"CAMBRIA!"
Napabalikwas ako ng bangon. Halos habol ang hininga. Naipikit ko ang mga mata para pakalmahin ang sarili. Pero mabilis naman na bumalik sa isipan ko ang masamang panaginip.
Pagtingin ko sa tabi ko wala si Cam. Maliwanag na pero malakas ang buhos ng ulan sa labas. Bumalik ang kaba ko. Na saan si Cam?
Mabilis na bumaba ako ng kama at lumabas ng kwarto.
"Cam?!" sigaw ko. "Cam?!"
Sinilip ko ang mga kwarto ng mga anak namin pero wala naman doon si Cam at tulog pa ang mga bata. Bumaba ako at hinanap siya sa kusina, sa likod bahay at sa sala pero ni anino ni Cam 'di ko makita. Na saan na ba siya?
Lumabas ako ng bahay. Hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan. Basang-basa na ako nang makalabas ako sa gate.
"Cam!" sigaw ko. "Cam naman!"
Lakad-takbo ang ginawa ko. Sobra talaga akong kinakabahan. Paano kung magkatotoo 'yong panaginip ko. Dios ko! Huwag naman sana. Kung bakit kasi nawawala ng lang ng bigla ang 'sang 'yon.
"Baliw ka talaga! Kapag nakita kita titirisin ko talaaga ng pinung-pino 'yang balat mo."
Langyang buhay naman 'to oh. Ang drama, ha? Oo na! Sige na! Kakausapin ko na ang tatay ko. Makikipagbati na ako makita ko lang na naligtas si Cam. Dios ko, parang awa n'yo na.
Hindi ko naman mapigilan ang mga luha ko. Na trauma na talaga ako doon sa paniginip ko. Pack juice! Lord naman, huwag naman kayong magbiro ng ganito. Ayoko talaga nito!
"Hoy!"
Bigla akong napalingon.
Natigilan ako nang makita si Cam. Parang biglang nawala lahat ng pag-aalala ko sa kanya at napalitan 'yon ng saya. But still, I couldn't help myself from crying. Pack juice! Kinabahan talaga ako doon!
"Cam!" I run to her and hug her tight. "Cam!" I sobbed.
"C-Crosoft?" akmang itutulak niya ko pero pinigilan ko siya. Iyak parin ako nang iyak. Shet naman oh! Ang hirap magmahal. "Crosoft bakit basang-basa ka?"
"Malamang umuulan," nagawa ko pang magbiro sa kabila ng kaba at takot ko.
"Crosoft, ha?" bahagya niyang inilayo ang katawan saken para matignan ako sa mga mata. Bumakas ang pag-alala sa mukha niya. Mabilis na hinawakan niya ang magkabila kong mukha. "Oh, bakit umiiyak ka?"
"A-Akala ko..." I sobbed. "Akala ko kasi iiwan mo na ako." Napayuko ako.
Bumigay lahat ng kinikimkim kong takot at kaba at tuluyan na nga akong humagulgol. Gumalaw ang mga balikat ko sa sobrang pag-iyak. Pack juice! Ayoko talaga ng ganitong biro eh. Nakakaasar!
Naramdaman ko ang pagyakap niya saken.
"Ano ka ba," hinagod niya ang likod ko. "Hindi kita iiwan."
"H-Huwag mo 'kong iiwan, ha?" iyak ko parin.
"Sorry," aniya. "Sana pala nag-iwan ako ng sulat. Hindi ko naman alam na napa-praning ka na pala lately."
"Cam naman eh!"
"Oo na! Umuwi na tayo."
TITIG na titig ako kay Cam. Para kasing kapag kumurap ako bigla na lang siyang mawala sa paningin ko.
"Hoy Crosoft matunaw ako!" sita niya saken habang tinutuyo ang buhok niya gamit ng tuwalya. "Tigilan mo na 'yan. 'Di ako mawawala." Masuyo niyang tinapik ang pisngi ko.
Hinawakan ko naman sa magkabilang dulo ang tuwalyang ipinatong niya sa ulo para hilahin siya palapit saken. Napanguso siya. Natawa lang ako.
"At nakuha mo pa talagang magpa-cute na bruha ka, ha?"
BINABASA MO ANG
MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOM
ChickLitAVAILABLE NOW AT SHOPEE/LAZADA. JUST GO TO PSICOM ACCOUNT, ADD TO CART, AND CHECKOUT N'YO NA DALI. IF YOU'RE LUCKY, IN SOME OF THE BOOKSTORES. 💙 Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay best friend Crosoft D'Cruze. One drunken night, th...