Chapter 14

66 1 0
                                    

Misty's POV


"So, you mean every full moon lang talaga namin makakausap at mararamdaman si Kiervy?" Tanong ni Elia na tinanguan ko naman agad. Bahagya pa akong natawa nang makita na suot-suot ni Kiervy ang hello kitty na headband na palagi niyang suot para makita ko kung nasan siya. Pfft.


"Kiervy, aside sa name mo, wala ka na bang maalala?" Tanong ni Nica kaya nagsulat agad si Kiervy sa papel na nasa harapan niya ng 'no'


"Pero naalala niya ang Adelaide at si Sir Tomas?" Nakangiwing tanong naman ni Elia.


Hindi ako makapaniwala na darating ang araw na makakausap ko sila ng ganito na kasama si Kiervy.


"Ano naman kaya ang ganap ni Sir Tomas?"


"Gagi." Biglang sabi ni Elia kaya napunta sa kaniya ang atensiyon namin. Ewan ko lang kay Kiervy. "Pamilyar sa akin ang pangalan ni Kiervy."


"Seryoso ba?" Nagugulat na tanong ko na ikinatango niya naman agad. Pareho sila ng sinabi ni Haines dati. Pamilyar daw ang pangalan ni Kiervy. Saan naman kaya nila narinig yun?


"Hindi ko maalala nakakainis."


"Huwag mo na muna pilitin. Baka naman bigla mong maalala." Saway ko sa kaniya. Napatingin naman agad ako kay Nica nang makitang lumapit na naman siya kay Kiervy at akma atang hahawakan ang ulo ni Kiervy kaya humarang agad ako. "Anong gagawin mo?"


"Iche-check ko lang kung may buhok siya. Oa naman nito."


"Malamang!!" Reklamo ko agad kaya pati si Kiervy na nasa likuran ko ay natawa doon.


"Edi umalis ka diyan para ma-confirm ko." Talagang itinulak niya pa ako papunta sa tabi kaya sinamaan ko agad siya ng tingin kasi muntik na talaga akong mahulog sa kama ko.


Mabuti nalang at hinawakan agad ni Kiervy ang braso ko.


"Mag-ingat ka." Saway ni Kiervy sa akin.


"Si Nica kasi!" Reklamo ko naman. Aba hindi naman ako ang may kasalanan talaga.


Si Nica 'tong kung ano anong ginagawa nang hindi ko man lang nalalaman!


"Napaka-protective mo naman kasi kay Kiervy ante." Nakangiwing sabi ni Elia. "Wala namang mangyayari diyan kasi ghost na siya. OA mo."


"Eh bakit ba?" Nakasimangot na tanong ko. Pansin ko ang palihim na pagngiti ni Nica dahil alam na niyang may gusto ako kay Kiervy kaya ganito ako ka-protective.


"Naku-curious ako sa boses ni Kiervy." Sabi ni Elia habang nakatitig kay Kiervy bago tumingin sa akin. "Maganda ba ang boses niya?"


"Oo. Sobra." Nakangiti kong sabi kasi ipagmamalaki naman talaga ang boses ni Kiervy. Ang ganda ng boses niya jusq. Hindi sobrang lalim. Like sakto lang talaga. Ang lakas maka-gwapo. "Marunong din siya mag-gitara."


"Talaga ba?" Sabay nilang tanong na ikinatango ko. Aba syempre ipagmamayabang ko yan 'no. Manok ko yan eh.


Tumayo agad ako at kinuha ang gitara na nasa kwarto ko at ibinigay kay Kiervy.


"Anong gusto niyong itugtog ko?"


"Ano daw gusto niyo?" Tanong ko doon sa dalawa kasi sila naman ata ang tinatanong ni Kiervy.


My Heart Heard Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon