Chapter 04

80 3 0
                                    

Misty's POV


"Misty,"


"Saan ka pumunta? Saan ka galing? Bakit biglang bumigat ang nararamdaman mo?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Nakatingin lang ako sa harapan ko. Mukha na akong tanga pero nag-aalala ako at hindi ko rin alam kung bakit.


"Pumunta lang naman ako sa office of the president ng Adelaide tapos bumigat na ang dibdib ko. Hindi ko rin alam kung bakit."


"Baka naman nanggaling ka na doon? Tapos na-trigger ng memories mo doon yung living body mo?"


"Posible ba yun?" Nagtataka niyang tanong na ikinatango ko.


"Kumusta na ngayon? Ano ng nararamdaman mo?"


"Wala na. Ayos na ako." Natural ng sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Dinampot ko agad ang mga libro ko. "Tara na. Balikan natin ang office of the president."


"Bakit?"


"Kunwari naligaw lang. Halika na." Yaya ko sa kaniya. Doon talaga ako dumiretso sa office of the president na may bantay pang guard kaya bahagya akong umupo sa waiting area na malapit doon. "Try mo kayang pumasok? Hintayin kita dito."


"Sige. Hintayin mo ako ha."


"Oo nga. Bilisan mo." Nakangiwi kong sabi at kinuha nalang ang phone ko. Ilang minuto lang ata ang lumipas nang marinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Ano? May nakuha ka ba?"


"Wala."


"Eh bakit ka nabuntong-hininga?"


"Eh kasi wala akong nakuha." Ramdam ko ang inis sa boses niya kaya natawa na ako at tumayo.


"May next time pa naman. Uwi na tayo." Nauna na akong maglakad dahil anong oras na rin at for sure nandoon na ang mga kapatid ko sa bah——


"Teka," napatigil ako sa paglalakad nang sabihin niya yun. Halatang kinakabahan pa siya kaya ramdam ko rin ang pagbilis ng mabilis ng puso ko. Naapektuhan na talaga niya ang buong sistema ko. "Kiervy."


"Huh?" 


"Kiervy. That's my name." Napamaang agad ako sa narinig ko mula sa kaniya! Alam na niya ang pangalan niya!!!


OH MY GOD.


ANG GWAPO NG PANGALAN!


"Talaga? Anong last name? Madali na natin mahahanap ang katawan mo kapag nalaman natin ang buong pangalan mo! Omg ka Kiervy!!!" Excited talaga na sabi ko kaya bahagya pang napatingin sa pwesto ko yung mga guard na nginitian ko lang ng bahagya bago nagpatuloy sa paglalakad. "Ano? Nakuha mo ba ang last name mo? Mababalik na kita sa katawan mo. Madali nalang natin magagawa yun dahil may pangalan ka na. Magtatanong-tanong ako sa mga s——"



"Hindi."


"Huh?"


"Baka kaya ko naaalala ang pangalan ko ay dahil sa nangyari kanina. Unti-unti ng ibinabalik sa akin ang ala-ala ko kasi tatanggalin na permanently sa akin. Hindi ba ganon naman talaga? Ibabalik tapos unti-unti ring mawawala. Why are we happy about this?"


"Hindi ko hahayaang mangyari yun." Desidido kong sabi sa kaniya at tumigil na sa isang tahimik na hallway. "Nasan ka?"


"Nasa likuran mo." Humarap agad ako sa likuran at tumingin sa kawalan na parang may kausap ako kahit wala naman.


My Heart Heard Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon