"Crosoft..."
"Hmm?"
"Gusto kong magmahal..." napatingin ako kay Cam. Seryoso ang mukha niya habang malayo ang tingin. Hinintay kong mag-salita ulit siya. "Gusto kong magmahal ng taong alam kong kaya din akong mahalin." Natigilan ako.
"Nasabi ko na ba sayong," binalingan niya ako. "Apat na taon na akong nililigawan ni Excel?" Excel? 'Yong lalaki na nakita namin sa resort. Ibinalik ni Cam ang tingin sa malayo. "Iniisip ko na baka ito na 'yong tamang oras para bigyan ko naman siya ng pansin. Baka, siya na talaga ang lalaki para saken."
Muli niyang ibinaling ang tingin saken.
"Ano sa tingin mo?" tanong niya.
Pero walang lumabas na salita sa bibig ko. Hindi ko alam.
Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Hanggang ngayon hindi parin malinaw saken ang totoong nararamdaman ko para kay Cam. Kahit na hinalikan ko siya ng gabing 'yon pilit ko paring iniisip na wala lang 'yon. Normal lang naman na ma-attract ako sa babae. At hindi 'yon nagtatagal. Sa huli, sa mga lalaki parin ako mai-inlove.
Pero bakit gulong-gulo parin ang isip... at itong... idanala ko ang isang kamay malapit sa puso ko. Bakit iba ang isinisigaw ng puso ko? Ano ba talaga? Hindi ko na alam... gulong-gulo na ako. Ano ba talaga Crosoft?
....
Kanina ko pa napapansin na iba ang lakad ni Cam. Nadi-distract ako dahil paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang napapangiwi. Kapag overtime sa trabaho si Cam ay sinusundo at hinahatid ko siya pauwi. Ngayon lang nangyari na pinapauna niya akong maglakad habang nakasunod siya saken. May something talaga.
Sinadya kong tumigil. Bumangga naman ang mukha niya sa likod ko.
"Langya naman Crosoft!" reklamo ni Cam.
Nilingon ko siya. "Hoy, babaeng mukhang tomboy na mahaba ang buhok tapatin mo nga ako."
"Hindi kita gusto oy!"
"Ay ang defensive. Hoy," pinitik ko ang noo niya.
Napadaing siya. "Naman eh!"
"Sinasabi ko sayo Cambria, kapag ang isang bagay itinatago lalo lang 'yong lalala. Kaya umamin ka na ngayon." Ibinaba ko ang tingin sa isang paa niya. "Anong nangyari diyan sa paa mo?"
She made a face. "Wala. Konting galos lang naman."
"Galos?"
"Eh, ano, kasi... nagmamadali na ako kanina kasi mahuhuli na ako sa shift ko sa coffee shop. I decided to ride a motorcycle. Kaso sa sobrang pagmamadali ko ay namali ako ng baba at nadikit ang binti ko sa tambocho."
"Tambocho?! Patingin nga niyan." Sinubukan kong lumapit sa kanya pero lumayo siya. Naasar lang ako. "Ano ba Cambria, sabing huwag matigas ang ulo! Patingin niyan."
"Okay na nga, malayo naman 'to sa bituka eh."
"Aish," napabuntong-hininga ako. Talaga naman at nai-stress ako sa babaeng 'to. Kung alam mo lang kung anong ginagawa mo saken. Litse! Kinalma ko ang sarili. "Fine, basta patingin lang."
"Sige na nga," niyuko ni Cam ang ibabang manggas ng jeans niya paratupiin 'yon pataas ng paunti-unti. Tumingkayad ako sa harap niya para makita ang sugat niya. Nagulat ako sa laki ng paso niya sa binti. "Hindi naman na gaanong masakit."
"Nagamot na ba 'yan?" sinipat ko ang paso. Pulang-pula ang pabilog na paso niya. Buti na lang at 'di natanggal ang balat. The burnt part looks bad. Mukhang magkaka-scar pa. "Dapat kasi nag-iingat ka."
BINABASA MO ANG
MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOM
ChickLitAVAILABLE NOW AT SHOPEE/LAZADA. JUST GO TO PSICOM ACCOUNT, ADD TO CART, AND CHECKOUT N'YO NA DALI. IF YOU'RE LUCKY, IN SOME OF THE BOOKSTORES. 💙 Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay best friend Crosoft D'Cruze. One drunken night, th...