Misty's POV
Natapos na ang midterm namin at ilang linggo nalang din ay finals na kaya wala na akong panahon na malungkot pa sa pag-alis ni Kiervy dahil sa dami ng ginagawa ko.
Hindi na kasi talaga siya bumalik at wala na rin akong balita sa kaniya.
"Haines, hands on mo naman...." Pang-aasar ni Nolen kay Haines nang ilapag nito ang mineral water sa harapan ko. "Kung ako sayo, umaamin na ako."
"Kaya nga. Wala namang kaso kay Misty yun dahil wala pa naman siyang boyfriend." Sabat naman ni Cannon. Kung makapag-usap sila ay parang wala ako sa harapan nila.
Sabagay, wala nga palang alam ang dalawang 'to.
"Not now." Tipid na ngiti na sagot naman ni Haines na ikinangiwi ko samantalang natawa naman sila Cannon. "Kumusta ang exams? Mahirap?"
"Sakto lang. Nag-review ako kaya medyo okay sa akin." Natural na sabi ko at kumain na.
"Baka naman maperfect mo ang exam sa pagre-review mo ha. Balita ko kay Kai ay puro aral ka daw. Huwag mo naman talunin si Haines." Natatawang sabi ni Elia at kinagat ang sandwich na hawak niya. "Baka maging top 1 ka bigla."
"Edi masaya." Sagot naman ni Nica bago tumingin kay Cannon. "Gusto mo ng sandwich?" Umiling naman si Cannon at ngumiti lang kaya napabuntong hininga ako.
Bakit ba ganito sila sa harapan ko? Nalulungkot lang ako lalo.
"May balita pa ba kayo sa kaniya?" Tanong ni Elia sa amin ni Nica. Nandito kami sa restroom dahil nauna na sila Haines sa room para sa next class. "Hindi ba talaga tayo magpapakilala?"
"Hindi pa nga natin alam kung gising na ba siya or what." Natural na sabi ko at naghilamos.
"So, magpapakilala tayo kapag nagising na siya?" Excited na tanong ni Elia kaya pinunasan ko muna ng towel ang mukha ko bago tumingin sa kaniya.
"Hindi pa rin."
"Luh."
"Elia, kung makikita mo yung buhay ni Kiervy, maiintindihan mo ako." Nagpapaliwanag na sabi ko sa kaniya na ikinatigil niya. "His father is the President or to make it more understandable, the owner of Winnifred University which is one of the prestigious university here in our country. Kiervy is the former president of the supreme student council, which means he is an excellent student. He is also engaged with Katelyn Avery Cassidy which is the daughter of the President of Adelaide University. Remember? Merge ang University natin dahil sa kanila." Napaiwas ako ng tingin at nagsuklay ng buhok.
"Wow...." namamangha na sabi ni Elia at hindi pa makapaniwalang tumingin sa akin. "Talagang detailed ang explanation mo ha."
Napabuntong hininga naman ako. "Sinasabi ko lang na hindi na natin kailangan magpakilala pa kay Kiervy kasi magkaiba tayo ng mundo. He's living like that, while us, ganito. Hindi magandang tingnan so let's leave it like this, hmm?" Nakangiti kong sabi at itinali na ng isang bun ang buhok ko.
"Well, yung taong sinasabi mo na may PRESTIGIOUS at KAKAIBA na buhay kesa sa atin ay gusto ka lang namang makasama. I think, enough na reason yun?" Sabat na ni Nica na kanina ay nananahimik lang.
"Hindi enough." Tipid na ngiti na sabi ko sa kanila.
"Misty,"
"Tara na. Ayoko ma-late sa next class." Hindi ko na sila hinintay at lumabas na ng restroom.
BINABASA MO ANG
My Heart Heard Your Voice
RandomMisty has possessed a highly unique talent since the day she was born that neither she nor anyone else - possibly - possesses. The voice of a ghost can be heard by this girl. She sees her gift as a curse, but little did she know that she was going t...