SP: Crosoft's Last Confession

35.3K 855 154
                                    

 NAGISING ako sa malakas na kulog sa labas. Madilim ang buong silid at mukhang nakapatay ang aircon pero malamig parin dahil sa malakas na buhos ng ulan sa labas.

"Cam?" doon naman ako natauhan. Wala si Cam sa tabi ko. "Cam?" iginala ko ang tingin sa buong paligid. Nagri-reflect ang shadow ng mga sangay ng puno sa pader sa tuwing kukulog.

Pero pack juice talaga wala talaga si Cam. Sinubukan kong buksan ang lamp shade sa side table pero 'di 'yon gumana. Naloko na at mukhang nawalan pa kami ng kuryente. Marahas na napabuntong-hininga ako saka bumaba ng kama at tinungo ang nakaawang na na pinto.

Nahilot ko ang noo ko habang nakahawak sa seradura ng pinto nang biglang may dumaan sa harap ko pagbukas na pagbukas ko ng pinto. Shet! Napalunok ako sa gulat. Madilim ang pasilyo at langya may dumaan talaga kanina.

"Pack juice ayoko ng ganitong biro." Takot at halos pabulong ko ng sabi.

Tila nabuhay naman ang dugo ko sa pangyayaring 'yon lalo na't tinaasan ako ng mga balahibo sa batok. Nagulat naman ako sa malakas na pagkulog. Shet! Pinakiramdaman ko na ang buong paligid. Buti na lang at nadampot ko pa 'tong cell phone ko. Ginamit ko 'yong ilaw sa dinadaanan ko.

"Cam?" tawag ko. "Cam na saan ka? – Shet!"

Panay ang pagkulog at langya ang dilim ng buong paligid.

Napamura na naman ako nang maramdaman kong may dumaan sa likod. Pack juice! Biruin n'yo na ang lasing huwag lang ang bagong gising. Langya! Ayoko talaga ng mga ganitong biro. Nakakamatay ng pag-asang mabuhay.

"Cam! Pack juice saan ka na ba?"

Bigla-bigla ay may narinig akong mga mahihinang yabag mula sa hagdan. Napalunok ako. Lord, huwag n'yo namang i-paranormal 'tong bahay namin. Pinag-ipunan ko 'to. 'Yong takot ko abot na bumbunan nang lumakas lang ang mga yabag na parang papunta 'yon sa akin.

"Shet!"

Mabilis na tinungo ko ang kwarto ng mga anak namin. Pero 'di ko naman mabuksan ang mga pinto. Naka-lock! Pinipilit kong buksan dahil papalapit na talaga saken 'yong mga yabag. Litse! Tatakasan na yata ako ng bait dito. Pinagdadabog ko na ang pinto at pinagsisipa.

"Bumukas ka! Bumukas! Font! Danah! Buksan n'yo 'to!"

Naiiyak na ako sa takot dahil sa pesteng mga yabag na 'yon na walang katapusan 'di naman one hundred steps ang hagdan namin. OA naman masyado ang multo. Shet!

Lumipat ako sa kwarto ng kambal.

"Print! Paper! Buksan n'yo to! Shet! Ba't ba naka lock ang mga 'to?"

Palakas nang palakas ang yabag na para bang nasa malapit na siya. Tumigil yata ang tibok ng puso ko. Bigla akong nanlamig. Nanginginig na mga kamay ko. Bigla-bigla ay nawala ang mga yabag.

Pinakiramdaman ko ang buong paligid. Madilim at ang malakas na buhos lang ng ulan ang tanging naririnig ko. 'Yong moment na rinig na rinig mo na pati paghinga ng kaluluwa mo sa sobrang takot. Jus ko!

Pero bakit malakas ang pakiramdam ko na nasa malapit lang siya. Dios ko! Mamatay na yata ako sa takot.

Cambria asaan ka na ba?!

Kinabahan ako ulit nang bumalik ang mga yabag. At sa tingin ko nasa likod ko na siya. Dios ko! Gisingin n'yo na ako kung panaginip lang ito at 'di ko na talaga kaya. Naririnig ko na ang malalim na paghinga niya. 'To 'yong mga sound effects na naririnig ko sa mga horror movies. Shet!

Bigla-bigla ay nagulat ako sa pagyakap niya mula sa likod – tang'na this mukhang pinagnanasaan pa ako ng multo. Nagsimula na akong magdasal ng Our Father at Hail Mary. Jus ko kung makayakap saken ang multong 'to ang higpit-higpit pa. Kung 'di lang sa maputla at may dugo niyang kamay – langya this!

MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon