Napapansin kong masyadong tahimik ngayon si Cam. May pagkakataon talaga na masyado siyang iwas saken. Bigla na lang natatahimik at lalayo. Parang praning! Snob kung minsan. Sanay naman na ako. Hindi ko lang alam kung bakit may pagkakataon na ganun siya. Moody lang siguro. Ganoon din naman ako minsan. Hindi ko lang alam kung naiinis rin siya kapag moody ako.
Tulad ngayon, habang nagdi-discuss ang prof namin sa theatre ay tahimik lang siya sa tabi ko. Nagdo-doddle ng kung ano-ano sa likod ng binder niya. I wonder kung iniisip niya ako? Naloloka na ako sa mga pinag-iisip ko. Asar na saken si Jeymes. Wala parin akong masabi sa kanya. Gusto ko na ngang magpakalbo sa sobrang pag-iisip. Pero naisip ko ang pangit ko tignan. Pagkamalan pa akong siopao.
"For today's activity, I want you to find your own partner."
Automatic na tumingin ako kay Cam. Tumingin rin siya saken. Poker face pa.
"Partner mo 'ko?" walang buhay na tanong niya.
Na asar ako! "Malamang, ikaw ang tinignan ko, diba?"
"Okay," she just shrugged.
Tsk, ano bang problema ng 'sang 'to?
"You have to act infront. Each partner will pick the scene inside this fish bowl. Kung ano man ang mabubunot n'yo 'yon ang gagawan n'yong adlib. But first pass your ¼ piece of paper. Write your name and your partner's name."
Nagsimulang umungol ang iba naming mga kaklase. Pero itong si Cam wala paring pakialam. Kahit siguro magunaw ang mundo nandito parin 'yang si Cam. Si Cam na ang nag-sulat sa mga pangalan namin. Pinasa niya 'yon sa harap.
"For example," nagpatuloy si sir. "Cheating scene, syempre ang i-act n'yo ay all about those stories na ang hero or heroine nag-cheat sa kanilang mga partners. I'll give you a max of 5 minutes and minimum of 3 minutes to act the scene. Understand?"
"Yes sir!"
"Good! But before we start, I want you to all listen and focus to the ones who are acting infront. Are we clear?"
"Yes sir!"
"Good, then, let's start."
"Psst," ko kay Cam.
Tumingin siya saken. "What?"
"Okay ka lang?"
"Hmm?"
"Sabi ko, kung okay ka lang?"
Pilit ang ngiti niya. "Oo naman, bakit mo naman na tanong?"
"You're acting weird."
"Ilusyon mo lang 'yan. Huwag ka ngang praning. Anyway, pagkatapos nito aalis ako."
Kumunot noo ko. "Saan ka pupunta? Hindi ka kakain ng lunch?"
"May pupuntahan ako."
"Sama ako,"
"Hindi ba pwedeng maghiwalay din tayo minsan?"
Hindi ko pinansin ang ngiti niya. Nasaktan ako. Kahit na may himig 'yon ng pagbibiro hindi ko parin gusto ang pagkakasabi niya saken nun. Inalis ko ang tingin sa kanya. Hindi ko na napansin ang mga umaarte sa harap. Sira na ang mood ko.
"Bahala ka," sagot ko.
Everyone claps.
"D'cruze and Velasco!"
"Sir?" ni Cam.
"Infront please,"
"Crosoft," tawag ni Cam saken.
Nauna na siya sa harap. Sumunod ako. Si Cam na ang bumunot para sa aming dalawa.
"Confession: Friendship Secret Love." Basa ni Cam. "The heroine tries to tell her feelings by telling the hero that she's tired of everything. She's moving on. She's leaving. She's going to start anew. The hero will get angry and confessed his feelings for the heroine. Sad to say, the hero only treated the heroine as a friend."
BINABASA MO ANG
MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOM
ChickLitAVAILABLE NOW AT SHOPEE/LAZADA. JUST GO TO PSICOM ACCOUNT, ADD TO CART, AND CHECKOUT N'YO NA DALI. IF YOU'RE LUCKY, IN SOME OF THE BOOKSTORES. 💙 Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay best friend Crosoft D'Cruze. One drunken night, th...