakatunga-nga. Hinihintay ang oras ng end of the world.
Inabot ko ang cell phone sa tabi. Sinadya ko talagang mag-emo sa bahay ngayon. 'Yong babaeng 'yon. Hindi man lang nagparamdam buong araw. Puwes, magpapa-miss ako. Bahala siya sa buhay niya. Saka na ako magpapakita kapag nagsawa na siya sa ilusyon niya sa Draft na 'yon.
I scan some picture in my phone gallery. Nagulat naman ako nang mapansing puro mukha na ni Cam ang nasa gallery ko. Langya! Spam ba 'to o virus? Halos natatabunan na ang album na ginawa ko para sa amin ni Jeymes.
Inisa-isa ko ang mga album. Ako ba talaga gumawa ng mga 'to? From grid styles to selfies. Halos mukha niya o mukha naming dalawa. Maraming stolen pictures ako ni Cam. Hala. Kailan pa ako na obessessed sa pagmumukha nun? Napaisip ako. Nababaliw na yata ako. Ewan, magdi-delete na nga lang ako.
As I was scanning some picture hindi ko naman magawang i-delete ang mga pictures. Instead, natutuwa pa akong tignan 'yon. Nakakatawa naman kasi ang mga stolen pictures na kuha ko. Pang-Marc Logan ang dating. The next thing I knew I was already laughing out loud. Kaloka! May tulo laway pa.
May isang picture pa ako sa kanya na nilagyan ko siya ng makapal na eyeliner sa talukap gamit ng marker. Nagmaukha pa tuloy siyang panda sa picture. Hindi ako na kuntinto at nilagyan ko pa siya ng dotted lines ang pisngi niya. Muntik pa akong mapatay ni Cam nang magising siya. Hayan kasi, tinutulugan lang ako kapag nag-o-overnight siya sa condo.
Nahinto naman ako sa isang particular picture na sobrang natigilan talaga ako. She has this bright and big smile on her face. Her smiles were the most beautiful things about her. At kung lalaki lang siyang totoo matagal na siguro akong na baliw sa babaeng 'to.
Maganda si Cam. Hindi nga lang niya nakikita 'yon. Mas maganda pa nga siya kay Misty. Nag-aayos lang talaga ang kapatid niya. Ito naman kasing si Cam akala siguro sa sarili lalaki. Kung 'di ko pa sisitahin na mag-suklay hindi pa aayusin ang magulong buhok. Minsan naisip kong ipalamon sa kanya ang isang milyong gift certificate ng Ricky Reyes.
Napabuntong-hininga ako sabay tingin sa kisame. Kinagatan ko ang hawak na apple. Minsan iniisip ko na nababaliw na ako. Minsan hindi ko na alam kung bakit umaakto ako ng ganito. Hindi naman ako dating gan'to. May nakain ba akong panis at sobrang complicated na ng mga pinag-iisip ko nitong mga nakaraang buwan.
Isa lang talaga ang naiisip kong solusyon sa lahat ng 'to.
I pulled myself up. Kailangan ko na nga yatang i-seek ang guidance ni Lord. Okay, letz do thiz.
Sto. Nino Church
"Say the sins that you remember."
Huminga ako ng malalim. "Father, hindi ko po maintindihan ang sarili ko. Dahil doon hindi lang kagwapohan ang rason kung bakit may umaasa saken. Alam mo 'yon? May iba pa akong ginagawa kung bakit masyado akong paasa. Pero hindi ko naman alam kung bakit sa kanya lang ako ganun. May boyfriend nga ako pero ang mukha at isip ko nandoon sa babaeng ang tingin sa sarili inidoro ni Chuckie. Father, ang bigat sa loob. Ano ba ang dapat kong gawin?"
"Anak,"
"Yes Father,"
"Kasalanan ang hinihingi ko hindi problema sa pag-ibig."
Natigilan ako. Ano ba sinabi ko? Langya! 'Di na talaga 'to maganda. Nakakahiya. Lunok muna. "Ah, sorry, Father, medyo confuse lang ako."
"Huwag mong dibdibin 'yan, anak. Lahat pinagdadaanan 'yan."
BINABASA MO ANG
MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOM
ChickLitAVAILABLE NOW AT SHOPEE/LAZADA. JUST GO TO PSICOM ACCOUNT, ADD TO CART, AND CHECKOUT N'YO NA DALI. IF YOU'RE LUCKY, IN SOME OF THE BOOKSTORES. 💙 Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay best friend Crosoft D'Cruze. One drunken night, th...