Maingat na ibinaba ko sa crib si Font pagkatapos kong isayaw para makatulog. Sinabayan ko pa 'yon ng kanta. Di ko na lang nilagyan ng lyrics at baka ma-amaze pa ang anak ko sa sobrang ganda ng boses ng daddy niya. Naks. I love myself.
Hinaplos ko ang ulo ng anak ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hindi na yata talaga ako masasanay sa kakaiba at 'di matatawarang saya na nararamdaman ko kapag nakikita ko araw-araw ang mga anak ko. Sino bang mag-aakala?
Ibinaba ko ang mukha ko para mahalikan sa noo si Font pagkatapos ay itinaas ko na ang kumot hanggang sa balikat niya.
Matulog ka ng mahimbing anak para lumaki kang gwapo katulad ko. Lumipat naman ako sa kama ni Danah. Gising pa siya. Iisa lang ang kwarto nila Danah at Font dahil nga sa request ng anak. Mukhang magkakasundo talaga ang dalawang 'to paglaki. Or maybe not, depende sa climate change.
"Matulog ka na," itinaas ko ang kumot niya.
"Daddy, magpahinga ka na. I know you're tired from work tapos inaalagaan mo pa kami when you get home." Naupo ako sa tabi niya.
"Baby –"
"Daddy walang award sa pagiging ulirang ama."
I pinched her nose and chuckled. "Baliw kang bata ka. Hindi naman ako nag-i-expect ng award. Madami na akong award. Hindi ko na 'yon kailangan."
"Ay ang sweet," nakangiting niyakap ako ni Danah. I held her tight. "Alam mo Daddy, sobrang mahal talaga kita. As in from the moon and the back."
Napangiti ako. "Naks! May kailangan ka? Bagong nutella?"
Danah made a face. "Daddy naman eh! I'm serious kaya. Kaya kahit anong sinasabi nila sayo hindi ako naapektuhan kasi 'di ka naman nila kilala and they don't see how great my Daddy is. Kapag nakita nila kung gaano ako ka lucky na you're my daddy baka mainggit lang sila saken."
Touched by Danah's message parang gusto kong maiyak sa tuwa. Alam mo 'yong feeling na kahit hindi ka isang typical na ama ay buong pusong tanggap ka ng anak mo. Sobra... as in sobra ang saya sa puso ko. Niyakap ko ng mahigpit ang anak at ginawaran ng masuyong halik sa noo.
"Salamat anak,"
"Daddy, I'm sleepy na." Danah yawned. Tumayo na ako at muling inayos ang higaan niya. Antok na nginitian ako ng anak ko. "Goodnight Daddy..."
"Goodnight baby," ang lamp shade lang ang iniwan kong bukas. Pinatay ko ang ilaw saka maingat na isinarado ang pinto.
Itinaas ko ang manggas ng polo hanggang siko saka nag-inat. Minasahe ko ang mga balikat habang naglalakad papunta sa silid namin ni Cam. Buong araw akong naging-busy sa trabaho. Photoshoots and commercials... plus may event pa. Naubos yata lahat ng battery ko sa katawan.
Naabutan ko na may kung anong ginagawa si Cam. Nakasalampak siya sa itaas ng kama. May first aid box sa harap niya. Kumunot naman ang noo ko nang makitang nakabinda ang isang daliri niya.
"Hoy!" tawag ko.
Inangat niya ang tingin saken. "Hoy ka rin."
May ngiting bumaba siya sa kama at naglakad palapit saken. Magulo ang pagkaka-bun ng buhok ni Cam at suot na naman niya ang T-shirt ko na maluwag sa kanya. Hindi din naman ako nagri-reklamo dahil mayaman naman kami (ahem). At syempre masarap sa mata ang ayos niya kapag gabi (Ahem, ahem).
Nagpatuloy siya sa pagkalas ng natitirang butones sa polo ko.
"Nagbihis ka muna sana bago mo pinatulog si Font."
"Anong nangyari sa daliri mo?"
"Kanina 'to sa set. Konting aksidente lang naman. Pinalitan ko lang ng benda." Iniwan niya ako para kumuha ng pamalit sa walk in closet namin. "Kumain ka na ba?"
BINABASA MO ANG
MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOM
ChickLitAVAILABLE NOW AT SHOPEE/LAZADA. JUST GO TO PSICOM ACCOUNT, ADD TO CART, AND CHECKOUT N'YO NA DALI. IF YOU'RE LUCKY, IN SOME OF THE BOOKSTORES. 💙 Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay best friend Crosoft D'Cruze. One drunken night, th...