Chapter 38

79 3 2
                                    

Benj's POV


"ANO????" Nagtago agad ako sa likuran ni Mama nang sigawan ako ni Ate Misty.


Sabi ko na nga ba at mapapagalitan ako eh!! Hindi ko naman kasi sinasadya!!


"ANONG SINABI MO?!! BENJ NAMAN!!! ALAM MO NAMAN HINDI BA....."


"Ano ka ba Misty?? Malalaman at malalaman din naman ni Kiervy ang totoo. Hindi mo kailangan sumigaw." Saway ni Mama kaya naguguluhan na tumingin sa akin si Ate Misty.


"Pero Ma may reason ako kung bakit hindi ko sinabi!! Paano na ngayon??? Paano???" Naiiyak na tanong niya. Pati ako ay naiiyak na rin. "Benj naman yung bibig mo!! Ilang beses ko kayong sinabihan!!"



"A-ate kasi..."


"Misty ano ba..... kahit anong pilit mong tago sa isang bagay kung gusto naman ng malaman ni Kiervy, malalaman at malalaman niya yun." Pagrarason ni Mama na ikinatango ko. "Benj!"


"Po??!" Para akong mahihimatay nang tawagin ni Mama ang pangalan ko.


"Nung kinausap ka ba ni Kiervy kanina mukha bang gusto na niyang malaman ang totoo? O bigla mo nalang sinabi???" Napatigil ako at napaisip nang itanong ni Mama yun.


"Actually Ma...... nakakapagtaka nga eh."


"Bakit?" Curious na rin na tanong ni Kuya Kai na kanina ay nanonood lang sa amin dito.


"Ang sabi niya ay confirmation lang daw ako sa mga bagay na nalaman niya." Yun talaga ang sinabi niya na hindi ko makakalimutan.


Halata na rin naman.


Alam kong alam na niya at kinumpirma niya lang talaga sa akin.


FLASHBACK


"Benj! Tara computer shop!" Yaya sa akin ng mga kaklase kong lalaki habang inaayos ko ang gamit ko dahil uwian na raw. Hindi ko kasi narinig ang sinabi nung president ng class namin dahil naglalaro ako ng ML.


"Pass muna pre."


"Luh? Bakit? Friday naman ngayon eh kaya tara na. May libre daw tayong one hour ngayon! Sayang yun, tanga..." Napabuntong hininga ako. Nanghihinayang ako sa one hour pero ayoko pang mamatay. Malamang sa malamang mapapagalitan ako ni Kuya kapag nalaman niya na pumunta ako sa computer shop.


"Next time nalang talaga pre. Ingat kayo." Nakangiti kong sabi at naglakad na pauwi. Nadaanan ko pa ang room ni Amara at nakitang hindi pa tapos ang klase niya. Pfft.


Buti pa ako. Hindi na nagklase ang last subject ko kaya mauuna ako sa bahay. Minsan kaya masarap ding naiiwanan mag-isa sa bahay dahil nagagawa mo yung mga bagay na gusto mong gawin.


Ngumisi lang ako kay kuyang guard bago dumiretso sa labas nang mapatigil dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon at nakasandal sa isang napakaangas na sports car na nakita ko sa buong buhay ko.


Mukhang hindi lang naman ako ang namangha sa sports car dahil pati ang ilang student na nandito ay kinukuhaan pa ng litrato ang sasakyan.


"Kuya Kiervy????!" Gulat na gulat na sabi ko na ikinangiti niya naman agad. "Sayo 'to????"


"Oo. Gusto mo sumakay?"


Hala si Kuya Kiervy inuuto ako!! Syempre magpapauto ako kasi malakas si Kuya Kiervy sa akin!


My Heart Heard Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon