Misty's POV
"Psst, Misty!"
"Hala! Hindi siya namamansin."
"Baka naman badtrip?"
"Sungit naman niya."
"Naririnig niya ba talaga tayo?"
"Oo nga. Nung tinawag ko siya kanina, lumingon siya."
Nagpatuloy ako sa pagsusulat ng lecture sa upuan ko. Ilang taon na akong nakakarinig ng boses pero naiinis pa rin ako kapag ganitong kinukulit nila ako. Ayokong mag-mukhang kakaiba sa harapan ng maraming tao. Tapos na ako sa era na yun.
Na-bully ako noong junior high because of these things. Ayoko ng bumalik pa doon. I had enough. Gusto ko na maging peaceful ang college year ko.
"Subukan mo kayang kalabitin?"
"Paano? Hindi naman full moon. Hindi niya tayo mararamdaman kaya nga boses lang ang ginagamit ko eh."
Napunta ang atensiyon ko sa professor ko nang patayin na niya ang laptop niya at tumingin sa aming mga students na nandito. I am now a second year college student, taking Bachelor of Science in Business Administration. "Do you have any questions, class?"
"None, prof." Sabi ng mga kaklase ko kaya tumango si Prof Ables sa harapan.
"Alright. I'll see you to our next meet nalang. Ingat sa pag-uwi!" Nakangiti niyang sabi bago lumabas ng room namin. Napangiti naman agad ang mga kaklase ko at kaniya-kaniya ng usap sa kung ano ang gagawin nila. 3pm palang kasi at wala na kaming class. Well, ganito naman na ang schedule namin. Ayoko ng pang-hapon kaya ito talaga ang kinuha ko.
"Misty, sama ka sa amin?" Nakangiting sabi ni Elia sa akin. Napangiti naman ako at dinampot ang bag ko.
"As much as I wanted to, hindi pwede. Kailangan ako sa bahay."
"May problema ba?" Tanong na rin ni Nica sa akin.
"Wala naman. Maglilinis kasi sa bahay. Tutulong ako."
"Kailangan ba ng tulong namin?" Tanong na naman ni Elia kaya napailing na ako at tinapik pa ang balikat nilang dalawa.
"Mauna na ako." Hindi ko na hinintay pa ang susunod na sasabihin nila dahil naglakad na ako papaalis.
Ang init paglabas ng campus namin. Para akong kinukuha ni Satanas sa init nakakaloka. Wala din naman akong payong kaya no choice kundi ang maglakad sa sakayan ng jeep para makauwi.
"Psst, Misty!"
"Misty! Pansinin mo naman kami!!"
"Hoy!!!"
Isinuot ko agad ang headphone sa tainga ko. "Ano bang kailangan niyo? Kanina niyo pa ako kinukulit." Ramdam ko ang pagtingin sa akin ng mga taong nakakasalubong ko pero nang mapatingin sila sa headphone na suot ko ay binalewala na nila ako.
"Naririnig mo talaga kami??"
"Tayo ba ang kausap niya?"
"Kanina ko pa kayo naririnig sa room namin. Ano bang kailangan niyo sa 'kin? Tsaka bakit kayo nandoon?" Alam kong parang tanga ang ginagawa ko pero since birth, ganito na talaga ako. Kaya nga iniwanan ako ng mga magulang ko eh. Iniisip kasi nila na isinumpa ako because I hear voices. Funny, right? Akala nila may psychological problem ako.
BINABASA MO ANG
My Heart Heard Your Voice
De TodoMisty has possessed a highly unique talent since the day she was born that neither she nor anyone else - possibly - possesses. The voice of a ghost can be heard by this girl. She sees her gift as a curse, but little did she know that she was going t...