"Marami akong kaibigan na mababait. You can start with a friendly date."
"I-I'm not really sure-"
"Crosoft, it's for her best. If you do this mabilis siyang makaka-move on."
I sighed. "I-I don't know."
Ilang beses ko nang pinag-iisipan ang suggestion ni Jeymes. Mas mabuti rin siguro for Cam to fall in love with someone. I know for a fact that I'm gay. Yes, siguro in a way may times na nagkakagusto ako sa babae. Pero alam ko paghanga lang 'yon. There is a big difference between like and love.
I love Cam. Pero hindi ko alam kung magagawa ko nga bang mahalin pa siya ng higit pa. Baka masyado lang akong protective sa kanya kaya ganito ako umakto. The better way to solve this is to help her find someone that would love her more than she could ever have. At hindi ko 'yon kayang ibigay sa kanya.
My heart only belongs to Jeymes.
I called Cam.
"Hello?"
"Cam, are you free this Saturday? Alam ko day off mo 'yan."
"Bakit?"
"Free ka ba?"
"Kakasabi mo lang day off ko, diba? Malamang libre ako."
Aish! Kahit kailan ang babaeng 'to. "Reserved mo na 'yan. May date ka."
"Huh?"
"Let's meet at Mr. J's."
"Hey, wait! Na saan ka ba ngayon?"
"Nasa pad ko, gumagawa ng assignment."
"Kailan ka pa gumagawa ng assignment?"
"Ngayon lang, feel ko eh."
Natawa si Cam. "Fine, ipaglaban mo 'yan. Ibaba ko na. Pinapatapon pa saken ni Mama ang mga basura sa labas." Naku! Ginagawa na namang katulong ng nanay niya. Kung hindi lang 'yon matanda. Inahit ko na lahat ang kilay nun.
"Sa susunod mag-recycle kamo sila. Gawin nilang damit 'yang mga basura nila at nang magkasilbi naman sila sa bansang 'to. Nakaka-stress."
She chuckled. "As if? ... Ano ba Cambria?! Kailan mo ba 'yan itatapon? Next year? Nangangamoy na! Nak ka talaga ng puny'tang bwesit! Ang kupad mo! ... Opo Mama! Itatapon na po. Crosoft, ibaba ko na. Kita na lang tayo bukas. Bye."
Toot... toot... toot... end call.
I sighed.
"It's for the best..."
Tama lang 'to.
SATURDAY
Nasa bahay lang ako. Parang tanga. Nakatunga-nga sa loob ng kwarto. Panay ang tingin sa orasan. It's already 6 pm. I'm pretty sure nagkita na sila Cam at ni Cyber. Ang kaibigan ni Jeymes sa ibang university. Mukha namang mabait si Cyber. May istura. Kahit na 'di naman kasing gwapo ko, okay na rin. Basta mabait. Karey na rin.
Kilala ko rin naman si Jeymes. Hindi naman 'yon magkaka-kaibigan ng mga taong 'di tao kumilos. Sana nga lang 'di ako lechonin ni Cam. Sabi ko pa naman sa kanya na kami ang magdi-date. I sighed.
"Ano na kaya ang ginagawa nila?" tingin ulit sa orasan. "Nagugutom na ako." Inabot ko ang cell phone ko. Shock. 10 missed calls from Cam. Napalunok ako. Naingat ko ang tingin. "Crosoft huwag kang mag-reply. Huwag kang mag-reply." Hindi ko na pinansin ang missed calls at mabilis na i-denial ang numero ng pizza hut. Ikakain ko na lang 'to.
BINABASA MO ANG
MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOM
चिक-लिटAVAILABLE NOW AT SHOPEE/LAZADA. JUST GO TO PSICOM ACCOUNT, ADD TO CART, AND CHECKOUT N'YO NA DALI. IF YOU'RE LUCKY, IN SOME OF THE BOOKSTORES. 💙 Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay best friend Crosoft D'Cruze. One drunken night, th...