Misty's POV
"A-ano?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi agad nakapag-function ang utak ko.
"I said, let's be friends."
"Akala ko ba magkaibigan na tayo?" Naguguluhan na tanong ko na ikinamaang niya naman at dahan-dahan pang lumapit sa akin kaya napasandal ako sa elevator. "A-ano ba....."
"So, nagma-matter naman pala sayo ang mga sinasabi ko."
"Naalala ko lang."
"Okay. So, we're friends now and friends bring each other to their home, right?" Nakangiti niyang sabi kaya sinamaan ko agad siya ng tingin. Alam niya kasing tama siya kaya ganiyan ang ngiti niya. "We're here." Sabi niya nang bumukas ang elevator at lumabas agad kami sa isang napakalawak na hagdanan papaakyat. What the hell??
Sumunod ako sa kaniya sa paglalakad papaakyat sa isang malaking pintuan. "Come here."
"Bakit?" Nagtataka kong tanong pero may pinindot lang siya sa harapan bago ini-scan ang mukha ko. Napamaang pa ako nang bumukas ang pintuan dahil doon. "What the hell?"
"You can access my penthouse na, yey." Nakangiti niyang sabi at nauna pang pumasok sa loob.
"Hoy Kiervy!" Habol ko at hinawakan pa siya sa braso kaso napamaang na ako sa laki ng lugar na ito.
Sabagay. This is Kiervy. That Kiervy.
"It's amazing, right?" Tanong niya na dahan-dahan kong tinanguan pero naalala kong may kailangan pa pala akong itanong sa kaniya.
"Bakit nag-unlock ang bahay mo nung na-scan ang mukha ko? Don't tell me binigyan mo talaga ako ng access sa bahay mo?"
"Yes."
"What??? Baliw ka ba? Paano kung pumunta ako ng wala ka dito???" Naguguluhan na tanong ko kaya natawa siya at hinawakan ang magkabilang braso ko bago tumingin ng diretso sa mga mata ko.
"You can go here, Misty. I'm giving you the access here. I told you, we're friends."
"But friends don't do that." Diretso kong sabi kaya napangiti agad siya at tinaasan pa ako ng kilay.
"Really?" Bahala na siya sa buhay niya.
Hindi ko muna iisipin ang mga bagay bagay sa paligid ko.
"Ikaw lang dito?"
"Yes." Natural na sabi niya at hinila ako papunta sa dining area. "May mom originally owned this place but she gave me this one for my 21th birthday."
"Wow." Iba pala talaga mag-regalo ang mayayaman. "Akala ko ba kakain ka? Nasan ang pagkain mo?" Nagtataka kong tanong dahil wala namang pagkain dito.
"Chill. I know how to cook."
Ganiyan. Ganiyan ang type ko.
"Hindi ko naman itinanong." Sinamaan niya agad ako ng tingin dahil sa sinabi ko pero nagkibit balikat nalang ako at pinagmasdan ang buong penthouse niya. "Wala kang guitar dito?" Nakakapagtaka naman yun. Hindi ba't marunong siya maggitara? Bakit wala akong nakikitang gitara?
BINABASA MO ANG
My Heart Heard Your Voice
RandomMisty has possessed a highly unique talent since the day she was born that neither she nor anyone else - possibly - possesses. The voice of a ghost can be heard by this girl. She sees her gift as a curse, but little did she know that she was going t...