Chapter 5

67.8K 2K 396
                                    

BUMUKAS agad ang elevator nang pindutin ni Cambria ang up button. Mabilis na pumasok at isinara niya ang pinto ng elevator. Inip na nakagat niya ang ibabang labi. Nasa 11th floor pa ang unit ni Crosoft sa condo building na 'yon.

Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cell phone niya. She slid one hand in her pocket to get it. Pagtingin niya sa screen ay pangalan ng mama ni Crosoft ang rumihistro. Mabilis na sinagot niya ang tawag. Pagtingin niya sa floor indicator sign ay nasa 5th floor pa lang siya.

"Tita Dris," sagot niya.

"Hija, magkasama ba kayo ng anak ko ngayon?"

Napansin niya ang pag-aalala sa boses nito. Lalo lang tuloy siyang nag-alala para kay Crosoft.

"Hindi ho Tita, pero nandito po ako sa condo niya ngayon." Pagtingin niya ulit ay nasa 8th floor na siya. "Papunta na ho ako sa unit niya."

"Mabuti naman, eh kasi ang batang 'yan mag-iisang linggo nang 'di nagpaparamdam sa akin. Baka ko may problema siya." Napabuntong-hininga ito sa kabilang linya. "Hindi kasi naging maganda ang pag-uusap ni Cros sa kanyang daddy noong nakaraang linggo. Nag-aalala lang naman ako."

Kaya pala, pero what about Jeymes? Tumunog ang bell at bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas siya at tinungo ang pasilyo papunta sa unit ni Crosoft.

"Don't worry Tita, kakausapin ko ho ngayon si Crosoft. Tatawag na lang ho ulit ako."

"Salamat, Hija."

"Sige po," nag-paalam siya bago pinatay ang linya.

Humugot siya nang malalim na hininga nang nasa harap na siya ng pintuan ng unit ni Crosoft. She stepped forward before she knocked. Dalawang beses pa siyang kumatok pero wala pa ring nagbukas ng pinto. She tapped the digits on the password access door control on the right side of the door.

Bumukas ang pinto.

Maingat na pumasok siya. Madilim ang kabuuan ng loob ng unit nito. Kung 'di pa sa tunog at ilaw na nagmumula sa TV ay 'di na niya mapapansin si Crosoft. Nakasandal sa sofa ang likod nito habang nakasalampak ng upo sa carpeted na sahig. Maraming mga bote ng beer at supot ng mga sitsirya ang nakakalat sa sahig. Hindi niya alam kung tulog ito o 'di lang talaga siya nito napansin.

Imbes na maawa ay nainis pa siya. Nag-martsa siya palapit dito at walang pasabing binatukan ito sa ulo. Sa sobrang lakas ng pagkakabatok niya kay Crosoft ay napahiga ito sa sahig.

"F-ck! Do you seriously need to do that?!" asar na sigaw nito nang makahuma. Humalukipkip siya sa harap nito. Masama ang tingin niya rito habang asar na hinaplos nito ang nasaktang ulo. "Shit, Cambria naman."

"Hoy babaeng na trap sa katawan ng lalaki paki-explain nga sa akin kung anong drama mo? Dalawang araw ka nang hindi pumapasok. Hindi ka na raw tumatawag kay Tita Dristina. Kung may problema kayo ni Jeymes pwede mo naman akong kausapin. Baka naman may maitulong ako. Nakaka hurt ka rin ng feelings eh."

"Wala kaming problema," kaila nito. "Imagination mo kung saan-saan na naman lumilipad."

Sumalampak siya ng upo sa tabi nito. Isinandal nito ang ulo sa cushion ng sofa bago ipinikit ang mga mata. Itinutok niya ang mga mata sa telebisyon. Wala siyang maintindihan sa palabas dahil wala naman siyang alam tungkol sa soccer. Hula nga niya ay 'di naman talaga nanonood si Crosoft. Mas type nitong panoorin ang mga fashion shows at America's Top Model na mga shows.

MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon