"HAHA! Baliw talaga 'tong si Scroll!" ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa habang inisa-isa ang mga instagram post ni Scroll. Baliw talaga 'tong make up artist-cum-fashion assistant ko. Nakikiuso sa mga beauty transformation. Wala talagang originality, inferness at kabog na kabog niya naman.
"Pwede ba Crosoft kung wala ka din naman palang gagawin dito lumayas ka sa studio ko."
"Alt, tignan mo 'to. Promise nakakatawa." Hindi ko siya pinansin. Instead, tumayo ako para ipakita kay Alt ang pictures ni Scroll kahit busy na busy siya sa pagtingin sa mga screen sa harap niya. "Baliw siya, diba?" tawang-tawa parin ako.
"Oo, kagaya mo." Pabalang na sagot niya saken without looking at the photos. "Crosoft, bukod sa paglulungga mo dito wala ka bang balak magtrabaho o puntahan si Bria?"
"Nah, okay lang 'yon. Nag-usap naman kami kanina. Busy daw siya."
"Busy?" kumunot ang noo ni Alt. "So wala ka lang gagawin? Tutunga-nga ka lang?"
"Busy nga, diba? Kapag pinuntahan ko 'yon tutunga parin ako. Baka magalit pa 'yon. Anyway, may photoshoot naman ako mamaya kaya magiging busy parin ako."
"So, you're back?"
"What do you mean?"
"You're back. Busy ka na ulit. Tumatanggap ka na ulit ng trabaho."
"Ah," I chuckled. "Yup, Crosoft's back."
"Anyway, I'm done with your video. To be honest, muntik na akong masuka sa kao-ehan mong gago ka."
"Ganun ba? Sige, itago mo muna. Medyo nagkaproblema din ako sa venue. Mag-iisip muna ako."
"So 'di mo na gagamitin?"
"Hmm, parang oo, parang hindi, I don't know." I shrugged. "As of now, medyo tinatamad na rin akong ituloy ang nauna kong plano. Baka simpleng dinner na lang ang ihanda ko. Okay na 'yon."
"You serious?!" hindi makapaniwalang baling niya saken.
Inangat ko ang tingin kay Alt. "May masama ba? At saka, busy si Cam. Busy rin ako. A simple dinner would do."
"Ewan ko sayo, bahala ka sa buhay mo."
BINUHOS ko ang oras sa pagtatrabaho pero hindi ko parin kinakalimutan ang oras ng pagsundo ko kay Danah. Mapapatay ako ng anak kong 'yon sa sermon. Nasa school na niya ako at hinihintay ko na lang siya sa parking lot ng school nila.
Habang naghihintay kay Danah hindi ko naman mapigilan na i-stalk ang IG post ni Chrome. May bagong post pa ang walangya. Kasama na naman niya si Cam sa post niya. Nakakaasar! Lahat na lang ng post niya kasama si Cam. May pabebe pang caption. Lechee! Magsama kayo.
Marahas na ibinato ko ang cell phone sa back seat.
"Masama na naman ang mood mo, Daddy."
Nagulantang ako sa nag-salita. Pagtingin ko sa tabi ay nakaupo na si Danah sa passenger seat at isinasarado na ang seatbelt niya.
"Anak naman, nakakagulat ka naman."
"Malamang, busy ka po."
Hinalikan ko muna sa noo ang anak bago pinaandar ang sasakyan.
"How's school?" masiglang tanong ko.
"As usual," she sighed.
Kumunot naman ang noo ko as I glance at her. "Drive thru tayo?"
BINABASA MO ANG
MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOM
ChickLitAVAILABLE NOW AT SHOPEE/LAZADA. JUST GO TO PSICOM ACCOUNT, ADD TO CART, AND CHECKOUT N'YO NA DALI. IF YOU'RE LUCKY, IN SOME OF THE BOOKSTORES. 💙 Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay best friend Crosoft D'Cruze. One drunken night, th...