Misty's POV
Ilang araw na naman ang lumipas at syempre mas naging malapit na sila Nica kay Kiervy. Madalas sila mag-usap usap kapag bilog ang buwan. Pero nababasa ko naman yung message nila kasi phone ko ang gamit nung isa pero nakakatampo pa rin kasi nabibiro na nila si Kiervy.
I mean, nagseselos ako.
Sabado na naman ngayon at nandito lang kami sa bahay ng mga kapatid ko. Wala si Mama ngayon kaya naiwanan kami dahil may kailangan daw siyang tapusin sa opisina niya. Nagluto nga lang ako ng lunch niya kasi nagmamadali talaga siyang umalis.
"Akyat lang ako saglit." Paalam ko sa mga kapatid ko at umakyat na ng kwarto ko. May kinuha lang ako saglit doon bago ko napansin na bukas ang pintuan ng kwarto nila Benj kaya dahan-dahan akong naglakad doon at nakita si Benj na ginagamot ang tuhod niya. "Anong nangyari diyan?"
"Ate!" nagugulat na sabi niya at ibinaba agad ang pants na suot niya pero naglakad na ako palapit at tiningnan yun.
"Anong nangyari dito? Bakit ang laki?" Sugat talaga na malaki yun. Ang malala pa diyan, meron din siya sa siko. "Benj," nagbabanta na sabi ko kasi wala siyang balak na magsalita.
"Nadapa lang ako, Ate."
"Ano?"
"Okay nga lang ako." Napamaang ako nang bawiin niya agad sa akin ang binti niya at tumayo na. "Wag mo nalang muna sabihin kay Mama kasi baka mag-alala." Seryoso niyang sabi at nauna ng bumaba ng kusina samantalang ako naman ay naiwanan na nakatulala.
"Misty,"
"May hindi siya sinasabi sa akin." Naikuyom ko agad ang kamao ko nang maisip yun. Wala namang kaso sa akin na hindi nila sabihin ang lahat pero ang ganong bagay? Parang kailangan kong malaman.
"Don't do anything."
"I'm not doing anything!" Kunot-noong sabi ko sa kaniya. Pinipigilan na agad niya ako eh wala naman akong ginagawa. "Nag-aalala lang ako."
"Alam ko. Pero hayaan mo muna si Benj. Baka ayaw lang talaga niya sabihin sa inyo kasi mag-aalala kayo ng sobra. Hintayin mo nalang na magsabi bigla."
"Hindi. Aalamin ko kung anong meron." Seryoso kong sabi at dumiretso na rin sa ibaba. Napatingin pa sa akin si Kai bago bahagyang tumingin kay Benj na nakasimangot din ata na bumaba.
"May pupuntahan pala ako mamaya." Natural na sabi ni Benj kaya napunta agad sa kaniya ang atensiyon ko.
"Saan?"
"May gagawin kaming project. Nagsabi na rin ako kay Mama, pumayag na siya." Sabi nito at nakipaglaro na kay Louie. Ako naman ay nanatiling nakakunot ang noo.
Bahala na.
"Don't do anything." Paalala na naman ni Kiervy kaya napabuntong hininga na ako.
Okay, hindi na nga.
Bakit ba niya pinapaalala pa yun??
Umalis na nga si Benj nung hapon kaya naiwanan kami sa bahay. "May surprise daw sayo si Ate Misty." Bulong ni Kai kay Louie kaya napunta na rin sa kanila ang atensiyon ko.
Ako? May surprise kay Louie? Ano naman yun?
"Nandiyan na ang bike ko???" Excited na tanong ni Louie na tinanguan naman agad ni Kai kaya nagugulat ko siyang tiningnan na ngumiti lang sa akin bago umakyat sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
My Heart Heard Your Voice
RandomMisty has possessed a highly unique talent since the day she was born that neither she nor anyone else - possibly - possesses. The voice of a ghost can be heard by this girl. She sees her gift as a curse, but little did she know that she was going t...