"I miss you Cam! Send. I miss you Cam! Send. I miss you Cam! Send! Send! Send! Pack juice ka Cam mag-reply ka saken! Busit!" asar na napatingin ako sa kisame.
Langya! Kanina pa ako asar na asar. Ay hindi, ilang araw na pala. Mauubos na ang load ko sa kaka-text kay Cam pero hindi parin nagri-reply. I look at our past conversations. Last week pa 'yon. Hindi na nasundan. Pinagpalit na talaga ako ng gaga sa ibang hipon. I mean, hindi ako hipon. Ah ewan!
At least naman sana sabihin niya naman saken na wala na siyang oras saken. Hindi 'yong magugulat nalang ako na wala na pala kami. Langya! Para namang naging kami. Bestfriend lang naman kami. Pero kahit na! Bwesit! Naiinis na ako!
"De okay! Kung ayaw niya na saken. Ayoko na rin sa kanya!"
Bahala siya sa buhay niya.
I keep scrolling my inbox. Wala pa ring text mula kay Cam. Talagang tinitiis ako ng walangya. Ganito ka pala mag-move on, ha?
"Ano bang tinitignan mo diyan?" basag ni Jeymes.
"Ah-huh?" mabilis na in-off ko ang cell phone. "W-Wala," napakamot ako sa kilay. "Hindi naman importante."
"Napapansin kong panay ang tingin mo sa cell phone mo nitong nakaraang araw. May hinihintay ka bang text?"
"Wala, medyo nawiwili lang ako sa bagong app na dinawnload ko." I chuckled. "Ang ganda nga eh. Nakakatuwa, alam mo 'yong Panda Run? Nakakatuwa. Naaliw ako sa Panda. Mukha siyang anak ni Barney bet na bet ko violet na kulay niya haha."
"Okay,"
"Eh?"
Kung maka-reply naman ang 'sang 'to parang okay lang din ang sinabi ko. Kahit kailan minsan ang 'sang 'to hindi tao. Walang emosyon. Loading pa. Bakit ngayon ko lang napansin 'yon? Compared to Cam, kahit na lagi akong binabara ay hindi naman slow ang pick-up. Medyo shunga lang talaga minsan.
"Himala, 'di mo na yata laging kasama si Cambria?" pag-iiba niya.
Kaya nga ako naiinis. Busit na babae! Nang-iiwan sa ere! Ipasagasa ko 'yon sa airplane eh. Kabanas! Sarap mag-luto ng lugaw. Pampalubag ng kalam ng tiyan. Anong konek?
"Ayaw mo 'yon, lagi na tayong magkasama? Jowwk!"
"So hindi mo talaga ako gustong makasama." Langya ka Cam! Anong ginawa mo saken!
"Oo- este hindi! Iba ang ibig kong sabihin doon. I mean, busy lang si Cam. At napag-isip-isip ko na wala na gaano akong naibibigay na oras sayo. Kaya heto ako, bumabawi...?" napangiwi ako sa isip.
"Bakit parang may question mark sa huli?"
"Meron, ba? Wala naman ah. Imagination mo lang 'yon."
"Siguro nga," he shrugged.
"Ah ito, may joke ako."
"Ano?"
"Wala, jowk lang din na may joke ako haha."
"Okay,"
Hindi ko naman maiwasang taasan ng gilid ng bibig si Jeymes. Ah ewan ko sa 'sang 'to. Suko na ako. Hindi ka tao. Bigla namang nag-vibrate ang cell phone ko. Pasimpleng tinignan ko ang screen ng cell phone ko. Langya! 7210 wala na akong load.
Wala na bang mas sasaklap sa buhay ko?
....
Sabado. Isang linggo na naman ang lumipas. Puro hi, hello, okay lang, busy, pasensiya na lang ang naririnig ko mula kay Cam. Kung hindi ko pa kakausapin wala pa yatang balak na kausapin ako. Hindi ba nakakaasar 'yon?
BINABASA MO ANG
MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOM
ChickLitAVAILABLE NOW AT SHOPEE/LAZADA. JUST GO TO PSICOM ACCOUNT, ADD TO CART, AND CHECKOUT N'YO NA DALI. IF YOU'RE LUCKY, IN SOME OF THE BOOKSTORES. 💙 Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay best friend Crosoft D'Cruze. One drunken night, th...