HINDI ko mapigilan ang galit ko habang kaharap ang anak kong si Font. Dapat ay nasa shooting ako pero kinailangan kong umuwi dahil nga pinatawag si Font sa discipline's office dahil binugbog daw nito ang isang kaklase nito.
Ilang araw na akong walang tulog at ngayon binibigyan pa ako ng sakit sa ulo ng anak ko. Hindi lang iisang beses na naipatawag ito for disciplinary action at hindi ko maintindihan kung bakit hindi parin ito nakikinig sa akin.
Matalim ang tingin nito kahit na hindi ito nakatingin sa akin at nakakuyom pa ang mga kamay.
"Ano bang sinabi ko sayo tungkol sa pakikipag-away Font?!" galit na tanong ko sa anak. Pero nanatili lamang na tikom ang bibig nito. "Kailangan ko pa bang paulit-ulit na sabihin sayo na masama ang makipag-away, ha? Hindi kami nagpapakahirap ng Mommy n'yo na magtrabaho para suklian n'yo kami ng pagbabasag-ulo."
"Crosoft tama na 'yan," awat sa akin ni Cam.
"Hindi Cam, dapat sa batang 'to pagsabihan dahil namimihasa na."
"Daddy hindi naman po sinasadya 'yon ni Font –" singit ni Danah.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko Danah."
"Ganyan naman kayo eh!" nagulat ako nang bigla akong sigawan ni Font. "You are always at work! Kayo ni Mommy! Ni hindi na nga namin napapansin na nandito kayo ni Mommy, Daddy. Lagi kayong wala! Lagi kayong busy! Lagi kayong pagod! Wala kayong oras samen."
Natigilan ako.
Para akong binuhusan ng isang nagyi-yelong balde ng malamig na tubig.
"Ngayon, ayaw n'yo naman makinig saken." Nagsimula itong umiyak. "Wala na nga kayong oras samen pati rin ang pakinggan kami ay wala parin." Biglang tumakbo si Font paakyat sa taas.
"Font!" tawag ko.
Hahabulin ko sana siya kaya lang pinigilan ako ni Cam. Malungkot na umiling siya sa akin. "Hayaan mo muna si Font." Binalingan naman ni Cam ang naiiyak na ring anak nila na si Danah. "Sige na Danah, magpahinga ka na rin. Pakitignan na rin sila Print at Paper sa kwarto nila."
Tumango lang ang anak nila saka mabilis na pumanhik sa taas.
Bagsak ang mga balikat na naupo ako sa sofa. Nahilot ko ang noo. Para akong nawalan ng lakas na 'di ko maipaliwanag.
"Crosoft," tinapik ako ni Cam sa balikat nang maupo ito sa tabi ko.
Malungkot na tinignan ko siya sa mga mata. Hindi ko alam pero sobra akong nasaktan. Hindi dahil nagawa akong sigawan ng anak ko kung hindi dahil isinampal niya saken ang mga pagkukulang ko bilang ama. Hinawakan ni Cam ang isang kamay ko at masuyong pinisil 'yon.
"Ang sama kong ama."
"Naging busy tayo pareho na hindi na natin napapansin na lumalayo na pala tayo sa mga anak natin."
"I feel awful. Sa isip ko isinisi ko pa ang pagkasira ng schedule ko kay Font, not even thinking of Font's feelings. God, Cam, oras lang pero 'di ko maibigay. Anong pinagka-iba namin ng tatay ko? Pareho kaming walang kwenta."
"Crosoft huwag ka ngang mag-salita ng ganyan. Mabuti kang ama sa mga anak natin. Nakikita ko 'yon. Siguro... nagkulang lang talaga tayo. Kaya, naisip ko na, dapat isa lang ang magtrabaho sa ating dalawa."
Marahas na napatingin ako kay Cam.
She smiled. "I'm fixing my resignation letter to MS. Matagal ko na ring pinag-iisipan 'yon. Hindi ko pa nga lang nasasabi sayo dahil noong una hindi pa naman ako sigurado pero ngayon, alam ko ito na ang tamang panahon para ilaan ko naman ang oras ko para sa mga anak natin."
BINABASA MO ANG
MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOM
ChickLitAVAILABLE NOW AT SHOPEE/LAZADA. JUST GO TO PSICOM ACCOUNT, ADD TO CART, AND CHECKOUT N'YO NA DALI. IF YOU'RE LUCKY, IN SOME OF THE BOOKSTORES. 💙 Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay best friend Crosoft D'Cruze. One drunken night, th...