Chapter 29

79 3 0
                                    

Misty's POV


Mabigat ang dibdib ko dahil nasagot ang tanong ko. Bakit ba kasi naisipan ko pang sabihin sa kaniya ang totoo? As if may mababago naman doon. Ikakasal na si Kiervy at hindi na pwede yung nararamdaman ko.


Kailan nga ba kasi naging pwede?


"He's abroad kasi before but now he's here for the preparation of our wedding." Wow.


"Talaga?"


"Yes. I'll invite all of you." Wow 'wag na.


Ngumiti lang ako at tumingin kay Haines na kanina pa nakatitig sa akin.


"Haines, pwede ba kitang makausap?" Ramdam ko ang tingin ng mga kaibigan ko sa akin pero ito nalang yung naiisip kong paraan para makaalis sa sitwasyon na 'to. "Ngayon na sana. It's about our club members." Ginamit ko na ang card na yun para mukha talagang private at kami lang dapat.


"Sige, tara." Yaya ni Haines at bahagyang tumingin kay Kiervy. "I'll message you later, Kiervy. May class din ako eh. Sir Tomas also wanted to see you kaya doon nalang muna kayo dumiretso."


Hinawakan agad ni Haines ang braso ko at hinila ako palabas ng room namin. Dumiretso kami sa field para wala masiyadong tao at medyo malapit din sa building namin.


"Anong problema?"


"Gusto ko lang huminga dahil tama kayo." Buntong-hininga kong sabi at tumingin sa mga students na nasa ibaba. "Affected pa rin ako. Masakit pa rin."


"He's been dreaming about it," panimula ni Haines na ikinatango ko. Sinabi naman na sa akin ni Kiervy yan. "And he wanted to know the answers. Gusto niyang malaman kung nakasama ka na daw ba niya dati. Why don't we tell him the truth? May karapatan din naman siyang malaman ang katotohanan."


Tumingin agad ako sa sinabi niyang yun. Nakukuha ko naman ang punto nilang lahat. "Kapag sinabi ko kay Kiervy ang totoo, anong mangyayari? Maguguluhan lang yung tao. Isa pa, hindi normal yung pagkakakilala natin sa kaniya. Magulo, Haines. Sobrang gulo."


"Misty,"


"Ilang beses kong sinubukan na sabihin sa kaniya. Gusto kong sabihin sa kaniya pati yung nararamdaman ko, alam mo ba yun?" Emosyonal na tanong ko sa kaniya. "Kaso para saan pa?"


Nanahimik siya at napabuntong hininga nalang. Kahit siya ay alam ang sinasabi ko dahil tama naman talaga ako.


Kinahapunan ay nagkaroon kami ng meeting kasama ang photography club. May mga inassign na kasi akong students para mag-document ng mga actions na ginagawa para doon sa event. Depende sa availability nila. At ako naman ang after class na.


"Sasama ka?" Nagtatakang tanong ko kay Haines nang makita ko siya sa tabi ko. Nandito kasi ako sa main building at hinihintay ang service namin papuntang Winnifred dahil may meeting ata doon para sa nalalapit na event. Nandoon na rin daw kasi ang President ng Adelaide kaya pupuntahan ni Sir Tomas and might as well have a meeting.


"Syempre. Kailangan ako doon 'no."


"Ang yabang mo naman." Natawa agad siya sa sinabi ko kaya sumimangot na ako.


"Ikaw ang mayabang. Bakit mag-isa ka lang? Nasan ang iba?"


"May mga gagawin daw sila eh kaya ako nalang muna. Wala din naman akong urgent na gagawin kaya pumayag na ako." Natural na sabi ko at sumakay na sa van nang tumigil yun sa harapan namin. Aside sa aming dalawa ni Haines, may ibang student pa kaming kasama na member ng student council.


My Heart Heard Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon