SP: Crosoft's Confession (Part 22)

24K 682 63
                                    


Before you read, you can check the video that I posted. You can play it kung gusto n'yo or pakinggan n'yo to know the lyrics. It's kind of heartbreaking but chill lang. Enjoy! - "She's Gone"


Present

PABAGSAK na naupo ako sa kama. Tawa naman ako nang tawa nang batokan ako sa ulo ni Cam. Nasayang kasi ang kain-kain niyang popcorn sa hawak niyang bowl. Kanina pa siya nakasalampak ng upo sa itaas ng kama habang pinapanood ang bagong diskubre nitong movie. Tutok na tutok pa 'di mo man lang magawang disturbuhin.

"Ano ba Crosoft!" sita niya.

"Ano ba kasi 'yang pinapanood mo at engrossed na engrossed ka diyan?" I pulled myself up. Nag-indian position ako sa tabi niya. Kumuha na rin ako ng popcorn kasi mukhang masarap.

Pareho kaming walang pasok bukas dahil may bagyo. Umuulan na nga sa labas. Ito 'yong maganda sa bagyo. Naso-solo ko ang asawa ko. Minsan nga pinagdadasal ko na araw-araw may bagyo para magka-moments kami ni Cam kaso bad 'yon. Baka wala na kaming matirhan ni Cam at ang mga anak ko kapag nagkaganoon. Kaya MINSAN ko lang talaga siya pinagdadasal. MINSAN lang po talaga haha.

"The Lost Valentine," sagot niya mayamaya.

Kumunot ang noo ko. "Ang tagal na niyan ah."

"Eh ngayon lang ako nagka-oras na panoorin. Sabi saken ni Mer nakakaiyak daw. Gusto ko maiyak ngayon."

"Mag-a-alas dose na ng madaling araw gusto mo pa talagang maiyak?" Kaloka 'tong asawang 'to. Naparami tuloy ang kain ko ng pop corn. 'Yong tipong minumod-mud na ang pagkain sa bibig.

She glared at me. Nailuwa ko naman ang kinakain. "Ano bang problema mo?"

"Ito naman ang HB." Inakbayan ko siya. "Ano ba story niyan?"

"Manood ka na lang, saka tayo mag-usap."

Okay manonood na nga lang.

Pagkalipas ng halos dalawang oras ng panonood luhang-luha ako. Kulang na lang ay kainin ko ang kumot sa pagpipigil ko ng iyak. Nakakaiyak talaga. Bakit ngayon ko lang 'to nakita?

"Hoy!" binatokan ako bigla ni Cam. "Baka gusto mo ng kayakap –" hindi ko na siya pinatapos at niyakap ko na siya. "Hindi ako, 'tong unan."

Hindi ko napansin ang malaking unan na hawak niya.

"Ayaw ko niyan, mas malaman ka eh." Si-singhot-singhot ko pang sagot. "Nakakaiyak Cam, grabeh! Naiiyak ulit ako."

"Para kang timang," natatawang komento niya saken. "Mas OA ka pa saken. Kulang pa nga yata ang isang box ng tissue sayo."

"Grabeh siya, hindi ko yata kaya 'yon." Inihilig ko ang ulo sa balikat ni Cam.

I sighed.

The movie was just too heartbreaking for me. Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang lahat ng mga nangyari sa pagitan namin ni Cam noon. Biglang naisip ko... paano kung wala na akong naabutan? Paano kung may iba ng mahal si Cam bago pa kami nagkita? Ano kaya ang lagay ng puso ko ngayon? Masaya parin kaya ako?

For 66 years, hinintay ng babae na bumalik ang asawa niya sa train station every Valentines day. She never lose the hope in her heart. Kahit na imposible na sa iba ang iniisip ng babae. Walang palya 'yon, every Valentines hinihintay niya ang pag-uwi ng lalaki... but it never happen. Lumaki na ang isang anak nila at nagka-apo na siya hindi parin siya nawawalan ng pag-asa na babalik ang asawa niya.

Naiyak ako sa last part ng movie. Honestly, it broke my heart. After 66 years, bumalik nga ang asawa niya. Kasama nung heart letter niya na ibinigay sa asawa niya noon. But not like she expected, bumalik ang asawa niya na nasa loob na ng kabaong. At noong iabot sa kanya ang lumang letter na may nakalagay na...

MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon